"ANONG NANGYARI DOON? Mukhang hinahabol 'yon ng delubyo." Bungad na tanong ni Anton.Nang pagbuksan sila nito ng pinto.
Kamot sa batok naman si Mike. "Ayon mukhang may sumpong na naman," sagot ni Mike.Nakasunod pa rin ang tingin niya sa dalaga na mabilis ang ginawang paghakbang nito paakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
" Tol, inum mo na lang 'yan," nakangisi na turan ni Anton.Sabay abot nito ng bote ng beer sa kanya.
Pinagbigyan niya ito.Isang bote lang naman.At saka dito niya na hihingin ang number ni Airine na pinagdamot nito sa kanya kanina ng nasa restaurant pa sila ng dalaga.
Hindi naman paligoy-ligoy si Anton.Kinuha nito agad ang kanyang cellphone na inabot niya rito.Pangisi-ngisi naman si Anton nang matapos malagay ang number sa phone book ng cellphone niya.
"Diyata't totohanan na 'yan, ah.Liligawan mo na talaga si Airine?" Tanong ni Anton.
"Okay lang naman yata sa inyo ni Tita Riecel, kung liligawan ko na si Airine." Tugon naman niya rito.
Tinapik siya nito sa kanyang balikat sa kaliwa banda. "Ikaw na ang bahala.Ang pakiusap ko lang Tol, sana huwag mong papaiyakin ang kapatid ko," seryoso na sabi ni Anton.
Naiintindihan naman niya ang ibig ipahiwatig ng matalik niyang kaibigan sa kanya.Concerned ito sa damdamin nang nag-iisang kapatid nito.May kapatid din siyang babae kung kaya ay alam niya ang point out nito.
Ngisihan niya ito. "Baka ako pa nga ang papaiyakin ni Airine.May pagiging amazona pa yata ang kapatid mo, Tol."
"Do your best para sa ganoon ay makuha mo ang loob niya.Saka huwag mo kasi inisin palagi.Alam mo naman na kapag ginagawa mo 'yon sa kanya, pikon talo rin 'yon sa' yo.Tinuturingan tuloy kayo na parang aso't pusa," sabi na lang ni Anton.
Nag-concentrate na lang sila parehas sa pag-inom ng beer.Hanggang sa naubos na iyon.Nagpaalam na rin siya dito na uuwi na sa hotel na kanyang tinutuluyan.
Nang magpaalam na siya ay kinalampag pa ni Anton si Airine sa kuwarto nito.
"Airine, aalis na raw si Mike. Lumabas ka nga riyan."
"Tulog na ako," narinig niyang sagot ng dalaga.Kahit nasa terasa siya. Ibang klasi talaga 'to natutulog daw pero sumasagot naman!
"Hahambalusin kita riyan.Kung hindi ka pa lumabas.Makita mo.Lumabas ka at mag-paalam si Mike."
Napangisi siya sa paraan ng pag-uusap ng magkapatid.Hindi pa rin ang mga ito nagbabago. Naalaala niya rin tuloy ang nakakabatang niyang kapatid na si Nathalie.Kabaliktaran naman ang pag-uugali ni Airine iyon.Si Nathalie kasi ung uri ng kapatid na malambing , sweet pero take note kapag may sumpong din iyon ay sigurado na magkakaroon ng world war three.Napapailing na lamang siya sa isipin na iyon.Ang mga babae nga naman talaga napakahirap e-explain pag-uugali meron ang mga ito.
Lumabas nga si Airine.Busangot na busangot ang mukha nito.Napuna niya na hindi na lumabas si Anton.Pero hindi na siya nagtanong.Malamang sa alamang napipilitan lang si Airine .
"Goodnight, uuwi ka na raw." sabi ng dalaga.
Tumango siya. "Goodnight din,"
"Ihatid daw kita sa kanto." Halatang labag sa loob nito iyon.
"Talaga? Hindi ko narinig 'yon, ah," biro niya.
Inirapan lang siya nito at nagpatiuna na palabas sa mababang gate.Mabilis din ang lakad nito noong nasa kalsada na sila.Malapit lang naman ang kanto, tatlong bahay lang yata ang pagitan mula sa bahay ng mga ito.Kaya hindi na siya nag-alaala na babalik ito doon na mag-isa lang.Hindi na delikado.
![](https://img.wattpad.com/cover/51766030-288-k630750.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Hope
De TodoThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer