LOVE AND HOPEWritten by : DreamerCHAPTER THIRTEEN

695 18 0
                                    

  

HABANG TINITITIGAN ni Airine ang dalawang puso at ang unang letra ng mga pangalan nila ni Mike. Nakaukit iyon sa malaking puno ng Mangga. Hindi niya maiiwasan na 'di mapangiti dahil sa kabaduyan nila ni Mike ay napagkasunduan nilang gawin iyon ng binata. Inukit nito ang dalawang puso na'yon sa malaking puno na nasa garden din mismo ng bahay ni Mike. Sa tuwing nakaramdam ng pagkabagot si Airine ang punong iyon ang nagiging tambayan niya. Lalo na tuwing naalaala niya ang binata at kapag na-miss niya na ' to ng sobra.

Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang dalawang puso na nakaulit sa punong iyon na may ngiti naka paskil sa kanyang mga labi.

Naalaala niya tuloy nang tinawagan niya no'ng nakaraan ang kanyang mama Riecel at sinabi niya rito ang tungkol sa relasyon nila ni Mike.

Ang sabi naman ng Mama niya sa kanya ay huwag niya na raw pakawalan pa si Mike. Kahit kailan napaka supportive talaga ng kanyang Mama. Minsan pa nga nagiging kunsitidura pa ito.

SAMANTALA hindi ni Mike pinasok ang kotse na minamaneho niya sa loob ng compound ng bahay. Kapag ginawa kasi niya iyon ay masisira ang mgab plano niya. Kung kaya naman ay sa labas na lamang niyon park ang sasakyan ng kanyang ama na hiniram pa niya ito kanina. Dahil ang sariling kotse niya ay naiwan dito sa bahay na pag-aari niya mismo.

May sariling susi rin naman siya sa gate at main door ng bahay kung kaya ay hindi na siya nag-abala pa na mag-doorbell.Wala naman talaga siyang plano na mag-doorbell pa dahil nga gusto niyang sorpresahin si Airine. Maliwanag pa naman ang sikat ng araw mag-alas onse ng tanghali or minus yata. Sigurado siya hindi na baseball bat ang maisalubong niya mula sa dalaga. Hindi niya maiiwasan na mapangiti kapag naalaala niya ang unang tagpo nila ng dalaga dito noon sa kanyang pamamahay.

Pipihitin niya na sana ang seradura ng pinto nang napatingin siya roon sa puno ng kahoy na nandoon sa garden. Nakikita niya na naroroon si Airine. Hindi niya na itinuloy pa ang pagpasok sa loob ng bahay. Ang pakay niya ay nandoon sa garden na nakaharap ito sa malaking puno. Naalaala pa niya ang dalawang puso na inukit niya noon na nagsisilbing puso nila ni Airine.

Dahan-dahan ang bawat hakbang ng mga paa niya at maingat ang bawat apak ng kanyang mga paa ng sa ganoon hindi siya makalikha ng ingay.

Tagumpay naman si Mike dahil kanina pa niya pinagmamasdan ang dalaga na nakatalikod mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi man siya nito napansin man lang.

Nakatayo si Mike habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa dalawang bulsa niya na magkabilaan. Tinititigan niya nang maigi si Airine. He is badly missed this girl. Sa loob ng tatlong buwan ay hindi niya ito hindi nakasama. Kahit na palagi naman sila nag-uusap sa tawagan, mapa skype man o facebook ngunit iba pa rin kapag magkasama nila ang isa't isa. Maparamdam niya rito kung gaano niya ka mahal ang dalaga.

Lumapit na siya sa kinatatayuan ng dalaga. Maingat pa rin ang hakbang ng kanyang mga paa. Nang nasa likuran na siya nito ay ginawa niyang piring ang dalawang palad niya upang takpan ang mga mata ni Airine.

"Hulaan mo kung sino ito?" Nakangiting sabi ni Mike na malapit sa tainga ni Airine.

NARAMDAMAN nalang ni Airine na may dalawang palad na ginawang piring sa kanyang mga mata. Kasunod no'n ay ang boses lalaki na nagsasalita. Ang mabining amoy nito na nagugustuhan niya dahil sa hindi iyon masakit sa pang-amoy sa ilong. At saka ang pabangong gamit nito ay kilalang-kilala niya kung sino ang gumagamit niyon.

"Hulaan mo kung sino itong na miss ko nang sobra?" wika ng boses lalaki sa punong tainga niya ang mainit na bibig nito. Na siyang naghatid na kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao niya. Tila ba may kung anong ginigising iyon. Saglit niyang piniling ang kanyang ulo upang ignorahin ang nasa isip niya.

"Hmmm...Amoy pa lang ng kamay mo at maraming kalyo. Kilalang-kilala ko na," sagot niya na nakangiti. Tila gusto na tumalon ng kanyang puso nang mga sandaling iyon sa bilis ng pagkabog nito.

Tinanggal naman ni Mike ang mga palad niya na nakatakip sa mga mata ng kasintahan.

