Episode 2.12 'Lungsod'

3.8K 144 0
                                    


Miles POV...

Namamasyal ako dito sa lungsod, tama nga sila peaceful ang lugar na ito.

Walang kaguluhan ang nangyayari.

"Miles!" Tawag saakin ni Doren. Bagong kakilala ko na kaibigan. Same age kami.

"Ah ikaw pala bakit?" Sabi ko.

"Gusto mo ba pasyal kita." Sabi niya kaya napatango nalang ako.

"Sige ba." Sabi ko at lumakad na kami at may napansin akong napakagandang palasyo kaparehas nung nasa panaginip ko.

"Yan ang Antasya Kingdom. Dahil sa paghandle nila gumaan ang pamumuhay namin walang naghirap saamin." Sabi ni doren.

Napatango ako. ANg galing naman peaceful talaga ang lugar na ito.

Hanggang napadaan kami sa isa pang napakalakaing gate.

"Yan naman ang Antasya Kingdom. Diyan sinasanay ang mga estudyanteng may malalakas na kapangyarihan. Marami saamin ang gustong magendroll diyan pero wala kaming mga kapangyarihan eh." Sabi niya.

"Wag kang magsalita ng ganyan lahat ng tao may tinatago na kapangyarihan. KAgaya ng kapangyarihan ng pag-ibig at iba pa." Sabi ko kaya napangiti siya saakin.

"Salamat miles." Sabi niya.

At lumakad na kami. Napasulyap ako sa school. Gusto kong pumasok diyan.

Hanggang sa maggabi di pa natatapos ang handaan nagsayahan ang lahat.

"Grabe di nauubusan ng enerhiya ang mga tao dito." Nakangiti kong sabi.

"Ganyan talaga dito. Masanay kana." Sabi nila. Ibang iba sa mundo ng mga tao.

"Ay, wait ikwento mo nga kung sino si Zer.... este si Prince Zero dito." Sabi ko kay doren.

"Si Prince Zero? Siya ang kinatatakutan sa lahat, napakacold niya, tapos di pa namin siya nakitang ngumiti, tapos, parateng sa side niya yung babae..." napaisip ako.

"Si himeka yun. Yung taga balikat ko na babae?" Sabi ko sa kanya at tumango siya.

"Pinsan niya yun. PAra narin niyang kapatid yun eh." Sabi ko.

"Ah, ganun? Akala namin siya yung itinakda kay prince zero eh." Sabi niya. Nawala ang ngiti ko sa labi nung pagkasabi niyang itinakda.

"Itinakda?" Wala sa sarili kong sabi.

"Oo, prinsesa din ang nakatakda kay prince zero at yun ay ang prinsesa ng lugar na ito." Sabi ni doren. Prinsesa ng Antasya?

Biglang sumakit ang puso ko sa narinig ko.

"Doren, magpapahinga muna ako huh." Sabi ko. Tumango naman siya at umalis nako dun.

At pumunta ako sa isang lugar na may isang puno. At napaupo ako dun. Malayo ito sa lungsod.

Akala ko kami ang magkakatuluyan sa huli. May nakatakda pala sa kanya.

"Sana di ka nalang nagpromise zero. Kung una alam mo na pala na may makakatuluyan ka sa huli at di yun ako." Sabi ko, iyak padin ako ng iyak. Mahirap mag move on.

*rawr*

Napatingin naman ako sa likod ko may mga halimaw.

Napatayo ako. Nakalabas ba ako sa shield ng barrier ng antasya?

Mga lobong naglalaway ang nakita ko. Anong gagawin ko?

At tumakbo sila papunta saakin...

'Please help me!' Sabi ko sa isipan ko..

The Guardians Of Elements (Book 2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon