Letting Go (Based on A True Experience)

250 6 0
                                    

Credits to: The UST Files page

I want to share this to you guyth. :)

Letting Go

"Pagpasensyahan niyo na if medyo mahaba.  May boyfriend ako. Siya first ko but unfortunately, second niya lang ako. Tanggap ko naman. Sa kanya lahat ng first ko pero sa ex niya naman lahat ng first niya. Mahal na mahal niya siguro yun before pero I didn't care. Basta kami na ngayon at masaya na'ko dun.

Until one day, binuksan ko facebook account niya. I checked his notifications and saw his ex's name liking his comments. Di naman sila friends sa facebook pero marami silang mutual friends. Ang nakapagtataka lang, comments lang ng boyfriend ko yung nilalike niya at hindi sa iba. (Chineck ko lahat ng comments). Chineck ko yung messages ng boyfriend ko and wala naman silang convo. (Unless nagdedelete siya) I checked his activity log and yun, may search history siya. Mga more than 10 times niyang sinearch yung pangalan ng ex niya </3 I felt my heart sink. More than a year na silang wala and we just celebrated our 8th monthsary the day before. Akala ko okay lang kami, yun pala mahal pa niya si girl.

Maglolog-out na sana ako nung biglang may nagpm. It was his ex.
(Non verbatim)
Her: hi 
(Nakalog in rin pala yung boyfriend ko)
Him: hello 
Her: musta na? Ang ganda naman ng girlfriend mo. 
Him: thanks. May boyfriend ka na ba?
Her: wala pa. Since nung tayo.
Him: oh okay.
Her: anyway, I have to go. Text mo na lang ako so we could catch up (sabay bigay ng number)

Naglog-out nako. Kinuha ko yung number ng girl and texted her.
(Non verbatim ulit)
Me: hi 
Her: hello. Who's this?
Me: this is *insert boyfriends name here*'s girlfriend. 
Her: oh.
Me: sorry, awkward ba? Lol I just want to make friends. 
Her: sorry, nagulat lang ako 

After that, ang dami na naming napag-usapan. Hanggang umamin siya na di pa siya nakapagmove-on. Nasaktan ako nung sinabi niya yun. Napansin ko din naman na may feelings pa yung boyfriend ko sakanya. Masakit man pero I had to accept it. Ilang araw akong di nagparamdam sakanya. Until one day, tinext ko siya.
Me: lunch tayo. Mcdo 
Bf: are you okay?
Me: kita na lang tayo. 1 pm.

That time, katext ko rin yung ex niya. Nasa mcdo nako nun pero 12 p.m. palang. Super close na kami ni girl nun. Parang bestfriends na. 
Me: can I ask you a favor?
Her: sure, ano yun?
Me: may pupuntahan kasi ako mamaya pero may kailangan din akong imemeet. Important silang dalawa. Can you meet the guy for me? May ipapamigay lang ako. Nasa mcdo ako ngayon.
Her: sige. Punta na ko diyan.

After mga 10 minutes, nandun na siya.
Me: thank you. Dadating siya mga 1. I told him na na di ako makakapunta and may pinadala nalang ako.

Nagyes naman siya and I gave her something. A letter. Sinabi ko, wag muna niyang basahin and basahin na lang niya pag nandun na yung guy.

Nagpanggap akong umalis na ko pero tumambay lang ako sa isang corner. Mga 12:45 when he arrived. He called me pagpasok niya.
Him: nasan ka na?
Me: sorry I'm not feeling well. May ibibigay sana ako sayo pero I sent someone na lang to give it to you.
Him: oh. Punta na lang ako diyan.
Me: no, nakakahiya. Nandiyan na siya eh. Nakapink siya. Malapit sa may window.

Naghanap siya and nakita na niya. Nakatalikod pa kasi si ex noon so he walked towards her table. Kinalabit niya si girl and she looked back. Nashock silang dalawa and they both said their hello's. Ang awkward nilang tignan noon. Haha.

Tinawagan ulit ako ni boyfriend.
Him: ano to?
Me: can I talk to her?
Her: hello? What's happening?
Me: can you read the letter na? Thank you
I hung up.

And yun, binasa niya yung letter. Diko na isusulat yung laman kasi masyadong mahaba pero dun ko sinabi lahat. Na matagal ko nang napapansin na mahal pa nila ang isa't-isa and they're meant to be together. Diko alam kung gaano ako katagal naghintay dun pero once I saw them stand up and hug each other, tumayo na din ako and left.

And just like how some stories go, magtwo-two years na sila ngayon and ako, I may be single until now pero I'm happy for them. Masakit man at first pero mawawala din yung sakit pag nakita mong masaya na yung taong mahal mo. Kahit hindi ako yung reason ng mga ngiti at tawa niya.

Yun lang po. To both of you, alagaan niyo isa't-isa ha? Dapat ako ninang pag kasal niyo.  "

Elsa 
none 
Graduate School

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon