LOVE AND HOPE Written by : DreamerCHAPTER SEVENTEEN

694 14 0
                                    


  HIS ALONE. dalawang araw pa lang ang nakalipas simula ng umalis na doon si Airine at kagaya nang sinabi nito ay hindi na nga bumalik dito ang dalaga. Subalit pakiramdam ni Mike, ang dalawang araw na iyon na nawala sa paningin niya si Airine. Tila ang katumbas no'n ay matagal nang panahon ang lumipas. Inaamin niya sa kanyang sarili na hinahanap- hanap niya na ang presensiya ng kasintahan. Ang pag-aalaga na ginagawa nito sa kanya na kadalasan ay sinusuklian at pinapakitaan niya naman ng 'di magandang pag-uugali niya. Na mi-miss na rin niya 'yong pagiging makulit ni Airine kapag gustong-gusto siya nito kausapin tapos siya naman ay deadma to the max. 'Yong aawayin siya ng dalaga pero maya' t maya pa ay susuyuin naman siya nito.

Sa kabila nang pinapakitaan niya ng pagsusungit at pambaliwa ang dalaga. Kahit gan'on pa man napagtiyagaan pa rin ni Airine, ang lahat ng mga iyon. Sa halip ay palaging pinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kamahal ng dalaga.

Subalit lingid sa kaalaman ni Airine sa tuwing nagmamatigas si Mike para itaboy 'to palayo mula sa kanya. Doble-dobleng sakit naman ang kanyang na. Ginagawa niya ang lahat ng iyon dahil iyon lamang ang tanging paraan naiisip niya upang kusang iwan siya ng dalaga. Ayaw niyang matali si Airine sa kanya habang buhay. Ayaw niya nang makikita na nahihirapan ito ng dahil sa kanya.

Bukas na nakatakda ang araw ng kanilang kasal ni Airine. Kapag hindi siya sumipot kinsbukasan isa lang ang ibig sabihin nu'n. Hinding-hindi niya na makita uli ang dalaga. ' Di ba iyon naman talaga ang gusto ni Mike? Tuluyan na siyang iiwan ni Airine.

Subalit tila ayaw naman pumayag ng kanyang puso. Si Airine pa rin ang sinisigaw nito. Hindi niya yata kayanin kung tuluyan nang mawala pa ito sa buhay niya.

Na-aalaala niya tuloy ang mga sinabi ni Airine minsan. "Puwede pa tayo magsimula uli. Ang binti mo lang naman ang nawala sa'yo Mike. Hindi ang buong pagkatao mo. Huwag kang patalo sa kahinaan at deprisyon na naramdaman mo. Kailangan mo nang tanggapin ang katotohanan, Mike."

Naisip niya tuloy paano niyang nagawang saktan ang damdamin ng babaeng pinapangarap niyang makasama hanggang sa kanyang pagtanda? Ang babaeng pinakamamahal niya. Pinangakuan nang tapat at wagas na pagmamahal. Napakalaking gago niya kung bakit nagawa niyang ipagtabuyan si Airine na layuan siya nito.

Tama naman si Airine. Puwede pa sila magsimula ng panibago. Isang decision ang kanyang nabuo. At sigurado na siya.

Kinuha ni Mike ang kanyang cellphone na nakapatong lamang sa lamesa na hindi kalayuan sa wheel chair na inuupuan niya. Subalit kailangan pa niyang pagulungin ng ilang beses ang wheel chair para makalapit sa mesa na iyon. Nang nandoon na siya at nakuha na niya ang cellphone ay kaagad niyang tinawagan si Bjhay.

Ilang minuto pa ang nakalipas at ilang beses rin paulit-ulit niyang dina-dial ang numero ni Bjhay. Bago nito sinagot ang kanyang tawag.

"Hello! anong masamang himala ang nangyari sa'yo, Bok? At naisipan mong tawagan ako?" bungad na tanong agad ni Bjhay. Nang sagutin nito ang tawag niya.

"Kailangan ko ang tulong mo, Bok," Walang paligoy- ligoy na saad ni Mike.

"Busy ako ngayon," baliwalang sagot naman ni Bjhay. "At saka ang pagkakaalam ko ay galit na galit ka sa 'kin at ayaw mo na akong makita? " An Bjhay.

"Okay," sabay taas ng kanyang kanan kamay. Tanda ng kanyang pagsuko sa kausap. Animo ay nasa harap lamang niya si Bjhay. "Bok, Sorry sa lahat ng mga nasabi ko, sa'yo noon.Pero kung ayaw mo talaga akong tulungan dahil sa sabi mo nga busy ka. Okay lang. Kay Jeff na lang ako hihingi ng tulong."

"Alam mo naman na ako ang bestman sa kasal ni Airine. Ayaw ko lang naman mapagod pa dahil lang sa byahe.

" Nakangisi turan ni Bjhay. Tila bang nakikita niya na kung ano ang hitsura ni Mike at ang pag-react nito.

"Olol! Bok, kasal ko rin naman iyon!" pasigaw na bigkas ni Mike.

"Ganoon ba? Nakalimutan ko, Bok. Kasal mo rin pala 'yon..." Tudyo pa na wika ni Bjhay. Sigurado siya kung magkaharap lamang sila ni Mike. Nabigyan na siya nito ng mag-asawang suntok. "Ang pagkakaalam ko kasi wala ka naman plano na ituloy ang kasal ninyo ni Airine." dagdag pa ni Bjhay. Pinalungkot pa ang boses nito.

"Sino ang may sabi sa'yo? Hindi ako darating bukas sa kasal namin ni Airine?" tanong ni Mike.

"You mean...tuloy ang kasalan Airine at Mike?" Tila ayaw pa maniwala ni Bjhay. Ngunit kung totoo man ang sinasabi ni Mike. Masaya siya para sa mga ito.

"Yon nga ang dahilan na napatawag ako, Bok..Napag-isip-isipan ko. Hindi ko pala kayanin na tuluyan nang mawala sa 'kin si Airine." Pag-aamin na saad ni Mike.

"Wow! that a good news. I'm happy, both of you. Alam naman natin kung gaano ka kamahal ni Airine. Now tell me, what kind of help what do you want from me, Bok?" Tanong ni Bjhay na bigla na lamang napa-english ito. Malamang sa tuwa at saya na naramdaman niya para sa matalik niyang kaibigan at siyempre para na rin kay Airine. Saksi siya kung paano ng dalaga minahal ang matalik niyang kaibigan.

"Puwede mo ba ako ipag-drive? Sunduin mo ako dito sa Tagaytay. May gusto lang kasi akong puntahan. "Pakikiusap ni Mike sa kaibigan niya.

"Okay, Bok. Ngayon din mismo pupuntahan kita riyan." Si Bjhay.

"Salamat, Bok. Paano hintayin na lang kita dito," At saka nagpaalam na sa kausap niya. Kasabay nun ay pinindot niya na ang end bottom ng call end.

LALONG nawalan ng pag-asa si Airine nang nabalitaan niyang umalis daw doon si Mike. Kinumpirma iyon ni Private first class Binondo ng tawagan niya ito para kamustahin sana ang kalagayan ni Mike. Ngunit ganun na lamang ang pagkadismaya niya ng malaman na umalis nga roon ang binata. 'Ni hindi man sinabi ni PFC Binondo kung saan si Mike pumunta. Basta ang sabi lamang sa kanya ay umalis ito at may sumundo sa binata.

Itutuloy....  

Love and HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon