LOVE AND HOPEWritten by: DreamerCHAPTER FIFTEENTH

705 19 0
                                    

  ALAS -OTSO ng gabi ay naghahanda na sila Mike at ang grupo ng Force Recon ang special force ng Philippines Marines Corps. Siyang pinamumunuan ni Mike. May kalayuan pa man din ang kanilang lalakarin patungo sa nasabing kota ng mga bandidong grupo. Kung kaya ay maaga pa lamang inihanda na nila ang kanilang mga gamit na kailanganin .

Kasalukuyan sinusukbit ni Mike sa likod niya ang kanyang backpack. Mga importanteng gamit ang laman ng bag niya kagaya na lamang ng mga bala, granada at baril maliban sa sukbit niyang baril.

"Sarge, sigurado ka na ba talaga na gusto mong sumama?" Maya't maya na tanong ni Jeff. Naghahanda na rin ito ng mga gamit nito.Nilalagay sa sariling backpack din.

"Oo, Sarge. Sigurado na ako. Mahalaga ang lakad nating ito at hindi ko puwedeng palagpasin ang pagkakataong 'to." Detirminadong sagot naman ni Mike. Tiningnan niya si Jeff at saka nginitian niya ito. "Nandiyan ka naman ' di ba? Alam ko naman na magaling kang doctor kaya kung ano man ang mangyayari sa akin ay kayang-kaya mo akong gamutin at isalba mula kay kamatayan." Tinapik niya ito sa balikat.

"Hmmm...ako pa! ako magaling?" sabay turo ni Jeff sa sarili. Nakasalubong ang makakapal na kilay nito.

"Alam ko naman na gustong-gusto mong binobola kita," nakangisi na saad ni Mike. Sabay suntok sa balikat ni Jeff ngunit mabilis ito nakailag kung kaya sa hangin na lamang ang suntok na iyon.

NAKA-READY NA ang buong tropa ng Force Recon. May kalayuan din ang nilalakad ng buong tropa. Mahalaga ang misyon ito sa buong tropa ng Force Recon. Dahil nasa pangangalaga ng mga bandidong grupo ang mga foreign mountaineers. Dinukot ng mga'to nang makailan lang. At hinihingian ng malaking ransom ang pamilya ng mga bihag na foreigner. Pinamumuan ni Cortez ang grupo ng mga masasamang loob.

Sobrang pag-iingat ang ginawa ng buong kupunan ng Force Recon upang sa ganoon ay hindi makalikha ng ingay. Malalaking mga punong kahoy at mayayabong talahiban ang kanilang dinadaanan patungo roon sa kota ni Cortez. Subalit sa malawak na talahiban at sa gitna ng masukal na kagubatan. May mangilan-ilan na mga bahay kubo na nakatayo. Gawa iyon sa natuyong dahon ng mga talahib na pinagtagni-tagni ng sa ganoon ay maging bahay kubo iyon.

Sino ang mag-aakala sa gitna ng masukal na kagubatan ay kota pala ng mga bandidong grupo.

Umalingaw-ngaw ang apat na sunod-sunod na putok ng baril na nanggagaling mula roon sa mga kalaban. Napamura ng lihim si Mike sa kanyang sarili. Hindi pa man ay natunugan na agad ang kanilang paglusob.

Samantala sa grupo ng mga bandido ay napabalikwas ng bangon si Cortez mula sa sahig na gawa sa kahoy. Nang marinig niya ang senyalis na may mga kalaban na dumating. Kasunod no'n, "Boss, natiktikan tayo ng mga marines," humahangos na imporma ni Mario. Walang babala na pumasok dito sa loob ng bahay kubo.

"Anak ng tokwa. Ang mga hostages gamitin ni'yong gawin na pain sa mga letsugas na mga marines na'yan." Utos ni Cortez. Nanggagalaiti ito sa galit.

Kaagad naman tumalima si Mario na animo'y kasing bilis nito ang asong olol.

Si Cortez naman ay nagbabaga ang mga mata at napapagot ang mga ngipin sa sobrang galit. Lalo't nalaman niyang si Lieutenant Mike Rivera ang namumuno sa grupo ng force recon.

Malakas na putukan at umalingaw-ngaw mula sa mataas na kalibre ng mga baril. Nagpapalitan ng mga bala ang magkabilaang grupo. Ang grupo ng Force Recon at ang mga bandidong grupo.

Naka-undercover si Mike sa malaking punong kahoy ng sandaling iyon. Nang narinig niya ang malakas na sigaw mula sa kinaroroonan niya. Hindi siya magkamali at kilalang-kilala niya kung sino man ang nag mamay-ari ng boses na iyon.

"Anak ka ng pating Rivera. Kahit kailan tinik ka sa landas na dinadaanan ko!" Sigaw ni Cortez sa 'di kalayuan.

"Kung ako sa' yo, Cortez.Sumuko ka na lang sa ganun kahit paano ay mababawasan ang kaparusahan mo sa batas.!" ganting sigaw naman ni Mike. Matamang nakiramdam sa paligid. Patuloy pa rin ang malalakas na mga putok mula sa mga baril.

"Hangal ka Rivera. Mamatay muna ako bago ninyo mahuli. Pero bago iyon ikaw muna ang maunang makitagpo roon kay satanas!" nakangising sigaw naman ni Cortez. Habang tinatanggalan ng lapel ang granada na hawak-hawak nito. Pagkatapos niyon tanggalan ay inihagis na roon sa bandang kinaroroonan ni Mike.

Malakas na pagsabog ang nangyari. Hindi rin iyon napaghandaan ni Mike.

Maraming sugatan sa nasabing engkwentrong iyon. At marami din ang namatay. Isa na roon ang malubhang nasugatan ay si Mike.

"MIKE," SAMBIT ni Airine ng maalimpungatan siya mula sa mahimbing niyang tulog. Masamang panaginip ang siyang napaginipan niya. Pero parang totoo ang napaginipan niya tungkol kay Mike. Kasunod no'n tila tambol kung binabayo ang kanyang dibdib. Bumangon siya upang kumuha ng tubig na maiinum niya. Kahit paano ay mawala ang kaba na naramdaman niya ng sandaling iyon. Pinagpawisan na rin siya ng malamig. "Huwag naman sana...walang masamang nangyari kay Mike." tanging hiling niya.

Nang matapos na siyang uminom ng tubig ay agad din bumalik ng kanyang silid si Airine. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong lamang sa bedside table ng kanyang kama. Tiningnan niya iyon kung mayroon siyang text message galing kay Mike. Ngunit wala naman kahit isang text message. Dahil sa matinding kaba na naramdaman pa rin niya ay napagdisesyunan niyang subukan na tawagan niya na lamang si Mike . Subalit out of coverage naman ang linya ng binata. Bukas niya na lamang tatawagan ulit ito baka mahimbing narin iyon natutulog. Humiga na lamang muli si Airine upang matulog muli. Madaling araw pa lang at medyo may kahabaan pang oras bago mag-umaga.

SAKAY NG CHOPPER THIRTY-FIVE ng Airforce. Kaagad siyang dinala sa Biluna hospital sa Maynila. Dahil hindi kayanin ng mga doctor sa Zamboanga ang mga sugat na natamo ni Mike. Nang dumating na sa Hospital ay kaagad pinasok si Mike sa emergency room. Maraming dugo ang nawala sa katawan nito. Nawalan din ito ng malay tao.

Tinawagan naman ni Bjhay si Heneral Rivera na ama ni Mike. Para ipaalam dito ang nangyari kay Mike. Wala pang isang oras ay dumating din ito.

Humahangos itong dumating 'ni hindi nga nagawang magpalit ng damit dahil nakapantulog na damit pa rin ang suot nito.

Sinalubong din ito ni Bjhay ng makita niyang papunta na sa kanyang kinaroroonan si Heneral Rivera.

"Bjhay, si Mike? kumusta na ang anak ko?" sunod-sunod na tanong ni Heneral Rivera . Nang magkaharap na sila ni Bjhay. Kitang-kita niya na maraming dugo ang damit ng batang Lieutenant.

Tiningnan naman ni Lieutenant Bjhay, si Heneral Rivera. Na puno ng pag-alaala ang nababanaag sa mukha nito. "Sir, nasa operating room sa ngayon si Mike."

Maya't maya pa ay lumabas na ang doctor na siyang nag-aasikaso kay Mike.

"Doc kumusta na ang anak ko?" Tanong din agad ni Heneral Rivera, rito sa doctor ng makalapit na ito sa kanilang kinaroroonan.

"Heneral Rivera, kailanganin ni Mike ng dugo. Kailangan masalinan siya kaagad dahil kung hindi baka mahuli na tayo para mailigtas ang kanyang buhay. Maraming dugo ang nawala sa kanyang katawan." walang paligoy-ligoy na saad ng doctor.

"Anong type ng dugo ang kailanganin para masalinan si Mike?" sabad na tanong ni Bjhay.

"Type AB," sagot naman ng Doctor.

Nakita ni Bjhay na bigla na lamang umiba ang nakalarawan sa mukha ng butihing Heneral. Laglag ang mga balikat nito.

"Doc, puwede po ako na maging donor ni Mike. Type AB din po ako," sabi ni Bjhay.

"Kung gayon ay gagawin na natin ang ilang tests para makuhaan na kita ng dugo at masalinan na rin si Mike." sagot namng Doctor.

"Bjhay... Mukhang delikado sa kalusugan mo na makuhaan ka ng dugo. Wala ka pang tamang pahinga." pag-aalaala na turan ni Heneral Rivera.

Ningitian naman 'to ni Bjhay. "Mas mahalaga po sa ngayon ang buhay ng pinakamatalik kung kaibigan , Sir. Kailangan niya ng tulong mula sa 'kin." Nakangiting tugon naman ni Bjhay.

Tinapik ni Heneral Rivera sa balikat si Bjhay. "Salamat Bjhay. Napakabuti mong kaibigan" maluha-luha na sambitla ni Heneral Rivera.

"Sumunod ka na sa akin Lieutenant Bjhay. Nang sa gano'n ay maisagawa na natin ang mga tests na gawin natin sa' yo. Pagkatapos niyon ay puwede na natin maisalin kay Mike ang dugo mo. ." .mahabang wika ng Doctor.

Nagpaalam na muna si Bjhay dito. At sumunod na rin siya sa laboratory room.

Isinagawa kaagad ang ilang blood tests . Sa awa ng Dios ay nagka-match ang dugo nila Bjhay at Mike. Walang oras na inaaksaya kaagad kinuhaan ng dugo si Bjhay. At sinalinan din ng dugo si Mike. Sa iisang kuwarto lang sina Bjhay at Mike. Ngunit si Mike ay wala pa rin malay tao at may mga tubo at aparato na naka kabit sa katawan ni Mike. Masyado na rin ito maputla ang itsura nito. Habang tinititigan ni Bjhay ang kanyang matalik na kaibigan ay awang-awa siya rito. Habang nakikipaglaban ito para sa buhay niya.

Pinutol na rin ang isang binti ni Mike na siyang matinding tinamaan.

Mabubuhay pa kaya si Mike? Kung malagpasan man niya ang malaking pagsubok. Subalit paano niya tatanggapin ang kanyang sinapit?

itutuloy....  


Love and HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon