Suho's Pov:Kararating lang namin galing sa guesting sa isang talk show.
Nandito ako sa sala at natripan ko ang magbasa ng libro.
Ang ibang members naman,eh nasa kanya kanyang room nila at nagpapahinga.
Nang mapansin ko si sehun,tila ba may hinahanap,at hindi nya ito makita.
Pinanood ko lang siya na umikot ikot sa sala.
Na tila ba absorb na absorb sa hinahanap niya na kung ano,at hind man lang niya napansin na may tao dito na nakaupo at pinapanood siya.
"Aish!asan na ba yun?kanina lang hawak ko pa eh!"-bulong pa niya.
Hinayaan ko lang siya at hindi na pinansin,pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ko.
" naiinis na ako huh?!asan ba kasi yun,hinanap ko na sa dressing room kanina,wala naman,maging sa van namin,wala din,hayst!wala din naman sa room namin ni luhan hyung,saan ko ba naiwan yun?!"-bulong na naman ni sehun.
At nagpaikot ikot na naman siya sa paghahanap ng kung anuman yun.
Hindi na ako nakatiis,binaba ko na yung librong binabasa ko.
Tatanungin ko na 'to dahil kanina pa ako nadidistract sa pabalik balik niya sa harapan ko.
"Sehun,ano bang hinahanap mo at kanina ka pa paikot ikot dyan?ako ang nahihilo sa ginagawa mo,saka bakit di ka nagpapahinga,hindi ka ba napagod sa performance natin kanina?"-tanong ko sakanya.
" woah!nagulat ako dun,anong ginagawa mo dyan suho hyung,kanina ka pa ba dyan?"-gulat na balik tanong niya sakin.
Magaling na bata,sinagot ang tanong ko ng isa pang tanong.
"Seriously,maknae,tinanong kita at tanong din ang sinagot ko sakin?"
"Sorry,suho hyung,di talaga kita napansin,ang liit mo kasi."-sehun.
" ano yun maknae?may binubulong ka pa dyan,rinig ko naman,ah ganon,maliit ako?sige,wala kang libreng bubble tea sakin."
"Wahhhh!joke lang hyung,wag kang ganon,lilibre mo pa din ako,kung hindi,sasabihin ko sa kapatid ko na may babae ka!ano?tapos,syempre, mag-aaway kayo,tapos,hihiwalayan ka na niya,tapos,tapos----"-sehun.
Pinutol ko na ang kung anu pa man ang sasabihin niya.
" oo na,ililibre pa din kita,pero,sagutin mo muna ang tanong ko,nalalayo na tayo sa topic natin."
Oo na,kapatid niya si ynna,at ayaw ko naman na maghiwalay kami dahil lang sa hindi ko na ililibre si sehun nang bubble tea niya.
"Eh kasi nga suho hyung,yung phone ko,hindi ko makita,kanina ko pa hinahanap,pero wala eh,hawak ko lang kanina yun,kasi iniinstalk ko yung mga social media account ni shin,baka may balita na tungkol sakanya,saka,bago tayo magperform,sa pagkakaalala ko,inilagay ko yun sa bag ko,pero,wala na nung tiningnan ko sa bag ko,pagkatapos natin magperform."-mahabang sagot sakin ni sehun.
Aba!improving na talaga si maknae,humahaba ang sasabihin niya,kapag kasama si kiann sa topic.
Sa haba ng sinabi niya,natulala nalang ako.
May sasabihin na sana ako,nang makarinig kami ng kalabugan sa itaas,dun sa kwarto ng ibang mga members na nagpapahinga.
Paglingon ko nakita kong nangunguna sa pagbaba sina chanyeol at baekhyun na hawak ang mga cellphone nila,kasunod sina kai,kyungsoo,xiumin,chen,kris,tao, lay,luhan na hawak din ang mga cellphone.
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book One (Completed)
FanfictionAn EXO Fanfiction Story Love moves in mysterious way.... Magkrus kaya ang landas ng apat n magkakaibigan at ang isang sikat na boyband sa buong mundo? Let say na nasa magkaibang bansa sila naninirahan.. My pag asa kaya? O hanggang pangarap na lang? ...