Miles POV...Nakahawak ako sa damit ni Zero. Paano kami makakatakas? Di naman kami makakagamit ng kapangyarihan dito sa hinaharap.
"Akala niyo makakatakas kayo?" sabi ni King diamond. Tumakbo kami ni Zero papunta sa pintuan pero nakalock ito.
Sinisira namin ang pintuan pero parang wala paring nangyari.
"So... Ikaw pala ang binatang King Zero." sabi ni king Diamond.
Palapit siya ng palapit ng bigla siyang nawala at napunta siya sa likod ni zero at sinuntok si zero ng malakas kaya tumapon siya sa kabilang pader.
"Z-zero!" sigaw ko. Tatakbo sana ako ng hawakan ako ni King Diamond.
"Bitawan mo ko!" sigaw ko. Siniko ko siya kaya nakawala ako.
At pumunta ako kay zero. Kung may kapangyarihan lang ako.
"Zero, okey ka lang?" sabi ko. Tumango siya at ngumiti saakin. at nilagay niya ako sa likod nya.
At sumugod na silang dalawa. Paano namin siya matatalo kung wala kaming kapangyarihan?"
'Use your brain and Body.'
Natauhan ako sa pagkasabi sa utak ko. kinuha ko ang cp ko at may pinindot doon.
*IIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEKKKKKK!!!*
Nakakasira sa tengang ingay. Kaya nagmamadali kong inalalayan si Zero at lumabas dun.
Pagkalabas namin nakita namin ang lugar ng antasya na sira na lahat. Napaluhod ako at humagulhul ng iyak.
"Miles, wag kang umiyak. Gagawan natin toh ng paraan." sabi ni zero. Napatango nalang ako at tinayo niya ako. At hinawakan ko ang kamay niya ng biglang may naramdaman kaming kakaibang kapangyarihan na nanggagaling sa mga kamay namin.
"Z-zero anong nangyayari?" sabi ko nalang.
"Binibigyan tayo ng kapangyarihan ng hinaharap para may magamit tayo dito." sabi ni zero. Napatingin ako sa kamay ko at masayang masaya ako kasi binigyan kami.
"Ngayon let's end this." sabi ko at pumunta kami sa gitna ng antasya.
"SWORD OF ELEMENTS RELEASE!" sigaw namin. At may lumabas na colorful na espada.
"Let's End This." sabi ni zero napatango nalang ako
"aaaaaaaaarrrrrrggghh!!" sigaw namin at itinapat namin ito sa langit ang espada at biglang bumalik sa dati ang lahat.
At pati ang kalaban nawala nalang.
Matutumba sana ako ng may sumalo saakin.
"salamat." sabi ko
"Natapos din." sabi ni zero, napangiti nalang ako at niyakap siya.
"S-salamat nailigtas mo ako. Kundi kung ano ng mangyari saakin." maiyak iyak kong sabi. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Walang kahit sino ang makakagalaw sayo. Papatayin ko sila pag ginawa nila yun.
"Miles!!! Kuya Zero!!!" sigaw ni himeka. Napatingin kami sa kanya At nabigla kami sa nakita namin sa likuran niya.
O.O
"Q-queen Miles at King Zero?!" nasabi ko nalang.
Ang awkward naman. Makita mo ang sarili mo sa future.
"uhmm ano..." sabi ko wala akong masabi.
"Salamat dahil iniligtas niyo ang Antasya." sabi ni Queen Miles. Wow namamangha ako sa future self ko. Ang ganda niya, ang damit niya ang buhok ang mga mata perfect body curve. Mukhang nasa kanya na lahat pati siguro ugali naging matured na.
"wala po yun, Queen." sabi ko.
Napatingin ako kay Himeka. Mukhang di na pwedeng sumama si himeka saamin Dito na siya titira eh.
Lumapit ako kay himeka.
"Himeka, Salamat dahil naging kaibigan kita. mamimiss kita." Maiiyak kong sabi.
"Miles, magkikita rin tayo sa future mo. Magiging mama narin kita, kayo ni kuya zero magiging parents ko na kayo." sabi ni himeka niyakap ko nalang siya lumapit din si zero at niyakap si himeka.
Humiwalay nako sa yakap namin at napapansin kong unti unti na kaming nawawala.
"Salamat sa inyo. Hanggang sa susunod." sabi ni king Zero. Napangiti nalang kami hanggang mawala na sila sa paningin namin.
At nasa garden kami ng Antasya napadpad.
"present na ba toh?" sabi ko.
"yes. So... Pwede na ba nating gawin si Himeka..." di ko na siya pinatapos.
Pervert!!
"pervert ka!" sigaw ko at tumalikod na.
"hahahaha, don't worry di pa ngayon pagkatapos na nating makasal." sabi niya. At nakatago na ang mukha ko sa kamay ko.
tsk...
Bigla nalang niya hinawakan ang kamay ko para maalis ang kamay sa mukha ko.
At tiningnan niya ako.
"Miles, I Love You." sabi niya. ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Zero, I Love You too." sabi ko na kinangisi niya at unti unti niyang nilapit ang mga labi namin...
"PRINCE ZERO, PRINCESS MILES. SALAMAT AT BUMALIK NA KAYO!!" sabi ng butler ko. Mukhang nabitin si Zero ha.
"tsk." sabi niya
Napangiti ako at bigla kong hinawakan ang mukha niya at hinalikan ko siya.
Hanggang sa maubusan na kami ng hangin.
Napangiti siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at nagsign na aalis kami.
Napatango ako at lumipad nalang kami kaysa tumakbo.
Pumunta kami sa isang gubat at nabigla ako sa nakita ko.
"Zero... Ang ganda!" sabi ko nalang may mga animals kasi parang eden forest part 2.
Habang namamangha ako nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko.
"Miles, masaya akong nakilala kita. Kahit di maganda ang unang pagkakatagpo natin, maganda naman ang ending natin. Ngayong araw sana ma-half na maakin ka na.." sabi niya.
Half? bakit half?
"half?"
"half kasi ang isang half ibibigay mo lang yun saakin pag ikakasal na tayo. Pwede namang ngayon na tayo mag ano..... Alam mo na iyon. para mafull na ang bigay mo saakin." sabi niya. Pervert talaga.
"half lang muna. Di pa ako handa noh." biro kung sabi.
"Miles, may itatanong ako." sabi niya.
Eh nagtatanong na siya diba? yan kasi ang hirap sa mga tao ngayon nagtatanong na eh.
"Will you marry me?"
Magtatanong pa kahit ang ....
EH?
"ha?"
"I said Will you Marry Me?" sabi niya.
Bigla nalang tumulo ang luha ko. Oh my GOD!!
Ito na ba yun? yung pinakahihintay ng mga kababaihan na may magpropose sa kanila.
maluha luha nako eh!
"YES!!" Sigaw ko. At tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.
"thank you Miles. And I love you." sabi niya.
"I Love You Too."
*****************
The End
LMCD
SALAMAT SA MGA NAGSUPPORT SA STORY KO!
SEE YOU SA MGA IBANG STORY.
BINABASA MO ANG
The Guardians Of Elements (Book 2) (COMPLETE)
FantasySeason 2 ng The Guardians Of Elements. "The Daughter of Dark and Lander Adventure Story"