"Puro kalyo hindi mo naman mabitaw-bitawan," nakangiting nanunuksong wika ni Mike. At saka hinawakan niya ito sa magkabilaan baywang upang humarap ito sa kanya.

Ningitian niya naman ito. "Subrang ganda ng mahal ko, ah," nakangiti na sabi ni Mike. Habang tinititigan ang mukha ni Airine.

"Ang haba naman ng hair ko." Sabay haplos sa mahabang buhok niya. "Hmmm...hindi naman ako maganda." kunwari nakasimangot wika ni Airine.

"Basta para sa akin ikaw ang pinakamaganda, Babe."

Kumalas dito si Airine mula sa pagkahawak nito sa kanyang baywang.

"Bolero!" Turan niya rito. Pinagkrus pa niya ang dalawang braso sa kanyang dibdib. Pero nakapaskil ang malalapad na ngiti sa kanyang mga labi.

Sumimangot naman si Mike nang marinig niya ang sinabi ni Airine. Tila nagtatampo raw.

"Kanina ang mga kamay ko puro kalyo ngayon naman Bolero na naman."

"Kasi naman na missed din kita," nakayukong saad ni Airine.

Hinawakan naman ni Mike ang mukha ng dalaga upang magpantay ang kanilang mga paningin.

"Alam ko...na missed din naman kita ng marami-maraming beses." At saka niyakap ulit si Airine. Gumanti naman siya ng yakap dito.

Pagkuwan nilayo ni Mike ang katawan nito mula sa kanya. Humakbang ito ng isang hakbang paatras. May kinuha ito sa kanan bulsa ng pantalon nito. Nakikita niya na tila hindi mapakali si Mike habang kinukuha niya sa bulsa kung ano man iyon. Pagkatapos niyon ay dalawang palad na ang pinagsikop nito upang takpan ang kinuha sa bulsa ng binata.

"Ano ba 'yang kinuha mo sa bulsa mo? Kailangan mo pang itago? At saka bakit hindi ka mapakali?" sunod-sunod na tanong ni Airine. Nagtataka talaga siya dahil sa nakikita niya sa kilos ni Mike na tila nababalisa.

Ngumiti naman si Mike. At saka pinakita ang hawak na kulay pula na kahita.

Hindi naman mapigilan ni Airine ang mga luha habang tinititigan ang kahitang hawak ni Mike. Hindi pa naman siya sigurado kung ano ang lam niyon but she's expected what's going on.

Binuksan ni Mike ang kahitang iyon. Bumulaga sa kanyang paningin ang kumikinang na singsing.

"Airine, hindi ko man kayang magpatayo ng mansiyon. Ang kaya ko lang na ibigay sa'yo ang bahay na tinitirhan mo sa ngayon ang kaya ko lang. Hindi ko rin kaya bumili ng magarang at bagong kotse. Hindi rin kita kayang dalhin sa Paris para doon mag-honeymoon. Ngunit ang tanging maipapangako ko ang tapat at totoong pagmamahal. Aalagaan kita hanggang ako'y nabubuhay. Miss Airine Robles, please say yes if you're ready to marry me? please..." masuyong sabi ni Mike. Habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Ang klasi ng pagkatitig niya ay punong-puno ng pakiki-usap.

Pinunasan naman ni Airine ang mga luha niya na kung umagos ay tila talon. Pilit niya naman iyon pinipigilan ngunit kusang namalisbis sa kanyang mga pisngi. Pasaway lang ng mga luha, eh!

"Mike, malaki ang mansiyon, masyadong malaki iyon.Hindi ko kayang linisin. Hindi rin naman ako marunong mag-drive ng kotse at saka marunong naman ako mag-commute. Maganda nga mag-honeymoon sa Paris pero kung hindi ikaw ang kasama ko. 'Di bali na lang. Mas gusto ko pa rin mag-honeymoon dito atleast kasama kita. Kaya, Yes! Mike...I'll marry you," Sagot naman ni Airine.

"Yes!" Si Mike na tila ayaw pa maniwala.

"Oo, Yes na," Si Airine.

"Yes!" Sigaw uli ni Mike na animo'y daig pa nanalo sa jackpot kung ano man iyon palaro. Basta ang alam niya sobrang masaya siya sa ngayon. Tinanggap ng pinakamamahal niyang babae ang kanyang proposal.

Niyakap ni Mike ang dalaga. "Pangako tapat at wagas na pagmamahal ang maipapangako ko sa'yo, Babe."

Inilang-hakbang ni Mike ang pagitan nila, saka kinuyumos ng halik ang kanyang mga labi. Ramdam niya ang intensidad ng halik nito. Hindi maitatatwa ng nagulat niyang sistema na nagustuhan niyon ang ginagawa ng lalaki. Kusang umakyat sa leeg nito ang mga braso niya para mas lumalim ang halik na iyon.

'Kung isa man itong panaginip, Lord, Ayoko nang magising , ' Aniya sa loob-looban niya. Pumikit siya nang mariin at ninamnam ang tamis ng halik na ngayon ay naging masuyo na at nangangako ng panghabang-buhay na ligaya.

Itutuloy...  


Love and HopeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon