Bilang Boyfriend

218 2 1
                                    

#RP

Bilang Boyfriend: (BASAHIN ! WAG TAMAD ! XD )

‘Wag mo syang ipag tutulukan palayo lalo na kapag nag tatampo sya. Gusto lang naman nyan lambingin mo sya. ‘Wag kang magagalit kung ganon sya bagkus intindihin mo nalang na namimiss ka lang nyan at gusto nyang yakapin mo sya. Mag papaalam ka sakanya kung aalis ka man. Kung saan ka pupunta at kung sinong kasama mo. Para hindi sya mag aalala sayo. ‘Wag mo syang bigyan ng dahilan para mag duda o mag-alala na baka may iba ka na. Lagi mong iparamdam sakanya na sya lang talaga ‘yung mahal mo at hindi ka titingin sa iba. May makakausap din yan na ibang tao o lalaki. Makakaramdam ka rin ng selos at pag-aalala pero lagi mong tatandaan at pang hawakan ‘yung sinabi nya sayong ikaw lang yung mahal nya at hindi mag babago yon. Kasi ang babae, kapag mahal ka, ikaw lang talaga at siguradong kilala ka ng mga kinakausap nya dahil ikaw ang bukang bibig nya. Kapag malungkot sya o nag seselos o kaya nag tatampo, yakapin mo sya. Iparamdam mo sakanya kung gaano mo sya kamahal, kung gaano sya ka-importante sayo at kung gaano ka nag papasalamat sa Diyos na binigay sya sa’yo. Intindihin mo sya lalo na sa mga panahong may masakit sakanya pero hindi nya masabi sa’yo. Pakikiramdaman mo sya, kilos palang, alam mo na anong problema. Lagi mong ipakita sakanya na mahal mo sya hindi ‘yung puro lang salita. Sabik din yan na makasama ka at makausap ka. Kaya lagi mo syang bibigyan ng oras. Okay lang makipag barkada, pero may girlfriend ka na nag hihintay sayo kaya dapat alam mo ‘yung limitasyon mo. Normal lang na madaldal yung isang babae. Kapag nag kwento sayo yan, kahit wala lang ‘yung kinukwento nya, pakinggan mo pa rin. Hindi naman nag rereklamo yan, kaya yan nag sasabi sayo dahil may tiwala sya sa’yo. Alam nyang maiintindihan mo sya at komportable sya sa’yo.

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon