Panay sulyap ko sa pintuan, para bang ako'y natatakot at kinakabahan. Kahit may mga bantay na guards na sa paligid ng bahay ay parang di ako komportable.
"Mom, let's go to sleep." Halata ang antok sa mga mata ni Luca habang sinasabi ito. Naawa tuloy ako, parang nahihirapan din syang matulog dahil sa pagiging aligaga ko.
"Sige anak, tulog na tayo." mahinang bulong ko sa kanya at niyakap ito.
"Monsters aren't real mom. I'm here to protect you" bulong nya bago ipinikit and mata.
He believe that I'm afraid of monsters. Sa mura nyang isipan yun ang pinaliwalaan nyang ikinakakatakot ko. I've seen my old self in him, matapang laging nagproprotekta. Bagay na di na magagawa ni Daniel. Wala na nga sya wala na.
Kailangan ko na siguro itong tanggapin...
--
Maingay sa paligid grabe ang dami ng tao, this is unusual day for Sweet Heaven 2nd branch. Usually kapag 7am hindi naman ganito kadami ang customers.
"Good morning!" Bati ko sa mga tauhan ko. Sa kitchen na ako dumaan para agad akong makapasok at makatulong. "Ano bang meron?"
"May celebrity kasi Best" sagot ng Bestfriend ko habang papalapit sa'kin "Alam mo na mga fans, nakikiusyuso". aniya.
Nagpatuloy ako sa pagtulong, maya't maya kasi ang mga orders. Mabuti nalang at nandito itong si Best kahit busy sa prepararion ng kasal nya ay hands on parin sya sa business. She's a good partner, tama lang na nag invest sya dito, masyado syang dedicated.
"Hindi ako dumaan sa may entrance kaya diko nasulyapan kung sinong celebrity ang nariyan" saad ko. Pakiramdam ko kakilaka ko lang kasi napagawi kasi dito. Kabubukas lang naman nito. "Di kaya si ate Erich lang yan? Sikat sya lalo ngayon dahil sa commercial nya kasama yung pamangkin ko" pagmamalaki ko kay Best habang inihain ang isang tray ng cupcakes.
"No, hindi yata ang asawa ng kuya mo. Iba best, matignan nga." nagtaas ako ng kilay, aba balak pa nya yata makitsismis.
"What?" umarko ang kilay nya ng mapagtanto ang tingin ko sa kanya, animo galit pero binawi naman nya agad.
"I'm the manager remember? babatiin ko lang" I just shook my head. Kinacareer nya talaga ang pagiging Manager ngayon ah, kahit most of the time nasa kusina lang sya tumatambay at nakikitikim. Kakaiba si Best ngayon.
Tinapos ko ang paggawa ng ibang cupcakes at tsaka inayos ang sarili para doon naman ako sa counter mangumusta. Hindi pa nakakabalik si Best.
"Is everything ok, Ana?" I saw my employee smile and nod. Mukhang kaya naman nya ang trabaho, walang magiging problema. Natatanaw ko na mula sa kinaroonan ko si Best magiliw na nakikipag-usap sa mga guest.
Sa di maintindihang kadahilanan kumabog bigla ang puso ko ng mapagtanto kung sino ang kausap ni Best. It is JB Felicidad, Quen's ex. She's stunning, no wonder napakasikat nito. Sitting next to her is Liza, another pretty face. I wonder why she's here.
BINABASA MO ANG
Wingless Without You
RandomWhen Ugly Duckling Turned into Swan - --- Book 2 When Kathryn Marie Ilustre exchange vows with her prince charming Daniel Benison Benedicto, she believes that all her fantasies of happy-ever-after came true. But one tragic incident made her world co...