BIGLA na lamang siya tumayo ng kumilos ang binata na natutulog. Kapag nahuli siya nito na tinititigan niya naman ito, sigurado na walang humpay na pang-aasar na naman ang aabutin niya mula rito.
Bumalik na lamang siya ng kusina upang lagyan ng takip ang pagkain na iniwan niya roon kanina. Pagkatapos niyang takpan ang mga pagkain. Umakyat na siya sa pangalawang palapag ng bahay na kung saan ang kanyang kuwarto. Upang kumuha ng kumot, nang nakuha niya na ang kanyang pakay ay bumaba siya uli at bumalik doon sa sala.
Mahimbing pa rin ang tulog ni Mike, nang balikan niya ito. 'Ni hindi nga nito nagawang hubarin ang medyas na suot nito kanina. Kawawa naman. Malamang napagod 'to nang sobra dahil sa byahe.
Hinubaran niya na lang ng medyas si Mike. At saka kinumutan niya na lang ito. Bago siya umalis doon pinatay niya muna ang television at ilaw. Tanging maliit na lamp shade lamang ang naiwan na nagsisilbing liwanag.
KINABUKASAN malakas na tunog ng alarm clock ang siyang dahilan upang magising si Airine, mula sa mahimbing niyang tulog. Papungas-pungas siya habang bumabangon mula sa kanyang higaan. Naramdaman pa rin niya ang sobrang antok. Ngunit kailangan niya ng bumangon dahil mayroon pa siyang pasok sa pinagtatrabahuan niya. Hindi naman puwede na um-absent siya sa araw na ito. Kahit na mabigat pa ang talukap ng kanyang mga mata at masakit ang kanyang sentido ay pinilit niya na ang kanyang katawan na bumangon at maligo. Quick shower lang ang ginawa niyang paligo dahil kung tumagal pa siya ay late na siya sa trabaho niya.
Matapos niya na gawin ang ritwal na kadalasan ginagawa ng isang babae ay lumabas na siya mula sa kuwarto niya.
Hindi niya na nadatnan si Mike roon sa sala. Tanging kumot na lamang na nakatupi ang naiwan ng binata. Tiningnan niya rin sa kusina nag babakasali na baka nandoon ang binata ngunit wala rin .Gusto niyang isipin na isang panaginip na lamang ang nangyari sa nagdaang gabi.
WALANG masyadong customers kung kaya ay nakaramdam si Airine nang pagkainip. Wala sa sarili na napatingin siya sa labas ng bookstore. Kunot-noo siya nang makita niya roon si Mike malapit sa store ng mga stuff. Hindi lang 'yon dahil hindi tumagal ay may lumapit na magandang babae sa kay Mike. Kitang-kita ng dalawang mga mata niya kung paano yumakap at pumulupot ang braso ng babaeng iyon sa binata at hinalikan pa ito sa pisngi. Tila nag-e-enjoy naman si Mike sa ginawa ng babaeng iyon.
Dito pa talaga nag-public display of affection ang mga ito. Nakaramdam siya ng sobrang inis sa kanyang nakita. Nasasaktan na rin siya hindi pa niya kaya ipaliwanag basta 'yon ang naramdaman niya. Aba! matindi! pagkatapos siya ni Mike halik-halikan noon ay nawala na lamang na tila isang bula. Nang nagdaang gabi ay muntik niya na naman ma hampalos ng baseball bat dahil ang buong akala niya ay pinasok na siya ng magnanakaw. Pagkatapos siyang kabahan ng matindi , nagawa pa niyang ipagluto ito. Subalit tinulugan lang din siya nito. Kinabukasan naman ay animo'y bula naman na nawala na hindi nga nagawang magpaalam nito sa kanya.
Hindi na siya nag dalawang isip pa.Hinakbang niya ang kanyang mga paa at saka tinungo ang kinaroroonan nila Mike at ng babaeng kasama nito. She don't care kung sino man na pontio pilato ang kasama ng binata.
"Hello, Mike. Nakatulog ka ba nang maayos sa bahay kagabi?" tanong niya rito nang makalapit na siya sa mga ito.
Tila nabigla naman ang babae sa tinuran niya.
Lumapit siya kay Mike.Wala siyang pakialam sa babae na nakatingin lamang. "Gusto mo bang ituloy natin ang naudlot nating date noon? or else ang naudlot nating gagawin sana kung hindi ka natulog? O baka gusto mo pa na pumunta tayo sa malamig na lugar? Hindi mo na rin ako kailangang pilitin dahil kusa naman akong sasama kung saan mo gusto." Pinalakbay pa niya ang kanyang mga daliri sa bahagi ng braso ni Mike na exposed.
BINABASA MO ANG
Love and Hope
De TodoThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer