ALAM NI MIKE na urong-sulong si Airine sa ginagawa nitong pagpapalit ng damit at pantalon para sa kanya.Kawawa naman ito kung mapupuyat lamang ito dahilan lang sa pagkukunwari niya. Saka may trabaho pa naman si Airine kinakabukasan at mas lalong ayaw niyang mahihirapan ito nang dahil lang sa kalokohan na pinaggagawa niyang iyon.
"Mike, walang malisya 'to hah, palitan lang kita ng damit. Atsaka napag-utusan lang ako ni Mama.Ikaw kasi eh, iinum-inum ka tapos hindi mo naman pala kinaya," naririnig niyang sabi ni Airine at tila isa itong bata na humihingi ng permission habang pilit hinuhubad nito ang tshirt na suot niya. "Ang bigat ng braso mo," reklamo nito na naririnig niya rin. Paano kasi ang laking tao pa naman niya dagdagan pa ng mga malabukol niyang muscles.
Subalit siya naman ay nagkunwa-kunwarian pa rin na tulog-tulugan daw! Naramdaman niya lamang na naman na tumigil uli ito sa ginagawang pagbihis nito sa kanya.
Habang tumatagal ay hindi niya na kayang magkukunwari pa. Paano naman kasi kung sa bawat dantay nang malalambot na palad ng dalaga sa balat niya ay iba't ibang sensasyon ang siyang lumulukob na naramdaman niya na tila may gustong gigisingin ito sa pagkatao niya, at ang pinaka-worst pa ang alaga niyang anaconda tila ay naghihimagsikan na iyon na gustong lumabas mula sa bakod nito.Kung tatagal pa ng ilang minuto ang ginagawa ng dalaga sa kanya upang siya ay bihisan. Baka hindi na siya makapagpigil at ano pa ang magagawa niya.Gusto niya na tuloy pagsisihan ang kalokohan niyang iyon.
Minulat uli ni Mike ang kanyang mga mata para tigilan na ang kanina pang pagkukunwari niya.Hindi niya na talaga kayang paninindigan pa ang sinimulan niyang kalokohang iyon.
"Do I have a perfect ten?" aniya na nakapaskil ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.Huling-huli niya kasi ang dalaga na tinititigan siya nito sa mukha na tila ba sa pamamaraan ng titig nito ay gusto i-memorized ang bawat anggulo ng kanyang mukha.
NABIGLA NAMAN si Airine nang magsalita na si Mike . Bigla na lamang siyang napaatras din palayo sa binata kung kaya ay hindi niya naisipan na nasa ibabaw pala sila ng kama nito.Dahilang nawalan siya ng panimbang at huli niya nang ma-realize na mahuhulog na pala siya mula roon. Inihanda niya na lamang ang kanyang sarili kung sakaling babagsak ang katawan niya sa sahig na iyon. At saka pinikit niya na rin ang kanyang mga mata.Ngunit tila nabitin siya sa ere. Ang buong akala pa naman niya na talagang babagsak na siya roon sa sahig na'yon. .Naramdaman niya na lamang na nakasubsob siya sa malambot na medyo matigas din.Basta hindi niya mawari kung anuman iyon. Ramdam niya rin ang matitigas na braso ni Mike na nakapulupot sa baywang niya banda.
"Hanggang ngayon napaka careless mo pa rin.Paano kung nahulog ka mula rito sa kama doon sa sahig? " Sabi nito sa baritunong boses.Hindi niya tuloy alam kung concerned nga ba talaga ito sa kanya dahil sa himig ng boses nito.
Dahan-dahan naman niyang minulat ang kanyang mga mata upang alamin kung saan siya napasubsob. She's found out nakasubsob pala si'ya sa dibdib ni Mike at ang braso nito ay nasa baywang niya na nakapulupot ang mga iyon doon.Nang inangat niya na ang kanyang mukha upang tiningnan niya ito ay nakikita niya ang nakakalokong ngiti ni Mike saka nakakatukso ang mga titig nito sa kanya.
Naramdaman niya na naman ang tila bolta-boltaheng kuryente na dumadaloy sa katawan niya.Sa realisation magkadikit ang mga katawan nila ni Mike at ramdam niya ang init ng katawan nito sa katawan niya napaibabaw pa naman siya rito.Animo ay may mga daga na naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib at ang lakas nang pagkabog ng kanyang puso na tila bang gusto iyon kumawala mula sa loob ng kanyang dibdib.
Pilit niya pinayapa muna ang kanyang sarili.At saka tumikhim ng malakas na tila bang may malaking bikig sa lalamunan niya.Na ikinatawa naman ni Mike, ang ginawa niyang iyon .Nang alam niya na kaya niya na uli magsalita .
"Bitawan mo nga ako! siguro kanina ka pa gising anoh?!" aniya nang makabawi na siya sa abnormal na situation nila ng binata.Sabay pumiglas mula sa mga braso nito at sabay alis rin sa pagkadagan niya mula sa ibabaw ng katawan ng binata.Pakiramdam niya tuloy ay nag-iinit ang buong mukha niya.She's pretty sure na nagkukulay kamatis na rin ang mga pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Love and Hope
RandomThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer