AYAW SANA ni Mike matapos ang gabi. Kung puwede lang mapapahaba lang sana niya ang oras para makasama pa niya nang matagal si Airine ay gagawin niya iyon.
Tahimik sila hanggang sa makarating sa rooftop ng hotel.Doon ay pinanood nila ang mga ilaw na nagliliwanag sa paligid.
"Mike?" tawag ni Airine sa kanya. Pakiramdam niya ay musika iyon sa pandinig niya.The way she said his name, it was sweet.Kabaliktaran niyon ang pakikitungo nito sa kanya nang mga nagdaang araw. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang unang beses na tinawag nito ang pangalan niya.
"Uuwi na ako. Baka mag-alaala sila sa bahay na wala pa ako sa mga oras na ito," sabi ni Airine.
"Hindi ba puwedeng mamaya nang kaunti na lang?" pakiusap niya rito.
Hindi ito sumagot kaya sinulyapan niya ito. He caught her staring at him. Huli na para bawiin nito ang tingin. Nang umawang ang mga labi nito, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. Lumapit siya rito at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. Tantiyado ang kilos niya nang dahan-dahang ibabaw ang kanyang ulo para halikan ito.
Parang matagal silang hindi nagkita at sabik na sabik siya rito . Hindi naman ito tumutol nang maglapat ang mga labi nila. Sa halip, agad na tinugon ni Airine iyon. Kasunod niyon ay pumulupot ang mga bisig nito sa leeg niya.
Na-encourage siya sa ginawa ni Airine at pinagbuti pa ang paghalik dito. Maingat at puno ng pagsuyo, sa takot na baka hindi nito magustuhan ang halik na iyon.
"I'm sorry," sambit niya. Pagkuwan na baka magalit ito sa kanya.
"Sorry? Para saan? Sa paghahalik mo sa akin? Pinagsisihan mo 'yon?" sunod-sunod tanong ni Airine.
"No, hindi iyong iniisip mo," maagap na sabi ni Mike, sabay gagap sa kamay nito.
Ramdam niyang hindi nito nagustuhan ang narinig .
"Uuwi na ako," paalam ni Airine.
Napabuga nalang siya ng hangin. "Ihahatid na kita," sabi na lang niya rito.
"Huwag na... At hindi mo na ako mapipilit this time. Salamat sa hapunan."
"Airine..." Aniya sabay kamot sa batok. Umandar na naman ang pagiging maldita nito.
Wala na siyang magawa nang maglakad na si Airine patungo sa elevator. Sinundan niya na lamang ang dalaga kaysa magpaiwan pa siya roon sa rooftop.
"I'll see you on Sunday. Promise, I 'll make it up to you," sabi niya nang papasok na sila sa elevator.
Gladly, lumiwanag ang mukha nito.
"Bahala ka. Basta, nasa bahay lang ako."
"Maghihintay ka sa akin?" Kuminang ang mga mata ni Mike at hinarap ito, at saka hinawakan ang kamay nito.
"Bakit ako maghihintay? Para ano?"
"Sa Linggo. Pangako. It will be different."
Paglabas ng elevator, tuloy-tuloy sila sa labas ng hotel nang hindi binibitawan ang kamay nito. Gusto niya itong ihatid pero ayaw nitong pumayag . Pasakay na ito sa taxi ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito. Bago pa ito makakawala ay hinila uli niya ito. Then he kissed her hard.
Walang nasabi si Airine.Tulad kanina ay hindi ito pumiksi o nagbadya ng ano mang pagtutol. Kagaya niya. Hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa tuluyang mawala sa paningin niya ang taillights ng sasakyan.
Masayang umakyat si Mike sa kanyang hotel room pagkalipas ng ilang minuto.
MAGANDA ang gising ni Airine at dala niya iyon hanggang sa pagpasok sa trabaho. As usual, napuna na naman siya ng mga kasamahan niya.
"Oy, si. Ma 'am, blooming! Parang hindi lang nag kagabi," panunudyo ni Alex sa kanya. Sa lahat ng empleyado na marahil ay nakakita sa kanila ni Mike na sinundo siya ng binata nang nakaraang gabi, ito ang nangahas na magsalita at makipagbiruan sa kanya.
Pasalamat ito at masaya ang araw niya.Kung hindi, hindi lang batok ang matitikman nito, may bonus pang karate chop.
"Ma' am, boyfriend niyo pala si pogi , hindi niyo man lang sinabi. Hindi naman namin siya aagawin, eh," dagdag pa ni Wayna.
"Sige lang, sabihin niyo lang ang gusto niyong sabihin. Basta, no comment ako." Todo-ngiti pa rin siya.
"Ay, si Ma'am. May pagka- showbiz pala," sabi pa ni Romela.
"Magtrabaho na lang tayo para makarami tayo. Iyong mga naka-sale nsa libro, ilabas niyo sa store. Gamitin niyo ang isang bakanteng shelf," pag-iwas na lang niya, sa mga ito. Alam niya kasi na kapag-pinatagal pa niya ang kanilang usapan ay hindi siya ng mga 'to titigilan.
Kung iisipin naman kasi, confusing ang nangyari nang nagdaang gabi. Hinalikan nga siya ni Mike, pero nag-sorry naman ito pagkatapos ng halikan siya n'on. Para saan iyon? Gusto niya tuloy isipin na pinag-ti-tripan lamang siya ng binata. 'Yon pa na pabago- bago nang mood at isip in five minutes bigla na lamang paiba-iba ang moody n'on!
Pero mas gusto niyang isipin at balikan ang halik nito sa kanya. Nag-iinit ang katawan niya at ramdam pa rin niya ang pamamaga ng mga labi niya kapag naalaala niya ang mga iyon.
Gusto niyang isipin na may namamagitan sa kanila. Na hindi lang iyon simpleng atraksiyon kundi higit pa roon.
MAGANDA na sana ang gising ni Mike, lalo pa nang mapaniginipan niya si Airine, para iyong totoong-totoo.Kaya lang ay naputol iyon nang umalingawngaw sa loob ng hotel room ang malakas na ring tone ng cellphone niya.
'Ang aga naman yata.Emergency?' aniya sa isip.Nang makita ang pangalan ni Rusthy sa screen.
"Istorbo ka, Sarge. Nanaginip pa nga ako," bungad niya rito ng sagutin na ang tawag na iyon. "Napatawag ka, Sarge?"
"Sarge, si Corporal Teves, wala na," sagot ni Rusthy na nasa kabilang linya ng tawagan.
"Sarge, hindi ko kayo maiintindihan.Ano'ng nangyari?" Kinakabahan siya nang husto.
"Nasa emergency room siya ngayon. Hindi alam ng doctor kung magtatagal pa siya o... " ani Rusthy.
"Damn! ano nangyari sa kanya?" Binundol na nang kaba ang kanyang dibdib.
"Nagkaroon ng sagupaan ang team ni CPL Teves habang pabalik sila ng kampo. Halos lahat sila ay sugatan. Dalawa na sa kasamahan natin ang nagpaalam sa mundong ito, Lieutenant Rivera."
"Bakit ganoon? Walang re-inforcement na dumating?!" Pasigaw na sabi ni Mike.
"Huli na dumating ang re-inforcement, Sarge. Huli na kaming dumating sa lugar kung saan nangyari ang ambush."
"Nasaan ngayon si Teves? Saan hospital siya dinala? Pupunta ako agad diyan."
"Sarge, nandito kami ngayon sa Biluna hospital." Pagbigay impormasiyon ni Rusthy.
Pagkatapos niyang makausap si Rusthy ay hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. Basta na lang niyang initsa sa kama ang cellphone at mabilis na pumasok sa banyo. Mabilisan paligo na lamang ang gawin niya. Kailangan niyang maabutan ang first flight patungong Manila.
Habang nasa banyo ay nag-iisip siya.Nalilito, nag-aalangan at naghihinayang siya.Para sa kanila ni Airine .
Sumakay siya sa pinakaunang biyahe ng eroplanong inabot niya. Pero nang dumating siya sa Manila ay hindi pa rin siya umabot.Pagpasok niya sa ospital ay kaagad siyang sinalubong ni Rusthy. Nakikita rin niya ang iba pang kapwa niyang sundalo. Nanlumo siya dahil morgue na ang itinuro sa kanya.
May nabawas at may nagpaalam na naman sa kasamahan nilang kapwa sundalo.
NAALAALA NIYANG tawagan si Airine upang ipaalam dito na bumalik na siya ng Manila.Dahil sa emergency ang nangyari.Kinapa niya ang bulsa.Napaang siya.Wala roon ang cellphone niya.
Inisip niya kung saan niya inilagay iyon.Hindi rin niya iyon nagamit sa kabuuan ng biyahe.Natampal siya sa noo nang maalaala.Sa sobrang pagmamadali niya pagkatapos tumawag si Rusthy ay naitapon na lang niya sa kama ang cellphone at nagtungo sa banyo.Paglabas niya ay nagbihis na agad siya at hindi man lang nag-abalang siyasatin ang hindi niya naituping kumot.
Mahalaga sa kanya ang cellphone na iyon.Nandoon ang number ni Airine.Wala rin siyang number ni Anton.Paano na niya ma-contact ang dalaga? Gusto niyang batukan ang kanyang sarili.
Itutuloy.....
BINABASA MO ANG
Love and Hope
OverigThis is a repost story only from http://tagalogromanceetc.com/ written by Ashlie Dreamer