GO NAVY FLEET MARINES.
A LIFE OF FIGHTING
We follow a lonely road
one of valor...one of sacrifice.
We are you're
MARINES
You may pay our salaries with taxes but we repay it with our selves.Iyan ang makikita na nakasulat sa pader na malapit sa gate ng entrance sa kampo ng mga Marino sa Fort Bonifacio.
KUNG puwede niya lang paliparin sa himpapawid ang kotse na minamaniho niya papuntang Ternate Cavite malamang ay ginawa niya na upang makarating agad doon. Nang malaman niya na kasama sa sky diving ang kapatid niyang si Nathalie. Hindi man lang nagawa ng kanyang ama na bumigay ng order para sa ganoon ay excepted si Nathalie sa nasabing sky diving.Nakaramdam siya ng sobrang takot para sa nag-iisang kapatid niya.
KOTSE na kulay itim ang pumarada sa harapan ng building ng Marines.Nang huminto na iyon ay isang makisig at guwapong lalaki ang lumabas mula sa loob ng nasabing sasakyan.Ngunit hindi makaila ang pagiging strikto na nakalarawan sa mukha nito.Nakasalubong ang dalawang makapal nitong mga kilay.
"Oh! may..." Tanging na wika ni Jessa nang makita niya ang lalaking ito. Napakaguwapo nito at tila nakapanglaglag ng panties ang kaguwapuhan angkin nito. No doubt it isa rin itong military. Kitang-kita naman kasi sa tindig at pustura ang pagkasundalo ng lalaki.
Samantala nakita kaagad ni Bjhay ang pagdating ni Mike
Rivera. Sinalubong niya ito at saka nagbigay pugay sa batang Lieutenant ng Marines."Para saan ang ginawa mong iyan Bjhay?" tanong ni Mike.Hindi malalaman kung nagbibiro lamang ito o seryoso na dahil sa napaka pormal ang nakalarawan sa mukha nito.
"Paggalang dahil sa Lieutenant ka Sir Mike Rivera, or else puwede na rin sa paggalang sa tagayan nang maihanda na natin ang tagayan. Sabihin mo lang at ako mismo ang maghahanda" Nagawa pang magbiro ni Bjhay sa kabila ng tension na naramdaman niya.
"Walang tagay na mangyayari ngayon Bjhay. Besides iba ang gusto kung gawin na tagayan." makahulugan na sagot ni Mike.
"Patay na!' ani Bjhay sa sarili. Paurong-sulong ang kanyang dila. Alam niyang hindi na nagbibiro si Mike.
"Nasaan ang kapatid ko? Si Gavillanes nasaan?" Sunod-sunod na tanong ni Mike. Nakakuyom ang mga kamao.
"Magkasama ngayon sila Nathalie at Gavillanes .Sir Rivera," tugon naman ni Bjhay.
"Nasaan sila? Dalhin mo ako roon sa kinaroroonan nila."
"Hindi kita kayang dalhin pa punta roon. Sumunod ka na lang sa akin sa paglalakad papunta sa Clinic." Biro ni Bjhay.
"Pilosopo ka pa rin hanggang ngayon," nakangiti na turan ni Mike.
Nakahinga naman nang maluwag si Bjhay. Dahil sa buong akala niya ay mapuno na ng tension dahil sa pagdating ni Mike Rivera.
Tinungo na nila ang private cottage na para lamang sa personel ng navy at marines na mga opisyal. Nang nasa tapat na sila ng pinto ay kumatok si Bjhay sa dahon ng pinto. Nang hindi pa rin ito binuksan ay sunod-sunod na pagkatok naman ang ginawa ni Mike, sa dahon ng pinto na iyon. Hindi nagtagal ay binuksan din sila kung sinuman ang nasa loob. Nang bumukas na ang pinto ay si Gavillanes ang lumuwa mula sa loob. Isang malakas naman na suntok ang pinakawalan ni Mike para rito kay Gavillanes. Mabuti na lamang maiksi ang katawan ni Gavillanes nakailag agad siya.Nagawa nitong iwasan kaagad ang suntok ni Mike.
Nabigla naman si Gavillanes sa ginawang iyon ni Mike.Mabuti na lamang at nakailag siya agad dahil kung nagkataon na hindi siya nakailag tiyak napuruhan siya nito. Sa sahig sana ang bagsak niya.
" Ano ang problema mo?! " Sigaw ni Gavillanes, palipat-lipat ang tingin kanila Mike at Bjhay, nakamata lamang ang huli.
Kibit balikat lamang si Bjhay at ngumisi na nakatingin rin kay Gavillanes. Hindi na siya nakialam sa dalawang ito. Hindi rin niyang nagawa na awatin si Mike, nang suntukin nito si Bjhay.
BINABASA MO ANG
Love and Hope
AcakThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer