Tips para makapag-ipon!

3K 20 2
                                    

Alam kong maraming mga fangirls/fanboys sa mundong ito at gustong-gusto natin magkaroon ng concert ang mga favorite singers/band artist sa place natin. Yun nga lang wala kang pera.

Nabalitaan ko na magkakaroon ng 'EXO THE LOST PLANET CONCERT' sa Manila. More like THE LOST WALLET. Wala talaga ako pera! T^T *le cries like pacific ocean* Ano? Ibebenta ko na ba itong kindney ko? Di joke lang. Takot ako mawalan ng parte sa katawan no!

Kaya magpopost ako ng tips para makapag-ipon! Dedicated to all fans na ayaw na maging #TeamBahay at gusto ng nasa #TeamConcert. Sa mga fans na hindi nilang inakala na makakapunta sa isang engrandeng concert! Ok enough talk, let's get this over with.

1. DON'T BUY UNNECESARRY THINGS.

Huwag basta-bastang magwaldas ng pera para sa mga bagay na hindi naman gaanong ka-importante. Buy what you need not what you want. 

2. BRING YOUR OWN VIAND.

Viand means ulam kaya bring your own ULAM. Mas magandang magbaon ng ulam na niluto ni nanay/yaya/ daddy/ kamag-anak natin. Sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang bumili sa canteen or sa mga carinderia.

3. WALK.

Wag nang mag-commute kung malapit lang naman ang iyong paroroonan. Mas makakatipid tayo sa pamasahe at sa gas na lumalabas sa tambucho ng mga sasakyan. Isa pa, nage-excercise at nakakatulong ka pa sa mga puno at the same time.

4. NO TREATING POLICY.

Kuripot na kung kuripot. Nag-iipon ka eh. Huwag mo ng ilebre ang iyong kaibigan o' kaklase. Like this scenario:

Classmate: uy Chena! Libre mo ko!

You: Nag-iipon ako eh.

Classmate: hm! Kuripot mo!

You: Mag diet ka nga! *like a boss*

5. DEAL

Makipag-deal sa parents or relatives lalo na't applicable itong way na ito sa mga estudyante. Kapag sa exam, nakakuha ka ng 90-100, kapalit nito ay P100. Kapag 89-90 naman, P50. 

Pero may mga moments din na ganito:

ME: *pinabasa kay mama* oh ano deal ? >:D
MAMA: puro ka ekso ekso nag tra-trabaho na nga kami ng bfluasghoi;dhgod *sermon*

huhuh kaiyak di wag... #TeamBahay

6. SAVE

Kahit magkano man 'yan, wag mong gastusin. Ang bawat piso ay mahalaga sa sitwasyon ngayon. Lalo na yung mga ate sa canteen na ginagawang sukli ang CANDY! Lychee! Hindi pwedeng ipamasahe ang sinukling candy ate! 


7. BE PRACTICAL

Kapag halimbawa kayo ay gagastos, piliin niyo yung mura pero maganda naman ang quality para makatipid.

When it comes to projects at naghahanap kayong pang-design, pwede naman kayo mag recycle. Pwede kayo mag cut out from magazines, magdrawing tapos e cut-out and etc. Be creative!

8. TRY TO DO LITTLE BUSINESS

Wala na akong masabi diyan kasi obvious naman sa title eh. hahaha. Uy! Wag kayong despreado dapat determinado! Wag mong ibebenta ang kidney mo uy! 

9. BE INSPIRED.

Magdala ng kahit anong bagay na magpapaalala sayo ng idol mo (ex: picture/photocard) para kapag feeling mo natetempt kang bumili ng bagay, tingnan mo ang iyong material na makakapagpaalala kay bias at isiping "Para kay *insert his/her idol name*, hindi ako gagastos. 

10. OFFER

Since nag iipon ka naman,'wag mong kalimutan mag-offer kay God. Bigas, fruits, etc. pwede mong e offer. Tandaan mo, 'yang iniipon mo ay galing 'yan kay God kaya magpasalamat ka sakanya pati na rin sa parents mo. 

END


Mag set ka lang ng goal para ma encourage kang mag-ipon! Tiwala lang and have patience! 

I'm just bored...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon