Episode 2.24 'Antasya Kingdom'

3.8K 138 4
                                    


Himeka POV...

Nandito ako sa kwarto ko nakahiga sa higaan ko. Namimiss ko na sina mama at papa. Bakit nangyari sa kanila yun!

Naalala ko na sinabi nila saakin bago ako pumunta dito sa present.

"Himeka, pumunta ka sa past at hanapin mo kami doon ng papa mo." sabi ni mama. Habang hinihingal.

"anak, remember this. Malaking maitutulong sayo ang past namin. Magiingat ka anak ikaw lamang ang makakatulong saamin. Nasa iyong kamay ang kapalaran para mabago ang hinaharap natin." sabi ni papa. Napaiyak nalang ako.

"mama, papa gagawin ko lahat." sabi ko at gumawa ako ng portal at pumasok doon. Babalik ako.

Hanggang sa nagising ako sa isang kwarto na familyar saakin.

At may nakikita akong nakatitig saakin na isang lalaki mukhang bata pa siya nasa mga 8 ang edad niya.

"sino ka?" sabi niya. Ang boses nayun.

"P-papa!!!" Sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit.

"huh?" sabi nalang niya. Ikinuwento ko sa kanya lahat at naintindihan naman niya. Gnyan katalino ang papa ko.

Nagising ako sa realidad ng may kumatok sa pintuan ko.

"bukas po yan." sabi ko at pumasok si Grandma.

"princess, umiyak ka ba?" sabi i grandma saakin at niyakap ako

Ngumiti ako at umiling.

"napuling po ako. Hhehe. bakit po kayo nadito grandma?" sabi ko nalang.

"may goodnews ako sayo." sabi niya.

"ano po iyon?" sabi ko habang question mark pa ang ulo ko.

"nandito na ang papa mo. At kasama na nila si miles." nakangiting sabi ni grandma mukhang nabuhayan ako ng loob.

"talaga po!! yehey!! andito na sila!" masaya kong sabi at niyakap si grandma ng mahigpit.

Excited nakong makita si papa! Kasi hahanapin pa namin si mama!

Dark POV...

Nandito na kami sa Antasya Kingdom dito muna kami titira. Mag iimbestiga muna sila kung bakit kinuha si Miles ng mga kalaban.

"mahal na hari at reyna pasensya na po kung di po namin mahanap ang prinsesa sa Dark Kingdom. Mukhang wala po siya doon." sabi ni Cas.

Nalungkot naman ang itsura ng reyna.

"di tayo susuko sa paghahanap. Mlapit na ang araw na kokoronahan na ang prinsesa. At kung wala siya ng araw na iyon sasakupin na ng dark kingdom ang Light Kingdom." sabi ng hari.

"opo di po kami titigil sa paghahanap." sabi ni chris.

Napaisip ako kung iiwan ko nanaman siya baka di ko nanaman kakayanin.

Miles POV...

Nagising ako nasa isang kwarto ako pero ibang kwarto ang ganda. Napatingin ako sa damit ko. Ito parin pero hindi kulay itim.

Ibig sabihin di natuloy! wait...

Nakita ko si zero bago ako nahimatay.
Iniligtas ako ni zero

Lumabas ako baka nandito ako sa palasyo ni zero. Hinahanap ko si zero sa boung lugar ng....

"sino ka! hulihin niyo siya!" sigaw ng isang kawal. Waaaa!! at nahuli nila ako waaa zero help me!!

At dinala ako sa isang napakalaking lugar at may nakita akong hari at reyna at may nakaluhod na 5 tao. At napatingin ito saakin.

"hello?" sabi ko nalang. Napatayo sila.

"nahuli namin siyang pumapasok sa ibat ibang kwarto ng palasyo. Kaya hinuli namin siya." sabi ng kawal. Napahinga nalang ako ng malalim.

"eh kasi naman po hinahanap ko po si Zero." sabi ko.

"bitawan mo sya." sabi ni zero at lumapit saakin.

"okey kalang, miles?" pag alala niya saakin. Natulala ako. Kahit di ako bumalik sa pagiging miles alam niya na na ako ito?!

biglang nanlabo ang mata ko, iiyak nako!!

"Oh! b-bakit ka iiyak?" nagpapanik na sabi ni zero saakin.

"Alam mo na kung sino ako?!" sabi ko. Tumango siya.

Kaya niyakap ko siya ng mabuti.

"woohoo!! mabuhay ang dating magsyota!" sabi ni chris at bigla siyang napatakip ng bibig.

Nakatingin pala ang hari at reyna saamin. Este saakin. At lumapit ang reyna papunta saakin.

"M-mahal na reyna." nasabi ko nalang. Syet!! nasa harap ko na ang reyna ng antasya si Queen Lander!! at ang matagal ko ng makita ang aking totoong mama.

Ngumiti siya saakin at hinawakan ang pisnge ko.

"Ang ganda mong bata. Anong pangalan mo?" sabi ng reyna/mama.

"M-Miles po." sabi ko ng biglang sumaya ang mga mata niya.

"sinong parents mo?" sabi niya.

"Ang pangalan ng papa ko ay Dave an mama ko ay Jnet. Ay taga earth po ako pero ngayon ko lang po nalaman na maykapangyarihan ako. pero ampon lang po nila ako. " (parents na umampon sa kanya.)

"Ampon?" sabi niya.

"opo, pero pinatay po sila ng mga taong toro." nalungkot ako sa sinabi ko.

"I'm sorry to hear that. uhmm miles pwede bang dito ka muna?" parang nagmamakaawa ang mga mata niya.

tumingin ako kay zero.

"ah, don't worry dito rin muna sila titira." sabi ng reyna.

Tumango ako at inilahad niya kamay niya. at itinanggap ko naman.

tiningnan ko si zero tumango lang siya at sumama nako sa reyna.

"miles, gusto mo ba ilibot kita dto sa palasyo?" sabi ng reyna. Napatango nalang ako habang nakasunod sa kanya.

"okey una dito ang kwarto namin ni dark." sabi niya at pumasok kami at ang ganda ng kwarto nila.

at umupo siya sa higaan nila.

"halika umupo ka." sabi ng reyna.
Umupo naman ako sa sahig.

"hindi jan dito sa tabi ko." napatayo ako.

"p-po? eh royal bed po yan... " sabi ko.

"okey lang. come here." sabi Niya kaya umupo ako sa tabi niya.

"alam mo ang lapit ng loob ko sayo. Ksi naalala ko sayo ang anak ko na si Miles. Kapangalan mo noh. Alam mo kung nandito lang ang anak ko sigurado ako mas kasing ganda kayong dalawa" sabi niya. gusto ko ng maiyak!

T-T

"Alam mo ang tigas tigas ng ulo niya ksi parati siyang tumatakas ng palasyo para tumulong sa mga nasasakupan namin." sabi ng reyna at umiiyak na siya ngayon.

"pero isang araw, nabalitaan namin na may nangyari sa kanya at di kami tumigil sa paghahanap sa kanya." sabi ni mama. Gusto ko na syang yakapin.

"mahal na mahal niyo po talaga ang anak niyo po noh?" sabi ko tumango naman siya saakin.

"pwede ba kitang yakapin?" sabi nya.

Tumango ako at niyakap nya ako ng mahigpit.

"anak." sabi niya. Humikbi nako pagkasabi niya nun.

Ang sarap tawagin ka ng anak ng sarili mong mama.

Sorry mama kung d ko muna sasabihin sayo na ako si Princess Miles. May gagawin pa ako.

Hanggang dun nakatulog ako sa braso nya ng mahimbing.

******************************


LMCD

The Guardians Of Elements (Book 2) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon