LOVE AND HOPEWritten by: Ashlie DreamerCHAPTER TEN

729 18 0
                                    

  PABAGSAK SIYANG Humiga sa malambot niyang kama.Ngitngit pa rin ang loob niya sa ginawa ng binata. 'grrrr...imature pa rin,' aniya sa sarili.Wala na rin siyang balak na lumabas pa ng kuwarto.Ang pinagtataka niya lang ay sa ganitong dis oras ng gabi nandito 'yon? Dapat doon si Mike umuwi sa malaking bahay ng mga magulang nito.

Napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkahiga niya nang maalaala ang sunod-sunod na tunog ng cellphone niya kanina.Dali-dali niya iyon kinuha na nakapatong lamang doon sa bedside table. Nang tiningnan niyon kung kanino galing ang mga text messages na natanggap niya. Ang lahat ng mga iyon ay galing sa kanyang Mama Riecel. Ayon dito , doon nanggaling si Mike sa kanila. Ang ibig sabihin no'n ay dumaan si Mike sa Iloilo.Bago napunta dito? Pero bakit naman? Ano ang kailangan nito sa kanya? Naging puzzles tuloy iyon sa kanyang isip.

Bigla na lamang siya nakaramdam nang kunsensiya.Nabanggit ng binata kanina na nagugutom daw iyon kung kaya ay nakialam na kung anong mayrun na pagkain sa loob ng fridge.

No choice na siya kung 'di lumabas para ipagluto ng makakain si Mike.Huwag niya na lang pansinin ang pagka-immature nito.Nagpalit na rin siya ng damit nang sa ganoon hindi na masilip ng binata ang kanyang kaluluwa.Subalit hindi pa rin maiwasan na uminit ang kanyang mga pisngi sa nangyari kanina dahil sa pagmamadali niya.Hindi niya tuloy na-aalaala na magsuot ng roba.

Nasa kusina na siya nadatnan niya si Mike na nilalantakan pa rin nito ang mango float.Halos malapit na iyon makalahati ang firex na nilagyan niya.

"Nagugutom ka pa rin?" concerned na tanong niya rito sa binata.

Umangat naman ito ng mukha at saka tiningnan siya nito. "Hindi naman masyado.Masarap lang kasi ito." Sabay taas ng platito. "Pero Airine bakit kulang yata ito sa tamis at may nalasahan ako na medyo mapait?" nakangisi na turan ni Mike, sumubo pa ito uli.

Hindi niya alam kung sadyang inaasar pa rin siya nito o ano.Ang lakas talaga nang tama nito, eh.Okay na sana 'yong unang kumento dahil alam naman niya na masarap ang ginawa niyang mango float pero bumawi naman ito sa huling sinabi nito.

Lumapit siya sa lamesa. "Huh, kulang pala sa tamis at lasang mapait, hah!" nakataas kilay na sabi ni Airine.Sabay kuha ng pirex na iyon.Nilayo niya ang pirex mula rito sa binata.

"Airine naman.Kumakain pa ako.Eh." Reklamo ni Mike, sabay kamot sa kanyang batok.

"Trespassing ka na nga.Nakikikain ka pa.Ikaw pa 'tong reklamador." Naiinis na wika niya rito. Kailangan niya yata ng maraming pasensiya na i-charge para sa ginagawa nito na pagsabotahe sa kanya. Sabotahe nga ba ang tawag sa mga pinaggagawa nito sa kanya? Na habang nakatingin si Mike sa kanya ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib.Tila ba may mga rabbit na naghahabulan doon dahil sa bilis ng pagtibok ng puso niya.

Huminga siya nang malalim para nang sa ganoon mabawasan ang abnormal na naramdaman niya nang mga sandaling iyon. "Balak pa sana kita ipagluto," aniya na naiinis dito sa binata.

"Huh! ako trespassing?" Mike rolled his eyes.Sabay turo sa kanyang sarili na nakangisi.

"Oo, trespassing ka.Kahit na pag-aari pa ng mga magulang mo ang bahay na ito.Dapat marunong kang mag-doorbell bago ka pumasok dito sa loob," nakataas ang isang kilay na sabi niya.

"'Yon ba ang sabi nila sa'yo?" Out of curiosity na tanong ni Mike. Sobrang saya niya kanina nang malaman na dito na rin pala nakatira si Airine. Hindi niya na kailangan pa na hanapin ito.Dahil animo ay umaayon sa kanya ang situation. May naamoy siyang mabango kapag inihambing niya sa masarap na pagkain sa ginawa ng mga magulang nila. Kung puwede lang gusto niyang magbunyi ngayon sa isipin na iyon ngunit masyado pang maaga para roon.

"Look, Airine. Kung nag-doorbell pa ako. Ma-distorbo pa kita. At saka may sariling susi naman ako. Kaya no need na mag-doorbell pa ako." Masuyong saad ni Mike.

Binggo! sa loob ng isang buwan na passes ni Mike ay magkakasama sila ng dalaga. Dito mismo sa pamamahay niya. Wish! lang ni Mike. Sana hindi war frake ang magaganap sa pagitan nila, sa bawat araw na magkakasama silang dalawa ni Airine.

Ngumiti si Mike dito. 'Yong klasi ng ngiti na kung hindi mahigpit ang kapit ng garter ng panties. Eh, sigurado malaglag na sa pamamaraan nang mga ngiti nito.

"Talaga! ipagluto mo ako, Babe?" natutuwang wika ni Mike.

"Heh! Babe ka diyan!" asik ni Airine. "Sana...Pero biglang umiba na ang isip ko. Goodnight, matutulog na ako." Nakasimangot na sambitla niya.Sabay hakbang ng kanyang mga paa para lisanin na ang kusina.Subalit Hindi pa nga siya tuluyan nakalabas doon ay nagsalita uli si Mike.

"Airine, nagugutom pa ako. Please ipagluto mo na ako. Promise, mag- behave na ako." Saad ni Mike. Pero sa totoo lang totally full na ang tiyan niya.Gusto pa niya kasi makasama ang dalaga. He missed terible this girl in front of him. Kung may karapatan lang siyang yakapin at paliguan ng halik ito, sigurado na kanina pa niya iyon ginawa. Ngunit wala siyang karapatan na gawin iyon.Kapag ginawa naman niya na yakapin at halikan ang dalaga. Tiyak nakakatakot na giyera ang mararanasan niya mula kay Airine. Gagawin na lamang niya ang lahat na efforts para lang mahuli niya ulit ang loob nito. Fuck shit lang kasi ang ginawa niyang pakialaman ang diary nito noon.Hindi pa 'yon sinabotahe pa niya ang relasyon ng dalaga sa first boyfriend nito. Ang malas lang niya dahil nalaman din iyon ni Airine.

Huminto naman si Airine sa paglalakad niya.Lumingon doon sa kinaroroonan ng binata. "Sigurado ka?" tanong niya rito. Gusto niyang matawa sa nakikita niyang expression nakalarawan sa mukha nito.Ngunit pilit niya iyon pinipigilan dahil kapag tumawa siya sa harap nito ay malamang pagtatawanan lamang siya nito. Iyon ang pinakaayaw niyang mangyari na pagtatawanan lamang siya nito.She's trying to do her best. Gusto niyang pantayan ang pang-aasar na ginagawa nito sa kanya.

"Yeah...siguradong-sigurado.Behave na ako." Nakangiti na turan ni Mike. Tinaas pa sa kawalan ang mga kamay nito. Ang cute lang ni Mike tingnan sa ganitong ayos.Imagine si Lieutenant Mike Revera. Mukhang bata na hindi binigyan ng lollipop!

Hindi bagay sa'yo." natatawa na sabi ni Airine. Hindi niya na mapigilan ang 'di matawa dahil sa itsura ng binata.

Ngayon niya lang uli narinig na tumawa ito.'Yong paraan ng tawa nito na nakakahawa. Palagi na lang kasi siyang tinatarayan at naging aloof ang dalaga at palaging naaasar sa kanya. Nang mabasa niya ang mga nakasulat sa diary nito noon.

"Hey, ano ba ang nakakatawa?" Si Mike,makikita ang amusement sa mukha nito.

"Eh, ang pangit mo kaya tingnan.Para kang totoy na hindi mapaihi." hagikhik na sagot ni Airine. Gumaganti eh!

" You're wrong lady. Ang cute ko kaya tingnan," sabi nalang niya.Ayaw niya patulan ito. Kapag ginawa kasi niya iyon.Baka magbago pa ang mood nito. Kaya stay foot na lamang siya.

"Airine," he give a warning look to her. Na siyang tinigil din ng dalaga.

"Okay, okay.Sige na....Doon ka muna sa sala.Huwag ka mag-stay dito sa kusina.Tawagin na lang kita kapag natapos ko na ang pagluluto." Halos ipagtulakan na ni Airine, ang binata palabas dito sa kusina.

Nang matapos na siyang magluto ay dinala na niya iyon sa lamesa. Chicken alfredo ang niluto niya. Madaling lutuin kasi iyon at alam niyang paborito rin iyon ni Mike.

Matapos niyang i-set up sa lamesa.Lumabas na siya ng kitchen upang tawagin si Mike, nang savgano'n ay makakain na ito.vNgunit nadatnan niya na natutulog na ito sa mahabang sofa at saka naghihilik pa ito. Alanganin naman siya kung gigisingin pa ito. Siguradovsiya na pagod ' to sa byahe.

Lumapit siya dito at saka tinititigan ito habang natutulog.Partikular ang mukha nito.Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nang pumunta ito ng Iloilo noon? Pagkatapos ng mahabang taon na nagdaan.

Maamo ang mukha nito habang natutulog. Pero kabaliktaran naman kapag gising ito dahil sa tuwing magkaharap sila ay palagi na lang siya nito inaasar.Kung tutuusin pa nga ito pa ang may kasalanan noon sa kanya.

Habang tinititigan niya si Mike.Nakikita niya na rin na medyo mahabang na ang balbas nito.Ngunit hindi naman iyon nakabawas sa ka guwapuhan taglay nito.Mas lalong ma-appeal pa nga ito tingnan.Pero mas guwapo ito kapag malinis ang mukha nito na Wala balbas. Ang mapupulang labi nito na tila bang inaanyayahan siyang halikan ito.Bago pa niya napigilan ang sarili .Pinasadahan ng kanyang mga daliri ang mga labi ni Mike. Bingo! Kumilos si Mike. Napakislot siya bigla nang kumilos ang binata .Nakapaskil ang ngiti sa mga labi nito. Pero nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito. Sunod-sunod naman ang paghinga ang ginawa niya.

Itutuloy....  


Love and HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon