Sobra akong nababahala sa resulta ng imbestigasyon. Paano kung buhay ang asawa ko? At sya nagmamanipula ng account nya. Pero bakit ayaw nya magpakita sa akin? Nakakabaliw ang ganitong situation.
Ayokong umasa na naman dahil baka lalo akong masaktan. Itinuon ko ngayon ang sarili saz coffeeshop, lalo at may client kami ngayon for taste run.
"Excuse me, Ma'am" tawag sa akin ng empleyado kong si Tracy.
"Yes Tracy?" pilit kong ngumiti kahit magulo ang isipan ko ngayon. Wala ako sa kondisyon pero kailangan kong mgtrabaho.
"Ms. Melissa Mendoza is in the Cafe right now." napatingin ako sa relos ko. It's only 8am, tsaka usapan namin 8:30am. This client is so punctual. We've talk about few times already over the phone, magaan ang loob ko sa client na 'to. Kahit paano masaya ako na mamimeet ko na sya.
Anyway ayos lang naman napaaga sya, may nakahanda na akong mga cupcakes na pwede niyang tikman for her party. Inayos ko ang aking sarili at tinanggal ang suot kong apron. I was wearing a beige colored bodycon dress. Nakapony tail lang aking buhok, nagmadali ako kanina kasi late akong nagising at inihatid ko pa si Luca sa Nursery school.
"Hello Kath," tila close na kami sa tawag nya sa akin.
Ang ganda naman ng babaeng 'to. She was wearing a satin dress in blue color, plus nakalugay lang ang mahaba at shiny nyang buhok. She is so simple pero makikita mo ang kakaibang ganda nya. May kamukha sya, kaso kung 'di lang sya morena mapagkakamalan ko syang si JB Felicidad.
"Hi, welcome to Sweet Heaven. Have a seat" pagbungad ko. Binigyan nya ako ng matamis na ngiti.
"Oh Kath, you have a nice place." she complimented at naupo na sa upuan na nakapwesto sa aking harapan. Napatingin sya sa paligid at tila may nahalatang kakaiba. "Alam kong maganda ako, pero bakit ganyan makatitig ang mga empleyado mo sa akin" pagbibiro nya.
I knew sobra makatitig ang mga crew ko sa kanya. Kaya sinaway ko ang mga 'to. Sa pamagitan ng tingin. Nagsibalikan sila sa ginagawa.
"You have this gorgeous face, kamukha mo yung endorser ng Silver Estates " I am refering to subdivision at mga condo units na projects of Ilustre Land. Ayokong banggitin ang pagkakahawig nila ni JB na endorser nun. I don't know how she would react about that. "Pasensya ka na sa tauhan ko" dagdag ko.
"Talaga? " she chuckled. "Di hamak na mas maganda 'yon ng ilang paligo sakin. Model kaya 'yon"
"Mam Melissa, parang modelo karin kaya, at you really look like JB Felicidad" bulalas ni Tracy.
Hindi ko akalain na makikisali ito sa usapan. Nakita kong namula ang mukha ni Melissa. Mukha namang di sya sanay naikokompara, parang nahihiya sya.
"Naku salamat! But she's more a beauty than I am" pagtanggi nya at ngumiti ulit sa akin "Pwede ko na bang tikman? Mukhang masarap kasi." paglihis nya sa usapan sabay turo sa carrot cupcakes.
"Oo naman, you will surely love it. Here" at inabot ko sa kanya. Namilog ang mga mata nya na parang bata at lubos na nasiyahan at kumagat sya dito. Nakapikit pa sya ng ginagawa ito. Nasisiyahan ako sa ginagawa nya, animo isang bata na nilalasap ang lasa ng cupcake ko. Nakakataba sa puso ang ginagawa nya.
"Ang sarap! Tikman ko rin yung kulay mocha" pumalakpak pa. I never thought a fine lady like her ay magrereact ng ganito. "Hmm Ito! magugustuhan 'to ng boyfriend ko, he loved mocha" tila kinikilig sya habang kumakain. Tapos napatakip sya ng bibig ng mapagtanto na nakatitig lang ako sa kanya.
"I'll love this!" aniya.
"So I will include this flavor on the list" sabi ko. "You're bf is lucky to have you, kinoconsider mo likes nya kahit na celebration mo 'to"
BINABASA MO ANG
Wingless Without You
RandomWhen Ugly Duckling Turned into Swan - --- Book 2 When Kathryn Marie Ilustre exchange vows with her prince charming Daniel Benison Benedicto, she believes that all her fantasies of happy-ever-after came true. But one tragic incident made her world co...