Chapter11
Sophia's POV
What the?! Kung hindi pa ako kakausap ng old classmates ko, di ko pa malalaman na nag-aminan na nga 'yung Laire tsaka si Alex. Knowing Alex, he doesn't like girls na simple lang. Gusto niya maarte, pero ngayon! Bakit 'yung Laire?! Narinig ko rin na 'yung Laire pala ang first love ng first love ko, si Lance. Naagaw niya na si Lance noon, at ngayon, si Alex naman?! Grabe!
Classmate ko sina Lance at Rick. Classmate ko rin sila last year kaya siyempre, pati si Alex. Si Alex ang pinaka-friendly na lalaki na nakilala ko. Kasi 'yung trato niya sayo, parang special, kaya akala mo may gusto sa'yo. Pero hindi pala, sa lahat pala ganun ang trato niya. Nakakainis diba?!
Bakit ba kasi dun pa si Alex mapupunta sa babaeng hindi sikat?! Hindi katulad namin ni Alex! Hindi ko tuloy siya kilala! Pero ngayon, for sure magiging sikat siya because of Brent Alex Mercado. Nakakainis! Nandito lang naman ako eh! Matagal na akong naghihintay! Nasa harapan niya na, hindi pa niya makita! Sobrang manhid, grabe! Hindi naman ako panget, kung tutuusin, palagi pa nga akong muse e! Tsk!
Oo, tama! May gusto nga ako kay Alex. Hindi lang gusto, mahal ko siya, mahal na mahal! Nakakainis lang, matagal nakong naghihintay, naunahan na naman ako! Bwisit! Kahit sabihin na nila na ang sagwang tingnan na ang babae lang ang naghihintay, I don't care! Maarte ako, mataray ako, pero pag nanjan si Alex, I'm being plastic to everyone, even to myself.
Biglang lumapit si Rick sa'kin at tumabi sa inuupuan ko.
"Siguro alam mo na", biglang sabi ni Rick.
"Oo naman! Sino ba namang hindi makakaalam e usap-usapan na jan sa buong third year! Bwisit diba?!", sabi ko naman. Hinagis ko ang libro sa table ko.
"Easy, sumuko ka na kasi. 'Wag kang gagawa ng kalokohan ha. 'Wag na 'wag, kundi marami kang makakalaban", sabi naman niya. Tumayo siya at pinulot ang librong hinagis ko.
"Ako?! Susuko?! HAHA! (Evil laugh) wala yata sa vocabulary ko yan! Wala akong makakalaban dahil for sure, maraming maiinis diyan sa Laire na yan, marami kayang may gusto sa Alex ko! Duh!", sabi ko naman. Nagpolbo ako habang nagsasalita si Rick, inayos ko ang inis kong mukha. Ayoko naman na paglabas ko ng classroom eh halatang halata ang tunay kong aura.
"No, I mean, mga lalaking nagkakagusto kay Laire. Sigurado ako na ayaw nilang may mang-aapi dun", paglilinaw niya.
"Tingnan lang natin kung hindi magbago pagtingin nila dun sa laire na 'yun, obvious naman na easy-to-get siya!", sabi ko naman.
"Hoy! Mag-isip isip ka nga kapag nagsasalita ka! You don't have the right para sabihing easy-to-get si Laire! She's not like you!", biglang dating ni Lance. Whoa! Nagulat ako dun ah!
"Yan ang sinasabi ko sayo!", sabi naman sa'kin ni Rick.
Napahiya ako sa mga classmates ko dahil sa pagsigaw sa'kin ni Lance. Kaya ayun! Napa-walk-out ako ng wala sa oras! Badtrip talaga 'yung babaeng 'yun! Marami na siya kasalanan sa'kin!
Lance's POV
Sabi nila, mabilis daw maka-move on ang lalaki, pero hindi. 2weeks na rin ang nakakaraan simula nung nag-aminan si Alex tsaka si Laire. Lumayo na ako sa kanila. Dahil mabait naman ako at maayos ang buhay. Magpaparaya na ako, kasalanan ko rin naman kung bakit nawala sa'kin ng tuluyan si Laire. Hindi ko kailangang isisi sa ibang tao ang kasalanan ko dahil mali ang gawin 'yun.
Mahal ko si Laire, kaya 'kung saan siya masaya, dun na rin ako kahit masakit. Ang tunay na pagmamahal diba dapat masaya kayo pareho, pero okay na sa'kin kahit ako hindi, basta masaya siya. May tiwala ako sa bestfriend ko, oo, chickboy siya pero kaya naman niyang magseryoso e. Sa larangan ng pag-ibig, mas matino ako pero mas seryoso siya. HAHA! Basta, we need to be happy :))
![](https://img.wattpad.com/cover/6025940-288-k837503.jpg)
BINABASA MO ANG
Begin Again
Teen FictionDapat bang pagbigyang muli ang pagmamahalang pinakawalan? Paano kung tadhana na ang humadlang? May magagawa pa ba? Tadhana rin kaya ang ang gagawa ng paraan para maipagpatuloy ang nakaraang kanyang hinadlangan? Dito sa istoryang ito, may pangyayarin...