Zero POV...
Nakauwi nako ng bahay dala ang mga gamit ni miles. Baka isali sa benta ng tita niya.
Natutulog padin si miles at katabi niya si himeka. Feeling ko magkamukha sila ni himeka. Napangiti nalang ako at tumabi kay himeka at natulog nako sa pagod.
Miles POV...
Ang sarap naman yakapin ang unan ko. At ang bango pa kaya niyakap ko ito ng mabuti.
Parang ayokong bitawan ito.
Napamulat ako.
"Mukhang ang sarap ng yakap mo saakin ha." Sabi ni zero. Biglang namula ang mukha ko at itinulak siya. Kaya nahulog siya sa higaan
Ang lakas ng heartbeat ko. Ng napansin kong nahulog siya sa higaan agad ko siyang tinulungan.
"Sorry zero. Peace tayo." Sabi ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Nagpout nalang ako mukhang di natablan sa pacute ko.
-3-
"Wag kang mapout, para kang pato." Sabi niya. Nagsnob nalang ako.
Napansin kong wala ako sa kwarto ko teka anong nangyari?
Flashback...
Mga dugo...
'D-dugo?!'
'Sino kayo!'
'Prinsess Miles.'
May maliwanag na nakakasilaw hanggang sa nahimatay ako.
"Hoy, babae." Sabi ni zero.
"M-may dugo kahapon zero, m-may taong toro kahapon. Natatakot ako sa kanila zero." Nanginginig na pagkasabi ko.
Bigla akong niyakap ni zero.
"Shhh... wag kang mag alala. Nailibing na sila sa tamang libingan." Sabi ni zero.
"Nangyari nanaman ang nangyari kina mama at papa." Sabi niya tsaka umiyak na siya.
"Don't worry, tatapusin natin ang mga hutaurious na yun." Sabi ni zero. Wait kilala niya yun?
"Z-zero? Kilala mo sila?" Sabi ko n hindi makapaniwala.
"Yeah, because kami ang uubus sa kanila." Sabi niya. Uubus sa kanila ano sila superhero?
"No. Not a superhero." Sabi niya wait he read my mind.
"Paano...." sabi ko
"I'm a wizard." Sabi niya. Wizard?
"Means may power ka?" Sabi ko. Obvious miles wizard nga eh.
"Yeah. Wait nasaan si himeka?" Sabi ni zero.
Bumaba kami at nakita namin na may kausap si himeka.
Wait si attorny kenneth.
"Miles." Sabi ni atty. Kenneth
"Ano pong ginagawa ninyo dito?" Sabi ko.
"Nandito ako para ibigay ang kayamanan mo. Alam na ng mama at papa mo na mangyayari na toh kaya may itinago silang kayamanan para sa iyo." Sabi niya at ibinigay saakin ang folder.
"Talaga po?" Sabi ko tumango nalang siya.
"Sige una na ko." Sabi niya at umalis na.
"Hay ang problema ko ngayon ay kung saan ako maghahanap ng bahay." Sabi ko at nagiisip kung saan.
"Alam ko." Sabi ni himeka.
"Saan?" Excited na pagkasabi ko.
"Here." Sabi ni zero. Dito?
"Uhmm ano... baka maka estorbo ako sa inyo dito." Sabi ko
"Huh? Hindi kaya. Gusto ko kasi may kasama ako dito. Diba may oras na wala si kuya. Malungkot ako dito dahil nagiisa ako." Sabi ni himeka. Kaya no choice tumango nalang ako.
"Yehey!!" Sigaw ni himeka at niyakap ako.
Forward....
Pumasok na kami sa school. Pagkarating namin...
"Oh, nerdy girl bakit nandito kapa? Diba mahirap kana." Sabi nung isang babae.
"And hey too. Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang bestfriend ko. Baka gusto mo malugi ang kompanya ninyo." Sabi ni himeka.
"So may mayaman ka palang kaibigan." Sabi nung isa.
Biglang natahimik ang lahat kasi dumating si Zero.
"Prince Zero!!" Kilig na sabi nila.
Biglang napahinto si zero sa harap namin. At hinawakan ang kamay ko na kinabigla ko.
*GASP*
"S-sila na!" Sigaw ng ilan.
"Yes, once na bulihin niyo ulit ang wifey ko. Wala na kayong mauwian na bahay. Understand." Sigaw niya. Napatango nalang ang lahat at hinawakan niya ang kamay ko at dinala papuntang room.
"Grabe, nahuli ba ako sa balita kuya?" Excited na pagkasabi ni himeka.
"Ginawa ko lang yun para wala nakong marinig na may nagbully. Kaya that's not true. Hindi ko naman type ang mga katulad ni miles noh." Sabi niya.
At aray parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niya. Bakit ako nasasaktan?
"Oo nga naman, di naman type ni zero ang mga katulad ko. Himala nalang himeka na magkagusto si zero saakin. Hahaha." Sabi ko kahit masakit.
Biglang may pumasok sa room namin.
"Klassmates, sabi ni teacher walang klase ngayon dahil bukas na gaganapin ang field trip!" Sigaw ng isa kong kaklase.
"Yehey!" Sigaw nila.
"Tayo na uwi na tayo." Sabi ni himeka.
"Himeka, una na kayong umuwi may pupuntahan pako." Sabi ko at tumakbo palabas ng room. At pumunta sa likod ng school building. At dun umupo ito yung inuupuan ko nung inakala ko na isang anghel si zero. Hindi pala siya anghel isa pala siyang Wizard...
Wait wizard.
Parang nakakita nako ng ganun. Parang nakasama ko na sila. Parang feeling ko, nakapunta nako sa mundo nila.
Hay nakakalito naman.
DI naman siguro baka sa panaginip siguro.
Aish bakit iniisip ko ang mga wizard?
Naalala ko tuloy yung sa mansyon. Bakit kaya lumiwanag ang noo ko at may mga memories na lumabas.
BAkit nakakalito?
Princess Miles, princess of antasya.
Baka kakilala ni zero yun.
Matanong ko nga bukas. Tama bukas.
Ay masama pala ang loob ko sa kanya. Kasi sinabihan niya ako ng ganun masakit kaya aminin ko.
Ilang minutes nako dun ng pagpasyahan kong tumayo at umuwi nalang ng may nakita akong 10 na ...
Wait! Sila yung nakaharap ko nung sa mansyon.
"A-ano nanaman ang kailangan ninyo!" Sigaw ko sa kanila.
Ang mga mukha nila ay galit puro galit.
"Papatayin ka namin prinsesa!!" Sigaw nung isa.
"Hindi naman ako prinsesa! Anong pinagsasabi ninyo!" Sigaw ko sa kanila.
"Sugod!!" Sigaw nung isa at tumakbo sila papunta saakin.
Anong gagawin ko?! Please help me.
<><><><><><><><><><><><><><>
LMCD
BINABASA MO ANG
The Guardians Of Elements (Book 2) (COMPLETE)
FantasySeason 2 ng The Guardians Of Elements. "The Daughter of Dark and Lander Adventure Story"