LOVE AND HOPE Written by: Ashlie DreamerCHAPTER NINE

668 16 2
                                    

  PASADO-ALAS-DOS na ng madaling-araw ayon sa kanyang cellphone.Dalawang oras na pala ang lumipas mula nang mahiga siya sa kama.Her guardian angel must have been working overtime to keep her awake.

Dali-dali siyang bumaba mula sa kama at kinuha mula sa likuran ng bedside table sa kanan ng kama niya ang nakatagong baseball bat na for emergency use tulad nito. Ibinigay iyon sa kanya ni Nathalie.Bunsong kapatid iyon ni Mike.Pumasok na rin si Nathalie sa PMA, nagkataon na naabutan pa niya ito noon bago pumasok iyon doon.Kaya binigyan siya nito ng baseball bat. Pang-self defense na rin dahil sa mag-isa na lang siya sa bahay.

Sinanay niya ang mga mata sa dilim at dahan-dahan lumabas ng kuwarto.Habang binabaybay ang pasilyo patungo sa hagdan, she made sure na hindi siya maakagawa ng kahit anong ingay.

'Kung sino ka man, pasensiyahan na lang,' naisaloob niya.Wala siyang takot na naramdaman mula sa kanyang dibdib.Determinado siya na harapin kung sinuman ang Magnanakaw na iyon.Pinagtataka lang ni Airine.Kung talagang magnanakaw bakit nandoon sa kusina ang pinagmulan ng ingay na naririnig niya. Or else sa kusina dumaan ang magnanakaw na'yon?

Walang ingay siyang nakababa ng spiral staircase at dumeretso sa pasilyo patungo sa kusina. May liwanag siyang nakikita mula sa siwang sa ilalim ng pinto ng kusina. Ayos din ang magnanakaw na ito, sinindihan pa talaga ang ilaw. Humigpit ang hawak niya sa baseball bat at saka huminga nang malalim. 'This is it, humanda ka!' sigaw niya sa kanyang isip.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at saka siyang sumilip.Nanlaki ang mga mata niya nang may mamataan siyang lalaki na nakayuko at hinahalungkat ang fridge niya.

Tantiya niya ay nasa anim na talampakan ang taas nito.Nakasuot ito ng fitted t-shirt at maong pants. Nakasuot pa ito ng sumbrero. Kapansin-pansing firm ang muscles nito sa likod.What more kung nakaharap na ito? Sa tingin din niya ay matitigas iyon kung hahawakan niya.Parang nais niyang ihilig ang sarili doon.She shook her head. Bakit parang pinagnanasaan pa yata niya ang magnanakaw na ito?

"Damn! Nakabasag pa, ako," narinig niyang sabi ng lalaki. "Wow, may mango float! how so sweet."

Naningkit ang mata niya. Ibang klasi din ang magnanakaw na ito. Mukhang pagkain lang yata ang balak nito na nakawin. Hindi naman ito mukhang patay gutom base na rin sa tindig at katawan nito kahit na nakatalikod 'to mula sa pinto na kinaroroonan niya. Mukhang natatakam din ito sa ginawa niyang mango floa, kanina bago siya umakyat doon sa sariling kuwarto na inuukupa niya naroroon sa pangalawang palapag ng bahay na ito. Ginawa niyon para dadalhin bukas sa pinagtatrabahuan niya. Birthday kasi ng kasamahan niya sa trabaho kung kaya ay naisipan ni Airine, na gumawa ng mango float.

Naniningkit ang mga mata niya.Habang tinitignan niya ang mapangahas na magnanakaw na pumasok sa kusina.Dali-dali siyang pumasok at lumapit dito.

"Sino ka?"sigaw niya. Nabitin sa ere ang hawak niyang baseball bat nang gulat na humarap ang lalaki sa kanya.

"Ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi niya inaasahan na ang lalaking ito ang inaakala niyang pinasok na siya ng magnanakaw. Napapadyak siya sa inis.

"Mike, this is insane!" Airine couldn't believe her eyes.Pero kahit anong kuskos niya sa mga mata ay naroroon pa rin ito sa harap niya. 'Ni hindi man lang ito natigatig kahit naroroon siya. Itinuloy lang nito ang pagkuha ng mango float sa loob ng fridge niya.

Tumaas ang isang sulok ng mga labi nitong may cream pa sa gilid. "Hello, Airine.Magandang gabi.Nagising pa yata kita. Sorry, dito nagugutom kasi ako at saka natakam na rin nang makita ko ito."

"Heh! Magandang gabi ka diyan!" Asik niya.

"Paano ka nakapasok dito?" Maya't maya naitanong niya rito.

"Simple lang naman. May sarili po akong susi," nakangiting saad ni Mike. Ngunit bigla na lamang napalis ang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. Kumilimlim ang mukha nito pati na rin ang mga mata nito.Dagdagan pa ng gagitla na kunot -noo nito habang tinititigan siya nito.

Kitang- kita niya rin na panay taas baba ang Adams apple ni Mike. Kasunod no'n ang sunod-sunod na paglunok nito.

"Sariling susi? Bakit ka ba pumunta rito sa ganitong oras? Ang buong akala ko pa naman ay pinasok na ako ng magnanakaw." Aniya rito. "Ikaw lang pala."

Seryoso pa rin ang itsura ni Mike habang hindi maalis-alis ang mga titig nito sa kanya. "Natakot ka na manakawan kung anong mayroon mga gamit ang bahay na ito. Pero hindi ka natakot para sa sarili mo? Balak mo pa yata i -seduce ang magnanakaw na sinasabi mo. Kung sakaling isa akong magnanakaw mas gugustuhin ko pang reypen ka kaysa nakawan ang bahay na ito." mahabang litanya nito.

"How cou.... " nabitin ang dapat niyang sabihin dito. Nang sigawan siya nito.

"Stop Airine. Tingnan mo nga 'yang sarili mo!" Sigaw nito sa kanya. Bigla na lang din siya nakaramdam ng takot dito. Echo ang boses nito sa buong kabahayan.

"Bakit ka ba naninigaw? Ikaw 'tong pumasok dito ng dis oras ng gabi. At nakikain, ikaw pa ang may ganang magalit! At saka huwag mo ako sigawan, hindi ako bingi at naririnig din naman kita.!" Balik sigaw niya rito. Kahit kailan hindi pa rin niya maiintindihan ang mood swing nito. Within five minutes paiba-iba ang mood nito. Kani-kanina lang hanggang tainga ang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito.Tapos ngayon bigla na lamang ito nagalit-galitan at basta-basta na lamang sigawan siya.

Tiningnan siya ni Mike, nang taas baba. "Why did you try going infront of mirror and look you're self.So that you knew what I mean." Hindi niya alam kung inuutusan siya nito pero mahinahon na ang boses nitohabang nagsasalita na ito. Ngunit naka tiim-bagang pa rin ito.

" Shit!" Bigla napamura na lamang sa kanyang sarili si Airine. Nang ma-realize niya na hindi pala niya naisuot ang kanyang roba dahil sa pagmamadali pababa dito mula sa kuwarto niya na nasa ikalawang palapag ng bahay na ito.

She's only wearing a boxer's short, white top sando without wearing bra. Nakasanayan niya na kasi na ganito ang pangkaraniwang sinusuot niya tuwing matutulog na siya. Mas kumportable kasi siya kapag iyon ang suot niya.

Mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo si Airine, paakyat sa hagdan para pumunta na sa kwarto niya.

"Heh! be careful. Ngayon ka pa mag-react na kanina ko pa nakita 'yan." Malakas na wika ni Mike, kasunod no'n ay malakas din na pagtawa nito.

Huminto siya sa kalagitnaan ng hagdan saka nilingon naman ito ng saglit lang . "Hindi ka lang trespassers. Manyak ka pa! " Naiinis na turan ni Airine.

"Sa guwapo kung ito. Mukhang Manyak pa? Natatawang sagot naman ni Mike.

ITUTULOY.....  


Love and HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon