WALANG EFFECTIVE NA PAYO KAPAG BROKEN HEARTED KA.
"You deserve someone better."
Kelangan ko pa talagang maghangad ng iba kung isa lang naman talaga ang kailangan ko? Kahit alam kong mas deserving akong kumain ng cake na may gold toppings, mas pipiliin ko pa din yung may amag na pandesal sa oven toaster dahil yun ang mas gusto ko.
"Marami pang iba jan."
Kung ganun kadali lang isigaw sa palengke na “Announcement: Sinong available jan? Yung hindi ako sasaktan? Feeling ko andito ka lang somewhere!"
Makakamove on ka din.
Alam ko yun, pero ang tanong, kelan?
Kung kayo, kayo talaga.
Pinaasa ka na nga nung tao, pati fate at destiny paaasahin ka pa din? Eh di magkampi kampihan sila. Basta ako Miami.
"Atleast hindi ikaw yung may dahilan kung bakit kayo naghiwalay."
Parang kailangan ko pa tuloy ipagpasalamat yung nangyari. Siya man o ako yung naging dahilan, iisa pa din ang ending, it’s over."
"Atleast you’re one step closer sa taong mas pahahalagahan ka."
Kung sino man ang taong yun, tanga siya. Dahil ako yung hinihintay niyang maglakad papunta sa kanya. Bakit hindi na lang siya naglakad para nagkasalubong na agad kami sa gitna pa lang? Eh di sana hindi ako nasasaktan ngayon.
"Ganyan talaga, you learn from your mistake."
E di sana puro mga pagkakamali na lang ang itinuro sa school para lahat ng estudyante matuto. Pagkakamali 101 sa 1st sem, Pagkakamali 102 sa second sem.
Kahit anong ipayo sa’yo, Kahit buong sambayanan ang magpayo, walang epek. Parang may shield yung utak mo. Walang tumagos na kahit anong payo. Basta ang alam mo lang, sobrang kumikirot yung tumitibok na laman sa parteng dibdib mo.
Sweet_cupcake17's NOTE:
it really depends on you if you want to move on... or you want to stay :) But i know, someone will brighten up you life someday! ^_^

BINABASA MO ANG
I'm just bored...
RandomBored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!