Mrs. Park's pov:Nandito ako ngayon sa kumpanya ng makaptid ko.
Gusto ko siyang kausapin para sa nabalitaan ko na magtatrabaho ang anak at mga pamangkin ko.
Ayokong matuloy ang pagtatrabaho nila dito.
Dahil may tendency na maipadala sila sa korea.
At hindi ko mapapayagan na mangyari yun.
May branch din kasi ang kumpanya nang kapatid ko sa korea.
Pag naipadala sila dun,mangyayari na ang kinatatakutan ko.
Kaya ngayon pa lang gagawa na ako nang paraan para hindi matuloy.
"Hello po,good morning ma'am,kanina pa po kayo hinihintay ni sir."-magalang na bati sakin nang secretary nang kapatid ko.
"Good morning din,sige,salamat,pupuntahan ko na siya."-balik bati ko naman sakanya.
Naglakad na ako papunta sa opisina nang kapatid ko.
Pagtapat ko sa pintuan,kumatok ako nang dalawang beses at binuksan ang pinto.
Pagbukas ko nkita ko siyang nakaupo.
"Hello,may dear sister,nakabalik ka na pala,hindi ko alam na dumating ka na pala maliban nalang sa pagtawag mo na pupunta ka dito."-bati niya sa akin.
"3days palang akong nakakabalik,saka hindi na ako magpapaligoy ligoy pa,gusto ko lang sabihin na ayoko magtrabaho ang mga bata dito sa kumpanya."-dere deretso kong sabi sakanya.
Tiningnan niya ako na nagtatanong ang kanyangbmga mata.
"Anong dahilan at ayaw mo na magtrabaho dito ang mga bata?may dapat ka bang ipaalam sa akin."-pagtatanong niya.
Hindi ako nakasagot agad,ayokong sabihin sa kanya amg dahilan ko,alam kong makekealam siya.
Matagal na niya akong pinagsasabihan na ayusin ko na ang dapat kong ayusin.
Pero tumatanggi ako,ayoko na,tama na yung nasaktan ako nang maloko ako.
"May dahilan ako pero hindi ko pwedeng sabihin sayo!"-matatag kong sabi sakanya.
"Bakit?ganon ba kabigat ang dahilan mo?o ayaw mo lang na maipadala sila sa branch natin sa korea at magkita silang mag aama?tama ba ako."-tanong niya sa akin.
Mas lalo akong hindi nakakibo,natigilan ako.
Paano niya nalaman?ganon na ba ako kahalata sa tinatago ko?
"Oh,bakit natigilan ka?tama ba ang hula ko?alam mo,dapat na talaga silang magkita,at hindi mo na mapipilan yun,kasi ipapadala ko talaga sila sa korea,at wala ka nang magagawa dun,nakausap ko na si kiann at pumayag na siya."-mahabang sabi niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.
"Hindi kuya!hindi mo pwedeng gawin yan!oo totoo lahat nang hula mo,ayoko na magkita silang mag aama!ayokong masaktan ang anak ko!kaya hindi ako papayag na ipadala mo sila sa korea!"-napasigaw kpng sabi sakanya.
Hindi talaga ako papayag!
"Yan ang hirap sayo,hindi ka muna nakikinig!sana pinakinggan mo muna ang asawa mo bago ka nagdesisyon na umalis noon!sana hindi nangyari 'to!"-paliwanag niya sa akin.
"No kuya,totoo yung mga sinabi sakin nang unang asawa niya,saka siya mismo ang umamin sa akin!"-sagot ko sakanya.
"Bakit,lahat ba yun totoo?sigurado ka ba?wala ka bang tiwala sa asawa mo kaya pinaniwalaan mo agad ang sinabi sayo?pinatapos mo ba ang pagpapaliwanag nang asawa mo sayo noon?akala ko ba mahal mo?bakit ang bilis mo napaniwala nang ibang tao?sabihin mo sa akin,masaya ka ba sa mga pinaggagagawa mo?ang mas pinapahirapan mo ngayon ay yung mga bata!may pangarap sila!hindi mo sila kailangan hawakan nang mahigpit!baka sa ginagawa mo,lumayo ang loob nila sayo!tandaan mo hindi mo hawak ang kapalaran!lalo na kung dumating na yung puntong magkikita silang mag aama!"-paliwanag sakin ni kuya.
Napaiyak nalang ako,sa lahat nang sinabi niya,tama siya,natatakot lang ako na masaktan ang mga anak ko,at oo,hanggang ngayon,mahal ko pa din ang dati kong asawa,pero,hindi naman nila ako masisisi!sobra akong nasaktan,kaya ginagawa ko 'to.
"Pero,kuya,paano na kung masaktan sila?lalo na si kiann,alam ko may galit siya sa ama niya,kasi naiintindihan niya yung mga pangyayari noon,kaya dala dala niya pa din hanggamg ngayon ang galit niya para sa ama niya,saka paano si bubbles?mas masasaktan siya pag nalaman niya na ang totoo..at ayokong mangyari yun sa mga anak ko."-puno nang pag aalalang sabi ko sakanya.
"Alam ko yan,para namang hindi tayo magkakasama nang mahabang panahon,pero,alam ko,pag nagkalinawan at nakapagpaliwanag na ang ama nila sakanila,mapapatawad din nila ito,kaya wag ka na masyadong mag alala!tutulungan ko naman kayo,lalo na ang mga bata,kaya,sana wag mo nang hadlangan ang magiging pagkikita nila kung sakali.
Hindi ako sumagot agad,hindi na dahil sa hahadlangan ko sila,kundi dahil pinag iisipan kong mabuti kung papayag na ako na magtrabaho sila dito,siguro naman poprotektahan sila ni kuya pag dumating nga ang araw na yun.
Mahabang sandali ang lumipas bago ako nagsalita ulit..alam ko naman na hindi papabayaan ni kuya ang mga pamangkin niya.
Kaya sa tingin ko tama lang yung magiging desisyon ko.
"Kuya."-pagtawag ko sakanya.
"Oh?"-nagtatakang tanong niya.
"Sige,payag na akong ditp magtrabaho ang mga bata,payag na rin akong ipadala mo sila sa korea,pero sana lang,wag mo sila pabayaan,lalo na si bubbles,siya ang pinakabata,at alam mo na siya ang pinaka masasaktan pag nalaman niya ang totoo..sana lang kaya mo silang alagaan."-mahabang sabi ko sakanya.
"Huwag ka na sabing mag alala!ako na ang bahala sakanila..salamat naman at pumayag ka na,at salamat din at pinakinggan mo ako this time."-marahan niyang sabi sakin.
Tumango nalang ako at pinunasan ang basang pisngi ko nang dahil sa pag iyak ko.
Siguro nga tama na ang pagtatanim ko nang galit para sa dating asawa ko.
Panahon na rin siguro para intindihin ko ang lahat.
Para kung magkita man kami makapag usap kami nang maayos para sa mga bata.
Pagkatapos nang madramang usapan namin ni kuya,inaya niya akong maglunch.
Para daw magbonding naman kami,kasi matagal na daw namin hindi nagagawa ang kumaen sa labas.
So yun,lunch date with my kuya ang naging kinalabasan nang pagpunta ko sa opisina niya.
=================================================================================
Mr. Park's pov:
Sa wakas nakapagpahinga na rin..
Parang gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko.
Sana lang magtuloy tuloy na 'to.
Mga anak ko,sana magkita na tayo para makapagpaliwanag ako,pati na rin sa mama niyo,ayoko na nang ganito.
Ang hirap..
=================================================================================
Hello hello!
Maikli ba?
Sensya na..hehe!
So yun..
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book One (Completed)
FanfictionAn EXO Fanfiction Story Love moves in mysterious way.... Magkrus kaya ang landas ng apat n magkakaibigan at ang isang sikat na boyband sa buong mundo? Let say na nasa magkaibang bansa sila naninirahan.. My pag asa kaya? O hanggang pangarap na lang? ...