Ang swerte mo sa kanya. Bakit? Kasi marunong siya mag-sorry, alam niya kagad kapag may nagawa siyang kasalanan sa iyo, alam niya kung ano yung mga gusto at ayaw mo sa isang tao, kasi kahit meron siyang ayaw sa iyo hindi ka pa din niya ipagpapalit, ilang beses niyang sinasabi sa iyo na mahal ka niya sa isang araw, umiiyak siya kapag nag-aaway kayo, ayaw niyang mawala ka sa kanya. Alam mo ba ang swerte mo sa kanya, halos lahat ng makakita sa kanya nagkakagusto na kagad sa kanya pero hindi niya iyon pinapansin, hindi niya pinapansin yung ibang tao na lumalandi sa kanya kasi alam niyang magagalit ka.
Ang swerte mo sa kanya kasi mahal na mahal ka niya. Kahit ilang beses na kayong nag-away, hindi ka pa din niya iniiwan, kahit ilang beses mo na siyang sinaktan, andyan pa din siya sa tabi mo at mahal na mahal ka pa din, kung ano ano na ang ginawa mo na naging dahilan kung bakit malungkot siya pero hindi ka niya iniiwan, hindi ba? Kaya ang swerte mo sa kanya. Kaya ikaw, wag mo siyang iiwan kahit lagi kayo nag-aaway kasi tignan mo siya, mahal na mahal ka pa din niya kahit ganyan na kayo. Ang sweet sweet pa din niya sayo.

BINABASA MO ANG
I'm just bored...
RandomBored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!