BA - Past - Chapter21

46 2 1
                                        

Chapter21

Laire's POV

After a week na walang pansinan with Alex, eto ako. Nakatulala. Naiinis. Nasasaktan. Aanga-anga. Anu ba yun?! Parang anytime e kaya kong umiyak! Bakit nung hindi lang ako pumasok nung campus clash, pagpasok ko nung Monday, ang awkward na sa pagitan namin ni Alex? Bakit ganon? Parang gusto ko manapok!

Pang limang araw ko na tong walang Alex na kasabay pauwi. Dati-rati naglalakad lang kami kahit medyo malayo e, kahit dadating sa point na maghihiwalay din kami ng daan. Kahit malayo yung uuwian namin. Basta pag magkasama kami, enjoy lang lahat.

Pang limang araw ko na ring nakikita na magkasama sila ni Nandy. Gusto ko na ngang masanay e, yung tipong wala nakong pakealam. Pero hindi :'( Panglimang araw na rin akong iniiwasan ng tingin ni Alex.

Lord, tinutupad niyo na po ba yung hiling ko? Na sana tadhana nalang yung gumawa ng paraan para may mag-give up. Kasi kung opo, maraming salamat po. Alam niyo naman po kasing hindi ko yun kaya diba? :'(

Nasa may guard house ako tumambay, gusto kong umuwi ng maaga e. Wala namang practices at wala akong dahilan para magtagal pa dito.

"Haha. Sige, bye", si Nandy. Nakita ko sila. Sumakay na ng kotse si Nandy, tas si Alex naman. Naiwan.

Shete. Ang awkward.

Lumapit siya sakin. -_- awkward pa rin.

"Adelaire", sabi niya. Adelaire? Kailangang buo? Bakit Adelaire? E tinatawag niya lang naman akong ganto kapag... "Sorry"... yun na, kapag may problema or galit siya. E nag-sorry siya e, problema o kasalanan?

Ayokong umimik. Ayokong magsalita. Baka kung anu pa masabi ko't mag-away pa kami.

Pero... "Bakit?", hindi ko siya matiis. At least, hindi ako tumingin sa kaniya.

"Can we talk? Sa garden. Tara. Maaga pa naman", sabi niya. He's serious. Si Brent to. Hindi siya si Alex.

Nakakakaba yung can we talk? :'( ang bigat sa pakiramdam. Ang bigat bigat.

Habang naglalakad kami, ayun na naman... awkward feelings -____- samantalang dati, kapag magkasama kami habang naglalakad, parang laging may away dahil hindi kami maubusan ng nasasabi.

Ayaw ko siyang tingnan. Lalo na yung mata niya. Baka maiyak ako e.

Nandito na kami sa garden. Maganda dito, pwedeng pwede ngang pagshooting-an e. Pwede ding place for dates.

Umupo ako sa bench. Umupo siya sa tabi ko. Pero may isang dangkal na layo.

Di namin mabasag ang katahimikan. Ang lungkot ng paligid. Tas ang bigat sa pakiramdam.

"Hmm. Laire?"

"Oh?"

"One week, salamat sa one week"

"Huh?"

"Hinayaan moko e, siguro alam mo nang alam kong may problema kaya hinyaan mo akong hindi ka pansinin", sabi na e, ramdam niya. "Dati naman kasi, kinukulit moko tuwing ayaw kitang pansinin", natatawa niyang sabi.

Nakangiti siya habang nagbabalik-tanaw... 'tong lalaking 'to talaga, bigla bigla nalang narerealize ang sentimental value ng bawat memories...

"Yung mga panahon na nagtatampo ako kasi tinatawag mo kong 'dre' eh alam mo namang may tawagan tayo" , natatawa pa siya nian ah. KInikilig.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon