Cristine's pov:Hanggang sa mga oras na 'to,hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko.
Biglaan talaga,un tipong hindi ko mahanap sa isip ko kung paano nangyari kay ate kiann 'to.
Nandito pa din kami sa harap nang ICU.
Sinamahan namin si bubbles,kasi ayaw niya talaga umalis dito.
Kaya sinabi ko nalang kay tita.
Hinayaan niya naman kami..
Dumating na din pala si tito,ang papa nila ate kiann.
Kailangan na kasi madala si ate kiann sa korea,para sumailalim sa test na kailangan niya.
Katabi ko ngayon si bubbles,na mugtong mugto na ang mata sa kakaiyak.
"Bubbles,tama na muna yan,tingnan mo ang mata mo,magang maga na."-ate crystal.
"Ate ano ba talaga ang nangyari bago siya nagkaganyan?ano bang pinag usapan niyo?"-tanong ni bubbles.
Halatang halata sa boses niya ang lungkot.
Pero bago pa man makapagsalita si ate crystal.
Naalarma na kami sa pagkakagulo sa loob nang ICU.
Kaya dali dali kaming lumapit sa bintana para tingnan ang nangyayari sa loob!
Ang mas ikinatakot ko,mismong mata ko ang nakakita na nagflat ang heart beat ni ate kiann!
Wala akong inaksayang oras at pinuntahan ko sina tita kung saan sila nag uusap usap.
Pagpasok ko nakita ko kung sino ang mga kasama nila,anong ginagawa nila dito?.
Hinayaan ko nalang,saka na ako magtatanong.
Mas importante na masabi ko sa kanila kung ano nangyayari kay ate kiann.
Pagkatapos kong sabihin yun nagtakbuhan na kami papuntang ICU.
Nakita namin kung paano nila irevive si ate kiann.
Nag iiyakan na kami sa nakikita namin.
Sana makaligtas siya,sana..
Ilang sandali pa lumabas ang doctor na nag asikaso kay ate kiann.
At tinapat niya kami sa kalagayan ni ate ngayon.
Nag iiyak si bubbles sa nalaman namin.
Si tita naman kinausap si tito jack.
Para ayusin na agad nila ang mga dapat ayusin para makaalis na kami.
Binalingan ko yung tatlong lalaki na nandito.
Nagtataka kasi ako kung bakit sila kasama ni tito robert.
"Mga oppas,anong ginagawa niyo dito?"-tanong ko sakanila.
Nagtinginan muna sila bago sumagot si leeteuk oppa.
"Sinamahan kasi namin si dad papunta dito."-sabi niya.
Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.
Ibig sabihin,anak siya ni tito robert,na ama nila ate kiann at bubbles!
Step brother nila si leeteuk oppa!
Ano ba naman yan!anong nangyayari!
"Ano?!totoo ba yan?anak ka ni tito robert?at kapatid ka ni ate kiann at bubbles sa ama?!"-gulat na gulat kong tanong sakanya.
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book One (Completed)
FanfictionAn EXO Fanfiction Story Love moves in mysterious way.... Magkrus kaya ang landas ng apat n magkakaibigan at ang isang sikat na boyband sa buong mundo? Let say na nasa magkaibang bansa sila naninirahan.. My pag asa kaya? O hanggang pangarap na lang? ...