There will always be a strong haze that will try and block tomorrow but dont give in, dont let it win brush it off and push on through. NEVER GIVE UP, we can catch up we will make it or die tryin, turn this imagination into somethin real. ---
Pinilit ni Daniel na makabangon upang makapagsalita sya ng maayos ngunit. Nakaramdam sya ng kirot sa kanyang mga paa.
"Bakit? Nahihirapan ka bang gumalaw?" tanong ng matandang lalaki.
"Ang mga binti ko! hindi ko maigalaw!" sigaw nya. "Hin--di, hindi pwede to!" may bakas ng pagkadismaya at sakit sa kanyang boses
Naramdaman ito ng matanda, at dali-dali inutusan ang asawang kumuha ng maligamgam na tubig para ipahid sa mga paa ni Daniel.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Daniel ngayon. Hindi nya maiwasang maluha, bukod sa kumikirot ang kanyang binti ay hindi nya maiwasang mag-alala na baka hindi na sya makalakad pang muli.
"Ano nga ba ang nangyari sa iyo bata ka?" tanong ng matandang babae.
Hindi umimik si Daniel, pilit nya inaalala kung ano nga ba ang nangyari ng araw bago sya napadpad sa isla. Medyo sumasakit pa ang ulo nya habang iniisip iyon. Marahil maswerte na nga sya at nabuhay sya sa lagay nya ngayon.
He never felt this pain before. Kahit noong makailang ulit na sya pinabogbog ng ama nya. His body tells na matindi ang dinanas nyang torture. Pero bakit hindi nya maalala ang buong pangyayari. Nag-isip ulit siya kahit sa gitna ng nararamdamang sakit. Nais niyang maalala ang araw bago sya nagkaganito.
Sumariwa sa kanyang ala-ala the day when the contract was signed. He was about to call Kath, feeling excited to share the great news.
He was so happy na para bang hindi matatapos ang araw na iyon na hindi nya maikukwento ang lahat ng kasayahang nadarama sa babaeng minamahal. He entered his room to get his phone, naiwanan kasi nya ito sa loob bago sila nagmeeting ni Don Felicidad. Ngunit nagulat sya kung anong nadatnan sa loob ng suite nya.
"Anong ginagawa nyo rito?" he asked the two men na nakatalikod at tila may hinahanap sa loob ng suite nya.
Nilingon sya ng mga ito. Napa-atras si Daniel ng mapansin nyang mga armado ito. Bigla syang tinutukan ng baril ng isang lalaki.
"Ibigay mo ang gusto namin!" sabi ng armadong lalaki sabay nguso sa kanyang wedding ring. Napatitig sya sa wedding ring nya. Bakit ito ang pakay nila?
"At talagang dito pa ninyo naisipang magnakaw? Hindi naman kayo makakatakas nasa gitna tayo ng dagat" singhal ni Daniel sa dalawang armadong lalaki.
"Sinong may sabing tatakas kami?" tanong pa ng isang armadong lalaki na nasa bandang kaliwa nya.
"Ikaw kung gusto mo hindi sumabog agad ang bungo mo at sumabay sa paglubog ng barko ay ibigay mo na sa amin ang singsing mo!" pagmamando nito!
"Anong sabi mo? Lulubog ang barko?" he exclaimed at idiniin pa lalo ng armadong lalaki ang baril nya. Inilabas ang alas upang hindi makapanlaban si Daniel.
"Hoy! Easy lang ayaw ni boss na tapusin ang taong yan, hindi ka kasi nakikinig ng maayos sa utos nya!" sigaw ng isa nitong kasama.
"Ikaw naman ibigay mo na ang hinihingi namin at ng matapos na kami dito!" baling naman nito kay Daniel.
"Damn! Hindi ba kayo naaawa maraming tao ang mamatay dito! Sino ang boss nyo? titriplehin ko bayad niya sa inyo! Then You can get everything you want in here pwera lang sa singsing ko" pangungumbinsi nya rito. Ngumiti ang isang lalaki, akala pa nya ay makikipagdeal ito sa kanya.
Ngunit parang hindi naman naenganyo ang isang armadong lalaki. Halatang mas gusto pa nila ang mangyayaringg paglubog ng barko.
"Tama na ang salita! Kukunin namin ang gusto naming kunin!" bulyaw nito sa kanya. At sinuntok sa kanyang sikmura. Makalimang ulit hanggang sa bumagsak si Daniel sa sobrang sakit. Hindi sya makapanlaban kasi nakakatutuok lang ang baril sa kanya.
"Dalhin na yan!" hindi makita ni Daniel kung saan sya dadalhin. Piniringan ang kanyang mga mata,itanali ang mga kamay at hinablot ang kanyang singsing.
Wala na syang magawa pa. Armado ang mga ito at nasa gitna sila ng dagat. Naramdaman nyang parang isinasakay sya sa isang bangka.
"Bilisan mo ang kilos mo! Huwag ka pabagal bagal!" itinulak pa si Daniel. "At ikaw ipaandar mo na to! maabutan pa tayo ng kaguluhan di tayo makakaalis"
"Aalis na tayo? Wala pa yung isang kasama natin." tanong ng isa halatang puzzled na naman ito.
"Iwanan mo na! Sabi ni Sir, yun talaga trabaho nya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi na sya babalik pa, nasa usapan nila yun. Basta gawin mo nalang utos ko!"
"Mga tao paba kayo? Kasamahan nyo yun!" daing ni Daniel.
"Ikaw tumahimik ka!" at bigla nalang nakaramdam sya isang malakas na suntok na nagpatulog sa kanya.
Nang nagising sya hindi parin nakatanggal ang piring nya. Nakiramdam sya sa paligid at tanging huni lang ng ibon ang kanyang naririnig. He don't like this idea, parang bumabalik ang nakaraan sa kanya. Those dark days na nakidnap sya is somewhat happening again!
This time wala si Kath sa tabi nya. Ngunit baon parin naman nya ang lakas ng loob upang makatakas. He wanted to get out from there alive. Kung ano man ang motibo ng dumukot sa kanya gusto nya ring malaman.
"Okay lang ba sya?" a soft voice of a girl came in.
Hindi maintindihan ang sarili kung bakit nakadama sya ng pangilabot sa buong sistema. Kahit hindi nya makompirma sigurado sya kung sino ang pamilyar na boses na iyon. Alam nyang kilala nya iyon. Nagsalita muli ang babae.
"Huwag nyo syang tatapusin, pahirapan nyo lamang at dalhin sa malayo" habilin nito sa mga lalaki at may nagsalita naman na hindi pamilyar sa kanya na boses.
"I don't think its a good idea! Sinaktan ka nya, halos nawala ang lahat ng mga pangarap mo! At pumasokpasok pa sya sa kompanya ng daddy mo. Ako naman ang nawalan ng position." giit nito na tila gusto na talaga syang tapusin.
"Shut up! I didn't tell you to do this. Hindi naman ako mamatay tao! Marami na ang napahamak. You don't have to go far hayaan mo nalang sya. Kahit sya na lang" naiiyak na boses ng babae.
"Sa tono ng pananalita mo parang sinasabi mong mali ako? Alam mo ba para rin sa iyo itong ginagawa ko, dahil doon sa ginawa ko magiging malaya ka na. Hindi ka ba masaya? You and I waited for this"
"Hindi ko alam, hindi ko alam" sagot ng babae. "Masama lang loob ko dahil umabot tayo sa ganito" at biglang narinig ni Daniel na may naglalakad papalapit s kinaroonan nya.
"Huwag nyong hayaang makatakas yan! lumpohin nyo kung maari!" bulyaw nito.
"Wala akong inaapakang tao! Kung gusto nyo magkaroon ng position sa kompanya, pag-usapan natin 'to!" daing ni Daniel.
"Ano ako baliw? Pahirapan na yan!" pagmamando ulit nito at doon nakaramdam si Daniel ng makailang ulit na paghampas ng bakal sa mga binti nya.
"Arrgghhh" sigaw at daing ni Daniel. Hindi na nya matandaan kung makailang ulit sya pinapapalo ng bakal.
Tanging naramadaman nya lamang ay sakit ng bawat paghampas. Akala nya ay mamatay na sya, hanggang magising nalang sya at nandito na sa isla.
"Huwag mong piliting alalahanin kung nahihirapan ka. Ligtas ka dito huwag ka mag alala" biglang wika ng matandang lalaki. "Kung kaya mo na magkwento, tsaka mo na gawin."
At tumalikod na ito upang lumabas ng kuwarto. Ngunit biglang nagsalita si Daniel.
"Tulungan nyo ako! tulungan nyo akong gumaling" naisambit nya sa matanda. Napatitig ang matanda sa kanya. Wari nararamdaman ang pighati ni Daniel.
"Hijo, hindi kita papabayaan habang nandirito ka" sagot nito na biglang ikinapanatag ng kalooban ni Daniel.
"Pangako ko, babalik ako upang mabigyang hustisya ang nangyari sa akin" sigaw ng kanyang isipan. Paulit-ulit hanggang sa sya ay muling nakatulog.
BINABASA MO ANG
Wingless Without You
RandomWhen Ugly Duckling Turned into Swan - --- Book 2 When Kathryn Marie Ilustre exchange vows with her prince charming Daniel Benison Benedicto, she believes that all her fantasies of happy-ever-after came true. But one tragic incident made her world co...