LOVE AND HOPEWritten by : Ashlie Dreamer FINAL CHAPTER

1.3K 29 0
                                    


MATAMLAY na pumasok ng kuwarto niya si Airine. Subalit bago niya isara ang dahon ng pinto, narinig niya ang boses ng kanyang ina na tinatawag siya.


"Airine! " May kalakasan na tawag ng kanyang Mama Riecel. Lumingon naman siya rito at pilit na ngumiti.

"Anak, okay ka lang ba?" tanong ng mama niya ng makalapit na ito . May pag-alaala sa tuno ng boses nito at makikita din sa nakalarawan sa mukha ang pag-alaala nito para sa kanya.

"Hindi po Mama. Bakit gano'n po? Bakit nagawa ni Mike, na tiisin po ako at hinayaan niyang masasaktan. Hindi pa rin po ba sapat ang pagmamahal ko para sa kanya?" pasigok-sigok na sabi niya.

Niyakap naman siya ng Mama niya at saka hinagod-hagod ang kanyang likod para i-comfort siya.Kahit paano ay maibsan ang naramdaman niya.

"Psstt. Huwag ka na umiyak, anak. Hindi naman 'yan makakatulong sa'yo. Alam natin na under recovery parin si Mike. Dahil doon sa trahedya na nangyari sa kanya. Nakaramdam pa rin iyon ng deprisiyon. Mas dapat maiintindihan mo iyon, Airine." Paliwanag na wika ng Mama niya. " Kung ako, sa'yo huwag mo nang ituloy ang pagpunta sa simbahan bukas. Kami na ang bahala nila Tita Alexa, mo. Ang magpapaliwanag sa mga bisita na dadalo."

"Pero Mama naka plano na po ang lahat-lahat at naayos ko na rin ang mga dapat ayusin na kailanganin para bukas. Kahit na walang kasiguraduhan kung darating nga ba si Mike o hindi. Basta pupunta ako ng simbahan bukas." deteminado na saad ni Airine. Subalit panay naman ang dasal na ginagawa niya na sana lang ay darating si Mike.

Umiling agad Ginang. "Ikaw kung 'yan ang kagustuhan mo. May kasalanan din naman ako kung bakit nangyari ang lahat na 'to sa'yo ngayon Anak. Hindi lang sana ako naging pakialamira at kunsentidora na ina sa'yo. Malamang hindi mo naranasan ang lahat na'to. Sana hindi kita nakikita ngayon na nasasaktan ka." Mahabang wika ng Ginang. Sinisisi pa ang sarili nito.

Pinunasan naman ni Airine ang mga luha na nagsilandasan sa kanyang mukha. "Mama, wala naman po kayong kasalanan. Kung nangyari man ang lahat na' to sa akin ay kagustuhan ko naman po ito. Nagkataon lamang na minahal ko si Mike. huwag niyo na po sisihin ang sarili mo."

SUNOD-SUNOD na doorbell ang naririnig nilang mag-ina. Nagpatigil din sa pag-uusap nila.

"Ako na ang magbukas ng pinto," presinta ng kanyang Mama. Tumango na lamang siya rito tanda ng pagsang-ayon dito.

Tinungo naman ni Mama Riecel ang maindoor para alamin kung sinuman iyon. Nang buksan niyon ay ganun na lamang ang tuwa na siyang naramdaman nang makita ang hindi inaasahan na panauhin.

"Good evening po Tita," magkasabay na bati ng Magandang gabi sa kay Mama Riecel. Si Mike naman ay alanganin na ngumiti rito sa Ginang.

"Tita sorry po kung..." ani Mike.Hindi niya naituloy ang sasabihin niya sana.

"Pumasok muna kayo dito sa loob. Dito tayo mag-uusap," sabi naman ni Mama Riecel. At saka umalis na sa trangkahan upang bigyan ng espasyo ang mga ito nang sa ganun ay makapasok na dito sa loob.

" Mama, sino po ang..." Tanong ni Airine. Subalit nang nakita niya na ang kanilang panauhin na 'di inaasahan.

"Hello, Airine. Good evening, " sabi ni Bjhay, Ningitian pa siya nito. Pero mas nakatuon ang attention niya kay Mike.

Ilang beses niya kinusot ang kanyang mga mata para makasigurado siya na hindi lamang siya na malikmata. Pagkatapos niyon ay ilang beses niya rin kinurot ang kanyang sarili. Para siguraduhin na hindi lamang siya nanaginip. Subalit nasaktan lang siya sa ginawa niyang iyon sa kanyang sarili. Totoo nga na nandito si Mike at hindi panaginip ang lahat na ito.

Love and HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon