Miles POV...Nandito ako ngayon sa sementeryo.
Ah 3 years na simula nung nangyari ang digmaan ng Dark and Light Kingdom.
Naalala ko yung araw na nagising ako.
Flashback (3 years ago)....
Napamulat ako at nakita ko sina mama at papa na masaya na makitang gumising ako.
"Papa, Mama..." Ako
"shh.... Miles anak, magpahinga ka muna ha." sabi ni papa habang nakayuko para mahawakan ang ulo ko habang nakaupo si mama sa gilid ng kama ko.
"pwede po bang magtanong?" sabi ko sa kanila tumango naman sila.
"paano ako nabuhay?" sabi ko.
"Hindi natamaan ang tiyan mo ng espada. Kundi ang white key ang natamaan ng espada." sabi ni mama. At ibinigay ni mama ang white key ko.
End of Flashback...
Napangiti nalang akong tumingin sa langit.
"Anak, Okey ka lang?" sabi ni papa. Tumango nalang ako. Inilagay nila ang bulaklak sa puntod. At umupo sila sa gilid ko.
"Anak, salamat kasi bumalik ka saamin." sabi ni mama at niyakapko nalang siya.
"Kahit anong mangyari babalik ako kahit anong mangyari. It's been 7 years na magkahiwalay tayo, see bumalik ako na Kompleto walang labis walang kulang." sabi ko na natatawa. natawa nalang din sila.
Napatingin ako sa puntod.
"Alam niyo, inaalagaan niya ako, maayos ang pakikitungo niya saakin, sweet, at maalagaanin siya saakin. Kahit sinong umaway saakin nandiyan siya parate sa gilid ko." sabi ko at hinawakan ko ang picture niya. At niyakap.
"ganun. Ibig sabihin may utang na loob tayo sa kanya kasi tinuring niyang prinsesa ang anak natin." sabi ni mama.
"Oo nga." sabi ni papa.
"Miles!!" tawag ni himeka saakin.
Napatingin ako.
"Himeka!" Nakangiti kong sabi at niyakap siya. Close talaga kami ni himeka.
"Laro tayo." sabi niya.
"Mamaya na...." pinutol niya ang sinabi ko.
"gusto pa naman kitang makasama." maiyak iyak niyang sabi.
Napangiti ako sa kanya at hinwakan ang pisnge niya at kinurot.
"Ang Cuuuuuuuuttttteeee mo. Sige na nga." sabi ko.
At tumayo nako at hinawakan ang kamay nya.
At naglaro na kami hanggang sa mapagod. Napaupo kami sa damuhan.
"Alam mo namiss ko na si kuya." nakatingin siya sa langit habang sinasabi niya ito.
"Me too. I miss him." sabi ko.
Napangiti kaming dalawa.
"soooo namiss mo pala ako?" sabi ng isang napakalamig na boses. Napatingin agad kaming dalawa.
Tulala ako habang nakatingin sa kanya
"Z-zero..." nauutal kong sabi ang bilis ng puso ko. At oo buhay si Zero, si clark yung nakalibing kanina.
Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you too, miles." sabi niya.
"kailan kapa bumalik." sabi ko at humiwalay sa kanya.
"kanina lang." sabi niya saakin at nginitian ako ng napakatamis.
"ehem." sabi ni himeka.
Napangiti nalang ako.
Palasyo.....
Naglalakad ako sa loob ng palasyo ng may narinig akong umiiyak sa may garden ng palasyo.
"Himeka?" gulat na pagkasabi ko.
"m-miles" gulat din niyang sabi.
"Bakit ka umiiyak?" sabi ko at niyakap siya.
"I miss my family." sabi niya.
Pamilya niya?
Di ko pa nakikilala ang mga magulang niya.
"Nasaan sila? Pupuntahan natin." sabi ko. Tumingin siya saakin at umiling.
"Wag na. Sabi kasi nila hahanapin ko ang teenager nila na katawan dito sa present ninyo." sabi niya. Ha? wala akong maintindihan?
"Galing ako sa future. Nakita ko na ang papa ko at yun ay ang tinatawag ko na kuya ngayon." sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. M-may anak na si Zero? at galing sa future eh sino ang mama niya?
Ako?
Sana...
"Anong pangalan ng mama mo." tanong ko.
"Queen...." di niya natuloy dahil may tumawag saamin.
"Miles! Nawawala si Zero! kinuha siya ng portal." sabi ni chris.
Napatayo ako.
Tatakbo sana ako ng....
"M-MILES!!!" Sigaw ni himeka at nakita kong hinigop siya ng portal. At hinawakan ko ang paa niya kaya nasali ako sa pagpasok niya sa portal.
Nagising ako sa isang lugar. Asan ako? teka si himeka nasaan na siya?! sh*t nagkahiwalay kami kanina.
Tumayo ako. Wait familyar ang lugar.
Parang kamukha ng Antasya at palasyo ni Zero na naging isa.
Lumakad ako bakit ang gulo? Naglakad lakad ako ng mafeel ko na ang raming kalaban sa paligid. kaya lumipad ako para makita ko sila.
Kaya naghanda ako. at lumabas ang mga malalaking ibon mga 5 sila.
"nako naman. Mukhang gagawin pa ako netong oud eh." sabi ko tsaka lumipad ng mabilis.
At nakasunod parin sila saakin. Walang mangyayari kung parate akong magpapahabol sa mga iyan, Kaya huminto ako at humanda sa pag atake.
"FIRIOUS JIME!!" sigaw ko at tumira ng malakas na apoy galing saakin at ayun naging Chicken Joy.
Napabuntong hininga ako. at bumaba kailangan kong malaman kung nasaan talaga ako!
Di ko napansin nakarating ako sa isang market at nabigla ako sa nakalagay sa market na iyon.
'Antasya Market'
Ibig sabihin nasa antasya ako? eh anong panahon ito?
"Sino ka!" sigaw ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya. Nakahawak siya ng baril at saakin nakatutuk.
Bigla akong napataas ng kamay.
"H-hindi ako kalaban!" sabi ko.
"Ano ang proweba mo!" sigaw niya. Nagisip ako at inilabas ko yung Card na isa akong taga antasya na mamamayan.
Ibinaba niya ang baril niya at lumapit saakin.
"Pasensya na at tinutukan kita. Halika sumama ka saakin maraming mga kalaban dito." sabi niya. Ngumiti naman ako tsaka sumunod sa kanya hanggang makarating kami sa isang lugar na puro may harang at may underground pa doon kaya doon kami pumasok.
Pagkarating namin sa loob nakita kong maraming tao. Mga mamamayan mukhang dito sila nagtatago.
"Mga mamamayan din sila ng Antasya." sabi niya, inilibot ko ang paningin ko.
Ang rami nila dito.
"Tulong ang anak ko!" sigaw ng isang babae sa di kalayuan sa hinihigaan ko. Kaya nagmamadali akong tumakbo dun.
At nakita ko ang bata na kukunan na ng buhay ng tagabantay.
***********
LMCD
BINABASA MO ANG
The Guardians Of Elements (Book 2) (COMPLETE)
FantasySeason 2 ng The Guardians Of Elements. "The Daughter of Dark and Lander Adventure Story"