TATLONG BUWAN na ang nakalipas simula nangyari ang malaking trahedya sa buhay ni Mike. Kasabay no'n ay pakiramdam niya nasira na rin ang buong pagkatao niya. Nawawalan na rin siya ng pag-asa na mabuhay pa. Hindi niya matanggap ang kanyang sinapit pagkatapos ng bakbakan na iyon at naging dahilan ng pagkalumpo niya. Sa loob ng tatlong buwan pakiramdam niya ay tila isa siyang patay na buhay. His still in recovery from that accident. Nagpapagaling pa rin siya dahil sa hindi pa rin gaano gumaling ang mga sugat na tinamo niya sa bakbakan na iyon. Lalo't ang kanyang binti na 'di pa masyado gumaling. Pinutol na kasi ang isang binti ni Mike, siyang matinding tinamaan ng Granada na pinasabog. Pinutol ang binti niya kapag hindi ginawa iyon ay may posibilidad na mauwi sa bone cancer. Kaya habang maagapan pa at makaiwas agad ay ginawa na lamang ang nararapat na gawin ng sa ganoon ay makaiwas si Mike sa sakit na bone cancer.
Pakiramdam niya ay isa na siyang inutil na hindi mapakinabangan. Hindi pa rin alam ni Airine ang trahedya na nangyari sa kanya. Nakiusap si Mike sa kanyang pamilya na huwag na lamang sabihin sa dalaga ang totoong kanyang sinapit. Mas gustuhin niya na lamang na iisipin ni Airine na niloko at sumama siya sa ibang babae. Nang sa ganoon ay galit ang maramdaman ni Airine sa kanya. Mas gustuhin pa niyang magalit iyon sa kanya at kamuhian siya ng dalaga kaysa naman makita niya 'to na naaawa ito sa kanya.
Sa tulong ng kanyang ama at kapangyarihan nito sa Military service. ' Ni kahit anong balita mapa news paper, television at radyo man ay mahigpit pinagbawal ni Major Heneral Rivera. Hindi makalabas sa kahit anong pahayagan ang nangyari kay Mike. Kaya naman nanatiling tikom ang nangyari sa batang Lieutenant Rivera.
SA LOOB ng tatlong buwan ay malaking palaisipan kay Airine ang biglaan na pagkawala ni Mike. Hindi man lang nito nagawa na makipag-communicate pa sa kanya. Nabalitaan niya na rin ang tungkol sa ingkwentro naganap sa pagitan ng mga military at bandidong grupo . Siyang kinisawi ng Maraming tao kalakip na roon ang pinuno ng grupo na si Cortez.
Sinubukan niya na rin na magtanong sa pamilya ng binata. Subalit ang palaging sagot sa kanya ay hindi naman daw nakasama si Mike. At saka malamang may mahalagang ginagawa iyon kung kaya ay hindi pa 'to nakipag-communications sa kanya. Nababahala na rin si Airine. Papalapit na ang buwan na itinakda para sa kasal nila ni Mike. Halos lahat ay naasikaso na ni Airine. Pero paano matutuloy ang kasal na iyon kung hanggang ngayon wala pa rin siyang balita kay Mike. Animo'y bula iyon na bigla na lamang nawala.
Naisip niya tuloy na baka nagbago na ang disesyon ni Mike. Hindi na ituloy nito ang pagpapakasal nito sa kanya. May ibang babae na si Mike na mas minahal nito kaysa kanya. Kadalasan naman kasi iyon ang nangyari kapag isang sundalo ang kasintahan pabago-bago raw ng babae. Kapag nagpapalit daw ng babae tila ay parang brief lamang iyon na ang bilis nilang magpalit ng babae. Ngunit may isang bahagi ng kanyang isip ang kumukuntra. Kilala niya si Mike, hindi nito kayang gawin ang mga pposibilidad na naiisip niya. At alam niyang mahal na mahal siya ng binata.
Nakapag-decission si Airine na pumunta sa bahay ng mga Rivera. Susubukan niyang magtatanong muli tungkol kay Mike.
Nasa bahay na siya ng mga Rivera nang mga sandaling iyon. Kung kinakailangan pa niyang lumuhod sa harap ng mga magulang ni Mike ay gagawin niya para lang masabi ng mga ito ang gusto niyang malaman. Kung nagbago man ang isip ng binata at may ibang babae ng napupusuan ito ay maluwag niyang tanggapin iyon kahit na nangangahulugan iyon nang pagkawasak ng kanyang puso. Gusto lamang niya malaman kung ano talaga ang dahilan ng binata na nagawa nitong tiisin siya sa loob ng tatlong buwan na kahit 'ni hay, 'ni hoy ay wala.
Tumayo siya at nakipagbiso-biso rito kay Tita Alexa ng puntahan siya dito sa sala.
Magiliw itong ngumiti sa kanya ng parehas na silang nakaupo sa sofa na nasa sala. Gumanti naman siya ng ngiti sa butihing Ginang.
![](https://img.wattpad.com/cover/51766030-288-k630750.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Hope
RandomThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer