"Shin,mahal kita..alam ko,maririnig mo ko kahit nasa coma ka ngayon,huwag mo ko iiwan,madami kaming nagmamahal sayo...Please..gumising ka huh..madami pa tayong pag uusapan..
"Ang tagal kitang hinanap"
"MAHAL KITA SHIN!"
=================================================================================
Kiann's pov:
"Huh?!"-bigla akong napangon sa kama ko,nagising ako,panaginip lang pala.
Andito pa din ako sa ospital,mamaya pa nila ako ilalabas dito,kaya natulog na muna ako.
Ano un?sino yun?bakit ganon yung napanaginipan ko?
Sino yung lalaking yun?!bakit sinasabi niya sa panaginip ko na mahal niya ako?
Hindi ko makita yung mukha niya.
Arrrggg!aray!sumasakit ang ulo ko.
Naramdaman ko naman na may lumapit sa akin.
"Ate kiann,bakit?anong nangyayari sayo?"-rinig kong tanong ni bubbles sa akin.
"Wala 'to,sumakit lang bigla ang ulo ko,pero kaya ko naman,wag ka mag alala."-pag aassure ko sakanya.
Niyakap niya naman ako,saka hinagod hagod ang likod ko.
"Ate,sigurado ka ba talaga?baka kung ano na yan,ayaw mo lang sabihin."-bubbles.
"Oo,sigurado ako,unti unti na siyang nawawala,magiging ok na rin ako."-sagot ko naman,sabay yakap pabalik sakanya.
"Ok po ate,ano po bang nangyari,bigla ka nalang kasi bumangon,nanaginip ka po?"-tanong niya sa akin.
"Bago ko sagutin yan,higa muna tayo ng maayos,tabi ka sa akin,madami din kasi akong itatanong sayo,at may tiwala ako na sasagutin mo lahat,tayong dalawa lang naman ang nandito,wala sina mama,maging sina crystal."-mahabang sabi ko sakanya.
Umayos naman kami ng higa at magkatabi pa din kami,yumakap ulit siya sa akin,at niyakap ko naman din siya pabalik.
Ramdam ko na ginagawa ko na sakanya ang ganito noon pa..kaya kumportable ako sa ayos namin ngayon.
Tiningnan ko siya,mukhang kabado siya sa mga itatanong ko.
"Bubbles,alam kong hindi mo magagawang magsinungaling sa akin,kaya please,lahat ng itatanong ko,sasagutin mo ng totoo,kasi ang hirap ng sitwasyon ko,wala akong maalala,tapos ung sinabi ni mama,hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o hindi,kaya please,maging honest ka kay ate ha..tapos hindi ko masabi kung panaginip ba yung kanina o totoo na nangyari sa akin yun,maaaring totoo yung pagkacoma ko,pero,bakit may ganon!?may lalaki sa panaginip ko na nagsasabi na mahal niya ako,bakit shin ang tawag niya sa akin?saka,ano ba talagang nangyari sa akin,talaga bang dito tayo sa new york nakatira at dito ako nagtatrabaho kasama kayo?"-gulong gulo kong tanong sakanya.
Naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin na para bang pinag iisipan niya na kung sasagutin niya ba ung mga tanong ko o mananatili nalang siyang tahimik.
Maya maya,tumingala siya sa akin at nagbuntong hininga.
"Ate,sigurado ka ba na gusto mo talaga malaman kung anong nangyari sayo bago ka nagising dito sa ospital?handa ka na ba sa maaaring marinig mo?kasi kung ako tatanungin,hindi pa ngayon ang tamang panahon para sabihin ko sayo lahat eh,gustuhin ko man,kaso nga lang,iniisip ko na baka mapasama ka na naman,baka hindi mo na naman kayanin,baka macoma ka na naman,pag nangyari un,baka hindi ko na din kayanin,baka sundan na kita,kaya ate,please,wag muna ngayon,pag kasi naiisip ko ung mga nangyari,bumibigay ako eh,kaya ate,para sakin,ok na rin na hindi ka muna makaalala,basta,gising ka,at kinakausap mo ako,"-umiiyak na sabi ni bubbles.
BINABASA MO ANG
The Once In A Lifetime Book One (Completed)
FanfictionAn EXO Fanfiction Story Love moves in mysterious way.... Magkrus kaya ang landas ng apat n magkakaibigan at ang isang sikat na boyband sa buong mundo? Let say na nasa magkaibang bansa sila naninirahan.. My pag asa kaya? O hanggang pangarap na lang? ...