CHAPTER5
Laire's POV
This is it! Patapos na ang panibagong linggong pag-titiis sa ugali ni Brent Alex Mercado. As usual, everyday kaming nagsisigawan at walang katapusang asaran. May mga times nga na magkasundong-magkasundo kami, pero ewan ko ba, medyo naiinis ako sa kaniya. 'Di ko alam kung anong dahilan, basta pag-nakikita ko siya, ewan!
Di na siguro talaga maiaalis sa'kin na si Alex Mercado ay isang CHICKBOY, lapitin kasi ng babae. Tapos sabi niya pa, 'binibigyan kasi nila ng ibang meaning yung pagiging friendly ko'. Oo na, friendly nga, e para naman kasing laging sweet sa lahat, PAASANG CHICKBOY ang bansag diyan ng ibang babae sa campus. They hate him, but end up loving him. HAHAHA! Gwapo "DAW" kasi.
Sa mga nakakausap kong babae, 'di yata nawala sa topic nila ang pangalang "Brent Alex Mercado" eh. Sabi pa nila, 'siguro magseselos talaga yung magiging girlfriend niyan, kasi sa lahat yata, sweet yan'. Tama naman sila. Pero sa pagkakaalam ko talaga, he tried na maging serious sa larangan ng pag-ibig, pero wala, he just played so many times. Ewan ko ba sa mga nagkakandarapa sa lalaking yun, 'di nila maisip na baka paglaruan lang sila, alam naman nila 'yung image ni Alex eh.
Pero 'di rin masisisi si Alex if nababansagan siyang 'paasang chickboy'. Dahil nga mabait siya't friendly, yun nga lang, sinasamahan niya kasi ng pagka-sweet niya.
"Laire! Laire!", sigaw ni Alex habang natakbo papunta sa'kin.
He hold my wrist, hinila ako. "Hoy! Ano ba?! Bitawan mo nga 'ko!", patuloy kong pinipilit na ialis yung kamay niya sa wrist ko. "Ano ba kasi nangyayari?!".
"Mga babae", sabi niya naman.
"Nakakauma! Alin?! Yung mga nagkakandarapa sa'yo?!", inis kong sabi habang tumatakbo kami.
Hindi ko alam kung san kami makakarating nito. Nakakainis talaga! Bat kasi dun ako pumwesto sa may bench malapit sa gate?! Ako tuloy ang nahila ng lalaking 'to! Badtrip! >___< Umuwi nalang sana agad ako! Haaaaaaay! Pasalamat siya't uwian na. Nakakainis talaga! Ay! Hindi pa din pala ako makakauwi kasi walang sundo, HAHAHA! Lukaret ko talaga. :3
"Eh sino pa nga ba?! Iba na talaga pag-gwapo!", pasigaw niyang sabi. Salamat at nakaramdam ng hingal 'tong lalaking 'to.
"Tigil nga muna tayo, ano ba kasing nangyari?", tanong ko sa kaniya.
Tumuloy kami sa isang fast food chain malapit sa school namin. Pumila muna kami para makabili ng makakain. Siya na ang um-order at ako'y naghanap nalang ng mauupuan. Inakyat niya muna ang bag niya para wala daw sagabal. Yung nakatingin ako sa kawalan. Maraming couples dito ha, ang si-sweet nila. Haaaaaay.
Ilang minuto rin ang sinayang ko sa kawalan. I'm just staring at my phone dahil sa wallpaper ko, an image of a guy that I think... every girl dreams of; siya 'yung lalaking pinagseselosan din ng mga lalaki dahil mas kinikilig pa ang mga GFs nila pagnakikita nila yung picture nito kaysa kahit kasama sila --- Daniel Padilla :'))
Napapangiti ko everytime na makakakita ako ng picture niya, tinulungan niya akong maka-move on kay Lance, kahit hindi niya alam yun.xD Wala kasi akong ginawa nung vacation kundi pumunta ng pumunta sa events kung nasan si Daniel or ang KathNiel. Kina-busy-han ko yun, kaya nakalimot ako kay Lance. Hanggang sa mawala na talaga.
"Hoy! Eto na! Ngiti ngiti ka jan!", biglang dating ni Alex at pinatong ang tray sa table. "Ano ba yan?".
Tinago ko ang phone ko. "Ah! Wala! Di mo lang maaappreciate. Tsaka mag-mamayabang ka na naman na mas pogi ka dun tas gagayahin mo yung kilos niya". He laughed, umupo siya. "Saulo na kita!", sabi ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Begin Again
Teen FictionDapat bang pagbigyang muli ang pagmamahalang pinakawalan? Paano kung tadhana na ang humadlang? May magagawa pa ba? Tadhana rin kaya ang ang gagawa ng paraan para maipagpatuloy ang nakaraang kanyang hinadlangan? Dito sa istoryang ito, may pangyayarin...