Para sa...

507 5 0
                                    

~Sweet_cupcake17's NOTE:

Hello Silent and Loud readers! here i am ulit! :D makiki-share sa inyo ng mga ewan ewan things! :D Once again I am promoting my Stories! :D 

*We found Us (One-Shot story) and *Spell LOVE, It's Y-O-U (On-going) ^^... thank you followers... sa.... you know... pag Follow and support! ^^ hahaha yun lang! :D

*************************************************************

Para ito sa mga babaeng biglang iniwan ng mga lalake at hindi biglang nagparamdam, sa mga babaeng patuloy na pinapaasa ng mga lalake pero patuloy pa ring naghihintay. Para ito sa mga nagsasabing mahal ka nila pero hindi niya pa rin kayang pumasok sa relasyon. May mga makasariling mga lalake, nagkakataon na ang isang babae napupunta sa iisang klase ng lalake kaya ang mga babaeng nakakaranas nun ay hindi na rin masisisi. Pero dapat iniisip pa rin niya na buksan pa rin ang puso niya para sa mga deserving na dadating. May mga lalakeng gusto lang yung mga benefits na nakukuha kapag magkasama kayo. Yung mga bagay na tinitaken for granted niya sa inyo. Yung tipong kahit hindi pa kayo e naibibigay mo na agad ang gusto niya. Huwag kasi ganun girls. Lalo na kung hindi pa malinaw kung ano ang meron kayo. Huwag agad magtitiwala, basta tandaan mo tong sasabihin ko “Huwag mo ibibigay lahat, lalo na yan” gets? Di ko na kailangan I elaborate pa. Tulad nga ng sabi ko dati “ Madaling magsabi ng salitang “Mahal kita, Kahit sino pwede magsabi niyan. Pero magpatunay, minsan nga wala pa. Lahat ng magagandang salita sasabihin niyan makuha lang ang tiwala mo. Kaso ang problema nga dito is nagsisinungaling siya. So paano mo malalaman? Kinukuha niya ang kahinaan mo. Nagiging peke siya sa sarili niya dahil ang pinapakita niyang tao e yung bagay na gusto mo. Syempre, yun ang target niya dahil yun ang gusto mo eh. Pero minsan ang katotohanan e roleplay lang ang lahat. Maaring nandyan siya palagi sayo. Pero parang kalokohan yung sobrang sweet niyo na, yung halos kayo na. Pero hindi ka pa rin niya kayang panindigan? Kumbaga yung pangangailangan niya muna bago yung pangangailangan mo. Laging ganun na lang lagi. Tipong bago mo maranasan ang isang bagay, kelangan siya muna ang unang makakaranas nun. Best example na dun is yung kasiyahan. Enjoyin mo ang buhay mo neng. Babae ka. Napakaraming pwedeng gawin kung iisipin. Huwag ka muna mag focus sa mga bagay na yan. Kung gusto mo ng relasyon, huwag mo I-tie up ang sarili mo sa mga lalakeng sinasaktan ka lang. Bakit ka mag-titiis? May iba pa dyang handang ibigay ang lahat. Pansinin mo lang. At kapag gusto mo manatiling single, edi go lang. Mas ok yan, bata ka pa naman eh. Enjoyin mo ang buhay. Minsan ka lang magiging dalaga. Huwag mo madaliin ang buhay. Bottom line is huwag kang umasa sa isang bagay na wala naman talagang pupuntahan.

Credits to: (A Page in Facebook)

~Sweet_cupcake17

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon