Begin Again

240 6 0
                                    

INTRODUCTION

Love? Panira lang yan! Magnanakaw ng kaligayahan. Sa una lang masaya pero sa huli, ikaw din ang masasaktan. Makakaya namang wala yan, masaya pa rin naman.

Aasa ka, masasaktan, iiwan, at iiyak. Mga masasakit na pwedeng mangyari, dito mo matatagpuan. Kaya nga mas mabuti pang mag-isa kahit di gaanong kasaya pero di naman kasing sakit pag iniwan ka.

Yun yun eh, kapag nasaktan ang babae, nag-iiba talaga ang pagtingin niya sa pag-ibig. Pero may lalaki pa ding makakapagpabago ng pananaw na yun. Pero pano kung iwan at saktan pa din siya?

If true love can wait, then their love was fake. Haaaaayyyyy! Pag-ibig, ikaw ang makakapagpasaya at siyempre, makakasakit sa mga taong nagmamahal.

Huwag nang umasang mangyayari ang ideal relationship, wala nun! But people said, it hides in every corner, but take note, our world is sphere, it has no corners! Duh?!

Kasalanan bang maging bitter, kung nasasaktan ka ng sobra, habang siya, ang saya saya?

Pero alam niyo, bilang babaeng natural na may pusong mamon. Naniniwala naman talaga ako sa True Love eh, yung magagawang mag-hintay kahit gaano katagal, kahit di niya alam kung may pag-asa siya o wala. Yung di ka susukuan kahit sobrang hirap na ng sitwasyon niyo. Yan ang gusto ko, na bihirang matagpuan =((

Siya nga pala, ang Love, di basta basta nawawala yan, process yan para sa mga taong totoong nagmamahal. Di yan kasing bilis ng kisap mata.

Haaaayyy! Ang sakit sa ulo ng pag-ibig! Pero kahit ilang nega words ang ipang-describe ko dito, mabubura yun lahat kung totoo kang magmahal.

Huwag mong pakakawalan ang bagay na hawak mo na, dahil baka magsisi ka pag nakita mo siyang hawak na ng iba. Pero kung mahal ka pa din niya at binigyan ka ng 2nd chance, grab it! Wag nang hayaang mawala ulit siya, mas mahihirapan ka lang. Ipaglaban mo! Hanggang sa sayo niya ulit ipagkatiwala ang puso niya.

Destiny? Ito 'yung kahit parang impossible mang mangyari, mangyayari at mangyayari parin. Kung kayo, kayo talaga! Take note, there's a quote that says: "Balang araw, magkikita ulit kayo ng taong pinakawalan mo na, at malay natin, baka sa huli... KAYO PA RIN".

There's no such thing as "HINDI NA KITA MAHAL". Based on psychological studies: if a person loved you once, even after a hundred years, there will still be some of that love left, no matter how much that person denies.

I really don't understand why there comes a time that you both love each other, pero hadlang ang tadhana. It's hard, right? Siguro hindi naman talaga hadlang ang tadhana, baka hindi lang talaga iyon yung tamang time para sa iniyong dalawa. Don't rush things, because everything has its own perfect timing. Sabi nila "everything happens for a reason" diba?

God was the best author. Kaya bawat kwento ng buhay ng tao, unique. Bago pa man mangyari, plinano na ni God 'yun kaya nga lahat ng masasakit na nangyayari at mga nakakalungkot na bagay na maaari pang mangyari, may kaginhawaang naghihintay sa bawat dulo ng unos. God only makes happy endings... so, if it's not happy, then it's not the end. He has a reason for allowing things to happen... we may never understand His wisdom but we simply have to trust His will. :))

AUTHOR'S MESSAGE

Guys, pagpasensiyahan niyo na kung ma-disappoint kayo sa story na 'to, at sa mga wrong grammar jan. Baguhan lang po ako eh. At isa pa ang hirap kasi mag-isip ng susunod na pangyayari, lalo na kung walang love life. Nasa buong nobelang 'to ang epekto ng pagiging daydreamer ko. Guys, hope you love it =)) pwedeng pwede kayo mag-comment, positive man o negative, okay lang sakin. Please, suggest also. Enjoy!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon