Chapter 43

43 4 4
                                    


Sehun's pov:

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko ngayon.

Masaya ako kanina nung nagising na siya.

Na nakita ko siya na nakadilat na at nagsasalita.

Pero nung nakita niya ako,biglang naiba yung aura niya.

Ang cold niya sa akin,pero bakit?hindi ko siya maintindihan.

Sa pagkakantanda ko wala akong ginawa sakanya.

Siya pa nga ang nang iwan sa akin nung nasa korea pa kami.

Nung mga time na trainee palang ako.

At alam yun ng mga hyung ko,nakwento ko pa nga siya kay luhan hyung nung nasa park kami.

Pagkatapos nun,bigla na lang siyang umalis at nawala na parang bula.

Ang tagal ko siyang hinanap,tapos nung nakita ko na siya.

Ang lamig ng pakitungo niya sakin,tapos mas nabigla ako nung umiyak siya at pinapaalis niya ako.

Ang masakit pa dun,ayaw niya na akong makita.

Pilit kong iniisip kung anong dahilan niya.

Tapos ngayon comatose pa siya.

Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko sa nangyari sakanya.

Kasi umiyak na naman siya nung nakita niya ako.

Napabuntong hininga na lang ako at napaupo dito sa loob nang private room.

"Se,uwe muna tayo,hinahanap tayo ni manager hyung,may sasabihin daw siya sa atin."-luhan hyung.

"Pero hyung,si shin kasi,ayaw ko siyang iwan,paano kung hindi ko na siya makita talaga kahit kelan..ano nang gagawin ko?galit siya sa akin,pero hindi ko naman alam kung anong dahilan niya,nung nagising siya kanina gusto ko siyang yakapin lalo na nung umiyak na siya."-malungkot kong sabi sakanya.

Napabuntong hininga nalang si luhan hyung.

"Se,kailangan kasi natin bumalik sa bahay ni Mr. Park,andun na si manager hyung,baka magalit pag hindi tayo agad dumating dun."-luhan hyung.

"Pero hyung,paano si kiann?hindi ko ata siya kayang iwan kahit na ayaw niya pa akong makita,gusto ko siyang bantayan hanggang sa magising na siya."-pamimilit ko kay luhan hyung.

"Se,andito naman sina leeteuk hyung,hindi nila pababayaab si kiann..babalitaan niya naman tayo from time to time..kaya tara na muna sa bahay,babalik na lang tayo dito bukas."-luhan hyung.

Napabuntong hininga nalang ako,kasi alam kong wala akong magagawa kundi ang sumunod sakanya.

Tumayo ako para magpaalam sakanila.

Nakita kong pumasok na yung nurse na magbabalik kay shin sa ICU.

Lumapit ako sa kama na hinihigaan ni kiann.

Pinagmasdan ko siya..may mga nakakabit na naman sakanya na kung ano ano para maisalba ang buhay niya.

Hinaplos ko ang mukha niya,hindi ko mapigilan ang kamay ko sa paghaplos sa mukha niya.

Miss na miss ko na siya..ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to para makita siya at masabi ko kung ano talaga ang nararamdaman ko.

Binigyan nga ako nang pagkakataon pero sa ganitong sitwasyon naman.

The Once In A Lifetime Book One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon