NANG tumawag si Airine sa Iloilo, nagdadaldal agad ang kanyang ina tungkol kay Mike.
"Pagbigyan mo na siya anak.Huwag mo nang pakawalan si Mike.Kung hindi, pati ang kuya Anton mo ayagagalit na sa 'yo." Anang Ginang.
Tumawa siya sa narinig . "Mama, salamat sa inyo ni Kuya, ha? Ang saya-saya ko ngayon. Puwede na ba akong mag-asawa?"
"Darwin, mag-aasawa na raw ang kapatid mo!" Sigaw nito sa kabilang linya.
"Nag-propose na ba? Baka mamaya ay false alarm pa 'yan at umiiyak ka na nama, Airine!" Naririnig niyang sigaw rin ng kapatid niya sa background.
"Uupakan ko 'yang Rivera na 'yan kapag nakita ko," sabi pa ni Anton mula sa background.
"Narinig mo ang kuya mo, Airine? Naka-loudspeaker itong cellphone."
"Narinig ko, Mama." Napangiti siya. "Kuya, itatali ko na nga eh. Abogado kaya ang bestfriend ko. Marami siyang kilalang judge."
"Magaling kung ganoon, sis. Magkakapamangkin na ako!"
"Hindi pa, Kuya. Saka na kapag kasal na kami."
"Tama nga 'yan, anak. Pero huwag mong pigilan kung gusto nang mag-advance," turan ng kanyang Mama.
Tumirik ang mga mata niya. Kahit kailan kunsintidora talaga ng kanyang ina.
"Mama naman," nakaingos na sabi niya. Pero nakangiti nang malapad. But come to think of it, excited na rin siyang magka-baby.
Tinapos na niya ang pakipag-usap sa kanyang ina at kuya Anton. Masaya dahil napaka-supportive ng kanyang pamilya. Wala man lang pagtutol sa desesyon niyang mag-aasawa na.
NAPANGITI si Airine habang tinitingnan niya si Mike na karga ang anak ng pinsan niya. Inimbita niya ito na pumunta sa bahay ng pinsan niyang si Carla para makilala ito ng iba pang kamag-anak nila. Akala nga niya ay tatanggi ito pero agad itong pumayag. Mukhang nag-e-e-enjoy naman ito lalo pa sa pakikipaglaro sa pamangkin niya na halos isang taong gulang pa lang.
"Kargahin mo rin siya," sabi ni Mike.
"Ayoko nga. Baka maihulog ko pa si Lux. Mukhang sanay na sanay kang mag-aalaga. Don't tell me, may experience ka na sa pagiging isang ama," biro niya rito.
"Mahilig lang ako sa bata. Huwag kang mag-aalala, wala pa akong panganay. Tayo ang gagawa ng panganay ko." Nakangiti na sabi ni Mike.
Iningusan na lamang iyon ni Airine. Hindi niya alam kung paano niya tugunin ang sinabing iyon ni Mike sa kanya. At saka hinampas ito sa dibdib na siyang ikinatawa na lamang nito.
"Mike, akin na muna si Lux. Nakakahiya naman at ikaw ang nag-aalaga sa kanya." sabi ni Ate Carla ng makalapit na ito sa kanila.
"Okay lang, Ate. Nag-e-enjoy naman ako sa pag-aalaga kay Lux." sagot naman ni Mike.
"Baka gusto mo na rin magkaroon ng sariling baby," sambit ni Ate Carla na may malapad na ngiti naka paskil sa mga labi nito.
Nagkatinginan silang dalawang ni Mike. Hindi niya maiwasan mamula dahil doon. Tinawanan sila ng Ate Carla niya kaya Naiinis na pinalo niya ito sa hita.
"Lux, halika na." Kinuha ng Ate Carla niya si Lux.
Hinalikan pa ni Mike, si Lux sa noo bago ito binigay sa Ate niya.
"May naiinggit na isa diyan, Mike , " nanunudyong sabi ng Ate Carla niya at saka inginuso siya.
Mabilis naman siyang hinalikan ni Mike sa isang pisngi niya kahit nasa harap sila ng pinsan niya at ng mga magulang nito. Bawat araw na magkasama sila ni Mike ay marami siyang bagay na nalalaman tungkol dito. Gaya na Lang ng pagiging magiliw nito sa bata, ang pagiging sweet nito. Akala niya ay walang ganoon side ito dahil napakaseryoso nito noon . Nalaman din niyang hindi ito kumakain ng keso. Nalaman niya iyon nang minsan ipinagluto niya ito ng spaghetti na maraming cheese. Naiinis pa nga siya rito dahil hindi talaga nito iyon kinain kahit pinaghirapan niya. She didn't know he was that picky about food dahil ang kuwento sa kanya ni Nathalie ay ito ang pinakamatakaw sa pagkain.
MATULIN LUMIPAS ang mga araw. Natapos na ang passes ni Mike. Kailangan niya uli bumalik sa Jolo kung saan siya na distino.
"Oh! bakit ganyan ka kung makatingin?" Tanong ni Airine. Napansin niya kasi na kanina pa siya nito tinititigan.
"Kailangan ko na kasi umalis ulit,eh. Duty... " malungkot na turan ni Mike.
"Alam ko naman 'yon, eh. Duty," tugon naman ni Airine. Halatang mas malungkot ang boses niya. Lalo' t nababanaag sa mukha niya ang kalungkutan.
Wala naman kasi siyang magagawa isang sundalo si Mike. Kailangan nitong magserbisyo sa bayan. Naiintindihan naman niya iyon ngunit hindi pa rin ni Airine maiwasan na magiging malungkot.
"Babe, babalik naman ako agad. Sa pagbalik ko pakasal na tayo." Pampalubag loob na sabi ni Mike. At saka hinawakan ang ilalim ng baba ni Airine upang pumantay ang kanilang mga mukha.
"Alam ko naman na babalik ka, Babe. Dito lang naman ako, naghihintay sa pagbabalik mo."
"Mag-iingat ka dito habang wala pa ako, pangako babalik ako agad, Babe."
"Ikaw ang dapat mag-ingat kapag nandoon ka na sa area ni'yo."
"Pa-huge nga," nakangiti na sabi ni Mike. Niyakap naman niya ang dalaga. Kung puwede niya lang pigilan ang paglipas ng mga araw malamang ay ginawa na niyon upang makasama pa ng matagal ang kasintahan. Ngunit alam niya na darating ang araw na aalis siya ulit upang bumalik ng Mindanao.
Kailangan niyang bumalik dahil sa mahalagang misyon na nakalaan sa Tropa na siya ang Team leader. Hindi niya na sinabi kay Airine ang tungkol sa lakad nilang operasyon. Kung sasabihin niya rito, tiyak na mag-aalala ito ng sobra para sa kanya. At ayaw naman niyang mangyari iyon.
JOLO SULO-MARINES CAMP
Hating gabi nang dumating si Mike sa kampo ng Marines. Sinundo siya ng mga kapwa niya sundalo sa Pantalan ng barko. Para sa ganoon ay maka-iwas sa kung ano man na masamang mangyayari habang pabalik ng kampo.
"Mego, bumalik ka na agad?" Tanong ni Bjhay. Papungas-pungas na bumangon ito mula sa hinihigaan nito at kinusot-kusot pa ang kanyang mga mata. Dahil sa inaantok pa rin.
Nagising kasi ito ng naupo si Mike sa kanyang tulugan na nasa baba ng tinutulugan din ni Bjhay. Double dick kasi iyon nasa taas si Bjhay natutulog. Si Mike naman ang nasa ibaba.
"Oo, Mego. Pasensya ka na kung nagising pa kita." Hinging paumanhin niya. At saka naupo sa tinutulagan niyang dick.
"Okay lang, Mego. Kakaidlip ko lang naman. Duty ko kasi kanina at saka medyo natagalan dumating si Sarge Gavillanes." Ani Bjhay, bumaba ito mula roon sa tinutulugan. Pagkatapos niyon ay naupo sa dick ni Mike.
Maya 't maya pa ay bumukas ang pinto. Bumungad sina Rusthy, Alfie at Jeff. Pumasok naman ang mga ito sa layason kung kaya ay sobrang ma-iingay na naman silang magkakaibigan.
"Sarge... I misss you!" Sigaw ni Rusthy habang tumatakbo ito palapit sa kinaroroonan ni Mike.Habang ang nakabukaka ang dalawang mga braso nito nakahanda na upang yakapin si Mike.
Naiiling at natatawa na lamang si Mike sa ginagawi ni Rusthy. Kahit kailan ay loko-loko pa rin ito. But Rusthy is his buddy.Kasama niya ito sa lahat nang mga lakad nila, maliban lang kung makipag-date siya noon. Hindi niya na ito kasama dahil panira lamang ng moment. Umiwas siya sa sugod na iyon ni Rusthy. Natatawa naman sina Jeff, Alfie at Bjhay.
"Nakakapagtampo ka naman, Sarge. Malapit ka lang ikasal. Hindi mo na ako love." Tila naghihinampong na wika ni Rusthy.
"Don't worry, Bok. Love ka pa rin namin." Sabi naman ni Jeff na ang boses ay gumaya ito sa boses ng isang bakla at saka kinampay pa ang kanang kamay sa ere para maging mukhang bakla talaga ito.
Malakas naman na tawanan ang maririnig sa silid na iyon.
"Maiba ako. Kumusta naman ang pamilya mo, Cheng?" Tanong naman ni Alfie.
"Okay, lang naman sila, Cheng. Si Papa malapit na rin mag-retired sa serbisyo," sagot naman ni Mike.
"Si Airine, nag-propose ka na ba?" Tanong naman ni Bjhay.
Nang marinig ni Mike ang pangalan ng kasintahan 'di maiwasan na mapangiti siya. Kasabay no'n ang pagningning ng kanyang mga mata.
" Hmmm..." tikhim ni Rusthy. Na may malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito. "Iba na talaga kapag-in love, anoh? Daig pa ang chekiting. " Panunudyo pa nito.
"Intindihin ninyo na lang si Bok Mike. Parang hindi ni'yo pa naranasan kung paano ma-Inlove," sabad naman ni Jeff. "Propose ka na ba?" ulit niya sa tanong ni Bjhay kanina lang.
" Oo, mga Bok. Nakapag-propose na ako. " nakangiting saad ni Mike.
" Kaya pala kung makangiti ka Bok, wagas, " natatawang wika ni Alfie.
" Ano, tinanggap naman ba? pumayag na? " tanong naman ni Rusthy.
"Oo, naman. Sa pagbalik ko magpapakasal na kami. Invited kayo lahat." Si Mike.
"Buti naman at pumayag, Bok. Ano na natapos na ba ang asalan portion ?" Pagbibiro na sabi ni Jeff.
"Sympre Bok, Basta Marines hindi inaayawawLoko ka, Bok. Ibang usapan na 'yan. Si Airine na ang pinag-uusapan natin." Si Mike na pakamot-kamot sa sariling ulo.
"Maiba ako, seryosong usapan. Kung ganoon Bok hindi ka na puwede sumama sa lakad natin. Ayon sa pamahiin pinagbabawal na sumabak sa kahit ano man na misyon ang malapit ng ikakasal dahil sa baka may masamang mangyayari.Gaya na lang sa bride bawal daw iyon isuot ang damit pangkasal dahil sa baka hindi matuloy ang kasal." Seryoso na saad ni Rusthy.
"Bok, naniwala ka naman sa mga pamahiin na 'yan. Kung oras ko na mawala sa mundong ito. Oras ko na talaga iyon. Pero huwag naman sana dahil ayoko rin naman maiwan si Airine at saka Ayokong masasaktan siya kapag nangyari iyon. Alam niyo naman kung gaano ka-importante ang misyon nating ito. Kailangan ko talagang sumama sa lakad na'to..." Sagot naman ni Mike.
"Pagdasal natin na magiging maayos at matagumpay ang misyon natin," pampalakas loob na sabi ni Jeff.
"Ngayon pa ba tayo kakabahan? eh. Maraming bala na ang nalagpasan natin." Si Alfie.
Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/51766030-288-k630750.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Hope
De TodoThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer