GOOD READ: "Hanggang kailan ka magtitiwala?"
Para sa paulit-ulit na kasalanang ginagawa, para sa pare-parehong salitang sinasabi, hanggang saan ang hangganan ng iyong pasensya at hanggang kailan ka magpapakatanga?
Napakalaking bahagi ng “tiwala” sa anumang relasyon na bubuuin ng bawat tao. Ito ang foundation ng matibay na samahan. Ito ang susi sa matibay na pagkakaibigan. At ito ang sikreto sa matamis na pagmamahalan. Maraming taon, oras at pagkakataon ang ginugugol para dito. Pero alam mo ba kung ano ang nakakatakot? Ito ay ang katotohanang kung gaano katagal makuha ang tiwala ng isang tao ay ganoon din ito katagal maibalik sa oras na ito’y masira. Napakahirap magtiwala, pero napakadali nitong masira. Parang dominoes na kailangan ng pinag-isipang technique para mapagsunod-sunod ang bawat piraso, pero isang maling move mo lang masisira ang lahat ng pinaghirapan mo.
Sa konsepto ng pagtitiwala, dalawang uri ng tao ang binunuo nito. Una ay ang “nagtitiwala” at ang pangalawa ay ang “pinagkakatiwalaan”. Itinuturing mo bilang “nagtitiwala” ang iyong sarili at ang ibang tao naman bilang “pinagkakatiwalaan”. Sa puntong ito, bibigyan ko muna ng diin ang “nagtitiwala”
Madalas natin marinig ang katagang “forgive, but never forget”. Lalo na sa mga slumbook noong araw, at sa mga status sa facebook naman ngayon. Apat na salita, pero ilang libong explanations ang kaya nitong sabihin. Ngunit sa pinakasimpleng pagbibigay ng kahulugan, sinasabi nito na matuto tayong magtiwala ngunit huwag tayong makalimot sa kasalanang kanyang ginawa. Sa parehong logic, para lang yang nabasag na baso. Kahit anong pilit mong buuin ang bawat piraso nito, kailanman ay hindi mo na maibabalik ang dating ganda ng baso. Mananatili ang lamat ng nabasag baso. Tulad ng tiwala. Sa oras na nasira mo ito, kahit ano pa man ang gawin mo para maibalik ang dating pagsasamahan na mayroon kayo, mananatili ang ala-ala sa mga kasalanang..
cr: Mga Kasabihan
A/N: On hold ko muna ang Spell LOVE, Its' Y-O-U... and on-going story po ang I fell In Love With My bestfriend :)
BINABASA MO ANG
I'm just bored...
De TodoBored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!