Paano nga ba magka-heartbreak?
Paano ba magkaheart-break?
Lagi nating biruan noon ang pagtatanong mo sa’kin ng “Paano nga ba magkaheart-break?” Kasi sabi mo ni minsan hindi ka pa nabobroken hearted dahil iiwan ka palang ng girlfriend mo, INIWAN mo na sya. (Hanep, pogi.) Tapos lagi kong ipinaliliwanag sayo na nabroken hearted ka na, hindi lang kasing level nung mga nabobroken hearted na naglalasing, umiiyak ng todo, o nagbabalak magpakamatay. Pero lagi mong sinasabi na hindi naman talaga tayo nabobroken hearted, mas pinipili lang nating maramdaman yung lungkot. Sabi mo ‘bat ka malulungkot, eh diba at least kahit naghiwalay kayo magagawa mo na lahat ng gusto mo. Tipid, hindi mo na kailangan magpaload, hindi mo na kailangan magpasensya.’ Eh di sige na nga. Ayoko na rin sayong magexplain na posibleng magka heartbreak.
Pero ngayon, nasa credible position na ko para ipaliwanag sayo tong heartbreak. Tutal naman winasak, inapakan at pinirapiraso mo ‘tong puso ko.
Unang-una, gusto kong ipamukha sa’yong may HEARTBREAK at POSIBLENG MABROKEN HEARTED! Winasak mo puso ko simula nung sinabi mong, ‘baka hindi tayo para sa isa’t isa!’ Hayop ka.
Pangalawa, winasak mo lalo puso ko nung after 1 week may nililigawan ka na. Mukhang siopao pa!! Shet. Asan na yung standards mo?
Pangatlo, Inunfriend mo ko sa facebook! Pero nakalimutan mong magpalit ng password. Binuksan ko, tinignan ko activity log mo. Bakit nasa searches mo pa rin ako? At yung puso ko, ayun.. Confetti na!
Pero siguro nga tama ka. Wala nga sigurong heartbreak.. Hindi nga siguro posibleng mabroken hearted ka. Lalo na’t hindi lang naman talaga puso ko yung sumakit. At hindi mo nga talaga posibleng maramdaman yun, Aaron. Dahil never ka naman nagmahal ng totoo.
MS. BH
2011
College of Commerce and Business Administration(C) UST FILES
BINABASA MO ANG
I'm just bored...
RastgeleBored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!