Miles POV...
3 years later...
Nag aaral nako dito sa Antasya Kingdom.
And ang alam lang nila na ginagamit ko ay yung hangin. Di ko pa pinalabas lahat mahirap na kung may kalaban.
"Princess... may surpresa kami sayo." Sabi ng kaklase ko. Dahil mahilig ako sa surprise kaya sumama ako. Hanggang makapunta kami sa kakahuyan sa labas ng akademya.
"Malayo pa ba?" Tanong ko, mukhang di sila nakikinig. Mukhang masama ang pakiramdam ko neto huh.
Hanggang makarating kami sa parang ilog.
"Wow, ang ganda naman dito." Sabi ko habang namamangha na tumingin sa ilog.
Tumingin ako sa reflection ko sa tubig. Nagulat ako kasi ang kaklase ko sa likod may hawak na espada at pansin ko di ako makagalaw.
"A-anong ginagawa mo!" Panik na pagkasabi ko.
"Mawawala ka na sa mundong toh!" Sigaw ng kaklase ko at itinusok niya ang espada sa tiyan ko.
"Aaaaarrrrrrgggghhh!!!! B-bakit niyo toh ginagawa!" Nahihirapan kong sabi.
"Ikaw nalang parati. Paalam princess." Nakangiti niyang sabi sabay tulak saakin sa tubig. Sa lakas ng agos tumama ang ulo ko sa bato.
Mama
Papa
Mga Kaibigan ko
Antasya
*Blackout*
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
Sa mundo ng mga tao...
Nagpalutang lutang ang katawan ng prinsesa sa ilog ng may mag asawang nakakita rito.
"Hon, may tao ba yun?" Sabi ng babae at nilapitan ng lalaki.
"Oo, hon batang babae at mukhang galing siya sa skwelahan kasi nakauniform pa." Sabi ng lalaki sabay alsa sa katawan ng prinsesa.
"Hon, baka ito na ang hinihiling natin na anak." Masayang sabi ng babae.
"Simula ngayon, siya na ang anak natin." Sabi ng babae sabay yakap sa asawa niya.
*****
Author POV....
Naghihintay ang magasawa kung kailan siya gigising. At sa kakahintay nila bigla gumalaw ang finger ng kamay neto.
At nagmulat ng mata niya.
"Gising na siya!" Masayang sabi ng babae.
"S-sino kayo?" Sabi ni Miles.
"Uhmm ano .... nakita ka namin sa ilog iha kaya kinuha ka nalang namin." Sabi ng lalaki. Napahawak naman si miles sa ulo niya.
"Arrggghhh!!" Sigaw niya.
"A-anong nangyari?! Masakit ba ulo mo iha?" Sabi ng lalaki.
"Wala akong maalala! Sino kayo, nasaan ako at..." nakahawak padin siya sa ulo niya pero huminto na siya sa paggalaw.
"Sino ako?" Sabi niya, na kinabigla ng mag asawa.
"Wala kang maalala kung saan ka galin?" Sabi ng babae. Napailing siya sa sinabi ng babae.
"Okey ganito nalang kami muna ang ituring mo na pamilya okey? Teka ano bang pangalan.... ay wala pala siyang maalala." Sabi ng lalaki. Ng mapansin nilang may pangalan sa uniform niya.
'Miles'
"Miles pala ang pangalan mo iha." Sabi ng lalaki.
"Miles, ang pangalan ko?" Sabi niya at tumingin sa uniform niya.
BINABASA MO ANG
The Guardians Of Elements (Book 2) (COMPLETE)
FantasySeason 2 ng The Guardians Of Elements. "The Daughter of Dark and Lander Adventure Story"