NASA HARAPAN ng salamin si Airine ng sandaling iyon ng marinig niya ang sunod-sunod na katok mula sa dahon ng pinto. Saglit siya tumigil sa pag-aayos ng kanyang sarili.
"Pumasok ka na Bessy!" aniya sa malakas na boses. Alam niya naman na ang kanyang bestfriend ang kumakatok na'yon.
Maya't maya ay pinihit naman ng kanyang bestfriend ang seradura ng pinto. At saka pumasok na rin sa loob ng kanyang kuwarto.
Ang bestfriend niya na kasi pa minsan-minsan ang kasama niya sa bahay. Iyon din kasi ang kagustuhan ni Mike. Para may kasama rin siya at hindi mag-aalaala sa kanya ang kasintahan.
"Kung makangiti ka naman diyan sa harapan ng salamin, tudo wagas at nagmukhang ing-ing ka tuloy. Kung hindi lang kita bestfriend at kung hindi lang kita kilala malamang mapagkamalan talaga kita na isa kang ing-ing." Tudyo ni Cristy na bestfriend niya. Humarap ito sa kanya at saka tinuro pa siya nito kunwari sa mukha gamit ang hintuturo nito.
"Ikaw naman bessy, parang nag-aayos lang naman, eh. Ing-ing ka diyan." sagot naman niya rito.Tudo ngiti pa rin ang nakapinta sa kanyang mga labi.
"Hmmm...alam ko naman kung bakit ka nagkaganyan, eh. Nasaan na ba siya?" sabi ni Crity, sabay palinga-linga at palakad-lakad na nagkukunwari ay may hinahanap ito.
"Sino?" painosente na tanong naman ni Airine.
"Eh! sino pa ba? eh, 'di si Mike. Kunwari ka pa bessy." nakataas kilay na wika ni Cristy.
"Wala pa siya, sa susunod na linggo pa ang uwi ni Mike. Galing sa Mindanao."
"Tudo ngiti ka naman diyan. Ganyan ba talaga kapag Inlove. hah!"
"Bessy naman. Alam mo 'yong salitang crazy Inlove? 'Yun na best." Aniya na malalapad pa rin ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi.
"Ano kasalan na ba?" nakangiting tanong ni Cristy na humarap uli ito sa kanya.
"Bessy naman. Wala pa kami ni Mike sa ganyan. Alam mo naman si Mike. Ang gusto niya 'yong nasa maayos ang lahat." tugon niya rito.
"Wala sa ayos? Magkasama na nga kayo dito sa bahay niya. Dito ka na rin nakatira. Wala pa rin ba 'to sa maayos?"
"Best hindi naman sa ganoon. Iyon 'yong nakaplano na ang lahat. Huwag 'yong pabigla-bigla."
"Eh! baka naman ang boyfriend mo pinapalangin mo sa lahat na santo na magiging honest 'yon sa'yo. Baka Nakalimutan mo na ang boyfriend mo ay isa lang naman na Marino! Malay mo na ang boyfriend mo ay boyfriend ay boyfriend lang naman ng bayan. Kung saan detachment naka-assign ay mga syota," wika ni Cristy, sabay turo uli sa mukha niya na nakangiti.
"Bessy, naman. Hindi ganoon si Mike. Kilala ko 'yon. Saka ako lang ang mahal no'n." Pagtatanggol niya sa nobyo. Alam at naramdaman naman niya kung gaano siya ka mahal ng kasintahan.
"Ipanalangin mo na lang sa lahat na santo na ganyan nga ang nobyo mo. Naku! Airine, huwag ka lang masyadong magtiwala. Alam mo naman ang mga sundalo. Habulin ng mga babae at sila naman gustong-gusto nila 'yon."
"Bessy, huwag ka naman praning. Puwede!" sabay duro rin ng hintuturo niya sa kaibigan na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi. "Dapat magiging masaya ka naman para sa akin kahit kunti lang," nakangisi na saad ni Airine.
"Ayusan mo na lang nga ako," sabi pa niya sabay abot dito ng hairclip para sa ganoon ay matulungan siya nito sa pag-aayos ng kanyang buhok.
"Hay, Sige na nga. Hala tumalikod ka na dito nang sa gan'on maayusan na kita."
Tumalikod naman si Airine upang magpaayos ng kanyang buhok. Hindi pa rin mapuknat-puknat ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Ilang araw na lang ang hihintayin niya na makalipas magkikita at makakasama niya muli ang lalaking pinakamamahal niya. Na miss niya na rin si Mike nang subra.
SAMANTALA SA KINAROROONAN ni Mike. Habang nag-aayos ng mga gamit para sa pang-diving .Katatapos lang kasi nila magpratice sa pagtalon sa dagat mula sa parachute na ginamit nila na sakyan mula sa himpapawid.
Kasama niya sina Rusthy, Alfie at Jeff.
" Mego kailan na ang uwi mo ?." panimulang wika ni Rusthy.
" Sa makalawa na Mego.Excited na nga ako. Magkikita at makasama ko na ulit si Airine. " Nakangiti na wika ni Mike. At tila nangangarap pa ito habang nagsasalita sa harapan ng mga kaibigan niya.
" Inlove ka na talaga, Sarge. " Kumento naman ni Jeff.
" Kasalan na ba? " Tanong naman ni Alfie.
" Oo, Kasalan na Bok.Hindi na rin ako makapaghintay. " Nakagiti na saad ni Mike.
" Hmmm.... mag-propose ka na Sarge? Mukhang seryoso na ' yan . Ah. " sabi ni Rusthy.
" Sa pag-uwi ko, Sarge. Hindi ko na pakawalan pa , " tugon naman niya rito kay Rusthy.
" Ayos 'yan Bok , Ganyan ang Marino. Basta ninong kami sa panganay , " ani Jeff. sabay thumbs-up.
" Oo ba, basta huwag niyo lang turuan ng kabalastugan ang magiging panganay kung anak. " sagot ni Mike. Mas lalo siyang na exciting dahil sa pinag-uusapan na ang tungkol sa anak. Gusto niya na rin kasi makita ang itsura ng kanyang magiging prudokto.
" Kami pa! ang mabbabait kaya kami. " turan ni Alfie na nakangisi.
Hindi naman ni Mike kaya ipaliwanag ang kanyang naramdaman. Dahil sa excited na siyang umuwi . Isa lang naman ang dahilan, eh. ' Yung makasama niya si Airine. Kung puwede at kaya Lang niya na kinabukasan ay makalawa malamang ginawa na niya iyon upang makauwi na din siya kaagad.
Hindi rin alam ni Airine, sa makalawa ang kanyang uwi. Ang sabi niya sa dalaga ay sa susunod na linggo pa ang kanyang uwi. Gusto niya kasi ito surprisahin.
MATULIN LUMIPAS ANG MGA ARAW. Araw na ng pag-uwi ni Mike. Walang nakaalam na uuwi siya sa araw na 'to. Subalit sinabihan niya na ang kanyang mga magulang na doon siya diretso ng uwi sa malaking bahay. Nagpaalam na kasi siya sa kanyang mga magulang na gusto niya na pakasalan si Airine. Nung sinabi niya iyon sa kanyang mga magulang ay natutuwa naman ang mga ito dahil si Airine, din pala ang makatuluyan niya.
" ALICIA, TINAWAGAN ka na ba ni Mike? o nagtext man lang? Para sa ganun ay masundo natin siya sa airport. " sabi ni Heneral Rivera, ama ni Mike. nakaupo siya sa isahang upuan sa sandaling iyon. Naka 'di kwatro ang mga paa nito. At abala sa pagbabasa ng magazine.
Tiningnan naman ni Mrs Rivera ang kanyang cellphone. Kasalukuyan nag-aayos siya ng mga pinang-hugasan niyang cups.
" Wala naman text si Mike.Alam Mo naman 'yung anak mo. Mahilig sa sorpresa. Saka hindi na iyon magpapasundo sa airport. Ayaw nun namapagod lamang tayo. " Sagot naman ni Mrs Rivera.
Pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Saglit niyang sinulyapan ang kanyang kabiyak na abala pa rin ito sa pagbabasa ng magazine.
Maya't maya pa ay naririnig nila ang sunod-sunod na katok mula sa intrace door ng kanilang bahay.
" Alicia, may kumakatok. Baka si Mike na iyan! " Maedyo may kalakasan na ang boses ni Heneral Rivera.
Tumalima naman saglit si Mrs Rivera buhat sa kanyang mga ginagawa. Hinakbang niya na ang kanyang mga paa upang pagbuksan kung sinuman ang kumakatok na iyon.
Nang pinihit na ni Mrs Rivera ang dahon ng pinto ay si Mike ang kanyang nabungaran. Kaagad siya nito niyakap na nakangiti hanggang tainga.
Gumanti naman ng yakap si Mrs Rivera sa kanyang anak.
Pagkuwan ay " Ikaw na bata ka hindi ka man lang nagpasabi kung anong oras ang dating mo. ' Di sana nasundo ka namin sa airport. sabi ni Mrs Rivera.
" Alicia, si Mike na ba ' yan ?." tanong ni Heneral Rivera.
" Oo.Si Mike na, " sagot naman ni Mrs Rivera.
Pinuntahan naman ni Mike ang kanyang ama na nakaharap sa dining table.
" Dad, mano po , " nakangiting saad ni Mike.
Binitawan naman ni Heneral Rivera ang magazine na hinahawakan niya at kasulukuyan na binabasa din.
Nang kinuha na ni Mike ang kanan kamay ng kanyang ama. At saka nagmano siya rito. " NakaugalIan na kasi nila ni Nathalie na magmano sa kanilang mga magulang.
" Kaawaan ka ng Dios, anak. " sabi ng kanyang Daddy.
" Salamat po Dad, " Si Mike na naupo na rin sa tabi ng kanyang Daddy. May kinuha siya sa loob ng kanyang bag. Mga magazines Iyun ng Philippines Marines Corps. Nakasulat sa magazines na iyon ang mga kawang-gawa ng mga sundalo. Binigay iyon dito sa ama niya.
Nagtataka naman si Heneral Rivera habang inaabot iyun dito sa kay Mike.
Tila nahulaan naman ni Mike iyon.. " Yun po 'yong mga kawang gawa ng mga kasamahan ko sa unit, Dad. "
" Ganun ba. Kamusta naman doon sa pinanggalingan mo ? " Tanong ng Daddy niya.
" Okay naman po doon, Dad. Wala naman masyadong magulo roon. " tugon ni Mike.
" Magkape muna kayong mag-ama.. " sabi ng kanyang Mommy. Bitbit na nito sa tray ang dalawang tasa na may lamang kape.
Nilapag na niya iyun sa center table.
" Salamat mommy, na miss ko ' tong cake na bake mo, " saad ni Mike.
" Sige na anak. Mamaya mo na bolahin ang Mommy mo. ubusin mo na ang kape mo.Alam naman namin ng Mommy mo na gustong-gusto mo na siya makita. " turan ng kanyang Daddy.At saka kinindatan pa siya nito.
" Oo nga anak. Puntahan mo na si Airine. Dito na rin kayo kakain ng pananghalian ng sa ganun ay sabay-sabay na tayo kakain mamaya. " Segunda naman ng kanyang Mommy.
Walang bukang bibig ang mga ito kapag tungkol na kay Airine ang pinag-uusapan. Malaking pasasalamat niya dahil gustong-gusto ng kanyang mga magulang ang dalaga. Ang tanging gawin niya na lamang ay ang mag-propose sa kay Airine.
ITUTULOY....
![](https://img.wattpad.com/cover/51766030-288-k630750.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Hope
AcakThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer