Kagandahan

485 4 0
                                    

Ang tunay na kagandahan ay makikita sa puso, budhi o kalooban ng isang tao at hindi ito makikita sa panlabas na anyo. Makikita ang nasa kanyang kalooban base sa lumalabas sa kanyang bibig at ikinikilos. Kung ano ang nasa puso ay siyang lumalabas sa bibig, katunayan ay mababasa sa Banal na Kasulatan ito sa talatang: 

Mat 15:18 Datapuwa't ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay sa puso nanggagaling; at siyang nangakakahawa sa tao. 

Merong kasing mga tao na maganda nga sa panlabas na anyo pero masama naman ang ugali. Ang tunay na kagandahan ay makikita sa may malinis na puso. Kung ano ang nasa mabuting puso ay makikita sa kanyang gawa, makikita na lahat ng kaniyang ginagawa ay mabuti. Ang bawat gawang mabuti ay hindi nagbubunga ng masama, kung mabuti ang ipinapakita ay tiyak mahahawa din ang iba na gumawa ng mabuti, kumbaga ay magiging huwaran siya. Subalit ang taong may masamang kalooban ay wala kang ibang makikita sa kanya kundi puro masama, sa pananalita pa lang ay masama na ang lumalabas sa kanyang bibig. 

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon