Ang pagiging boyfriend hindi lang basta pagsesend ng “I love you, Good morning and I miss you” na text, pagsundo sa kanya pagkatapos ng school at pagbitbit ng mga gamit at bag nya, o kaya pagbibigay ng mga regalo at bulaklak tuwing may importanteng okasyon, o kaya naman pagtawag ng “babe, hon, bebe, sweetheart” o kung ano pang gusto mo itawag sa girlfriend mo. Siguro nga part na ng pagiging boyfriend yung maging romantic, sobrang cheesy at ang pagbibigay ng mga bagay sa isang babae para maramdaman nya na special siya. Pero minsan akala ng ibang tao sapat na yun para maging isang mabuting boyfriend.
Ang pagiging boyfriend ay mas malalim pa sa pagiging sweet at cheesy lang. Dapat palagi ka nandyan pag kailangan nya nang tulong, nandyan ka para makinig sa lahat ng mga kwento at problema nya, poprotektahan mo siya para hindi siya mabastos at aalagaan mo siya at ipaparamdam na hindi siya nagiisa. Magiging kaibigan ka nya, kuya at bestfriend. Ang problema niya ay problema mo na din, and luha niya ay luha mo, at ang kasiyahan nya ay kasiyahan mo na rin. Hindi mo siya iiwanan, ipaparamdam mo sa kanya na siya ang pinaka-magandang babae sa mundo at proud ka na siya ang girlfriend mo.
BINABASA MO ANG
I'm just bored...
De TodoBored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!