BA - Past - Chapter19

45 0 0
                                        

Chapter19

Sophia's POV

Ano ba naman yan?! Hindi ko pa rin nagagawa yung plano ko. 5 buwan nalang at malapit na namang magtapos ang schoolyear na to. Pero parang nakakatamad nang gawin. Hindi naman kasi mapapaghiwalay yung dalawa. Hmmmmp. Tsaka ko na lang gagawin, kapag sinipag.

"Huy!", biglang hampas sakin ni MJ. Remeber her? Mariana Josefa :D Naging MU sila ni Lance, pero 1week lang. hahaha.

"Bakit?", tanong ko naman sa kaniya. Nandun na naman ako sa corridor namin at nakatanaw kila Alex. 

"Punta ka bukas? Diba Campus Clash?", tanong niya sakin. Hmmmm. CampusClash :)) may Soccer dun, for sure maglalaro si Alex.

"Bukas na ba yonn? Sabado?", e kasi naman, nawala talaga sa isip ko na meron nun. Ayy nako.

"Oo, ano? Tara?", sabi naman niya. She looks excited. Porket ba pupunta lang dun si Lance e.

"Teh, Lance ba pupuntahan mo don? Aba! Tanggapin mo na pinanakip ka lang niya", sabi ko naman sa kaniya.

"IKR, kasalanan kasi ni Laire to eh", sabi naman niya. Sinisisi niya na rin yung babaeng epal na yun.

"HAHA! Well, that's better", at bigla nakong napahagalpak ng tawa.

Maya-maya'y naiwan na ako mag-isa.

Siyempre naman at sure akong nakakaramdam si Laire sa mga pinaggagawa ko. Pero pinagtataka ko lang.. hindi ko na sila madalas nakikitang magkasama. Minsan nalang, yung ibang friends na kasi ni Laire ang palaging kasama niya e, ganun dn naman si Alex.

Pero nakakawalang gana na talagang magsimula ng laban e, para naman kasing wala naman talaga akong ipaglalaban. Teka nga! Bat parang ang bait bait ko ngayon?! HAHAHAHAHA! I hate myself na tuloy. 

Laire's POV

Grabe naman tong decision na to. Nakakaramdam na naman siguro siya na unti-unti na akong lumalayo. Tadhana, please, ikaw nalang gumawa ng paraan para mawala kung ano mang meron saming dalawa, ayoko ng ako mismo, kasi nasasaktan ako.

Napahawak ako sa necklace na binigay niya. Medyo nakakaiyak.

Wala namang nakakapansing nag-iisa ako sa sulok ng room namin. Nakikita siguro nila yung awra ko. Hayyyy.

Gusto kong manahimik nalang pero yung utak ko, sasabog na. Ano banaman to?! >____<

"Wui! Nakita mo na yung transferee?", biglang takbo ni Dianne palapit sakin.

"Huh? Hindi pa? Bakit? Nanjan na?", tanong ko naman sa kaniya. Yung mukha ko, mukhang walang kainte-interest.

"Halika dali, classmate siya nila Kier", sabi naman niya sakin. Si Kier Dallan Natividad, matalik kong kaaway. Pero nung first year pa naman yun, di na kami nakakapagpansinan ngayon e. Classmate din yan dati ni Alex.

"Hay. Ikaw nalang, nakakawala ng mood. Teka, nasan si Alex?", tanong ko sa kaniya at bahagyang tatayo na ako. Tinawag kasi ni Kier kanina si Alex eh.

"Hmm, teka", umalis siya. Sumilip siya sa labas. "Woy, nandun, nandun sa may transferee"

Tumayo ako. Bakit naman kaya nandun yon? Nakiusyoso lang? 

"Tara dun", pagyayakag ko sa kaniya.

May nararamdaman na naman ako. Bakit ganito? Ayoko ng ganitong feeling.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon