BA - Past - Chapter6

48 2 0
                                        

CHAPTER6

Alex's POV

Magkasama kaming nagsimba ng bestfriend ko, si Lance pati ng tropa. Maaga kasing nag-simba sila Laire at iba naming classmates kaya di ako nakasama sa kanila. Naggala nalang kami ni Lance matapos kaming iwan ng tropa.

"Antagal mo na nga palang hindi nag-kkwento sa'kin about kay Laire", biglang sabi bi Lance.

Natahimik ako, ayaw ko kasing mag-share e. Kasi... kasi... si Lance siya, dati silang nagmahalan ni Laire. Parang may nagsasabi sa'kin na, "maging selfish" ka. Alam kong masama, pero eto yun eh. Parang gusto ko, sa'min lang dalawa ni Laire yung lahat lahat ng yun. Parang gusto ko talaga ipagdamot lahat ng bagay na na-uugnay kay Laire kasi...

"Ui!", sabay kulbit ni Lance, di ko kasi siya pinansin eh.

"Lance, sorry, pinigilan ko, pero...", sabi ko naman.

"Pero?", sabay taas ng kilay niya sa'kin.

"Lalayuan ko na lang siya", biglang tungo ko. This is it, 'sacrifice' again?

"Huh?! Bakit naman?", sabi niya, habang bumibili ng streetfoods.

"Wala. Basta!", tiningnan ko lang siya. "Ate bayad po", sabi ko sa tindera.

"Hoy! Dre! Tumingin ka nga sa'kin? Ano ba yun?", pangungulit ni Lance.

Eto na ba yun? Yung time na aamin ako sa sarili ko at parang sa buong mundo na rin?

"Kasi mahal ko na siya. Akin na lang siya oh, pwede? Promise, aalagaan ko siya, di ko siya iiwan", at yun, nasabi ko na ang mga salitang halos ilang buwan ko din tinago, dati crush lang, tapos lumala nung mas lalo kong nakilala si Laire.

"Ows? HAHAHA! Pwede ba? Wag magbiro Dre! Alam kong nagbibiro ka lang, kasi alam mo kung gaano ko kamahal si Laire. Tsaka diba? May kasunduan tayo noon na bawal ma-fall sa iisang babae? Sira ka talaga! HAHAHA!", sabay hampas sakin ni Lance.

"Mukha ba akong nagbibiro? Oo, pinigilan ko naman eh. Ilang months ko na ring itinago yung nararamdaman ko, Lance, bro, sorry", sabay tungo ko. Tatanggapin ko kung suntok aabutin ko, kahit murahin niya ako.

"Trash talk ka", tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad na.

Di na ako nakapagsalita, tiningnan ko lang siya. Nagi-guilty ako, haaaay. Ang gulo na naman.

Mag-isa na akong umuwi, alam kong galit si Lance, ikaw ba naman ang makarinig sa bestfriend mo na mahal niya din yung mahal mo, tingnan lang natin kung hindi ka masaktan. Haaaaay :((

Natatandaan ko pa noon. Palaging nagkkwento si Lance about diyan kay Laire, kahit sila na ni Angeli noon. Baliw nga e, mahal niya pa pala, iniwan niya naman. Tapos nacurious ako, kasi hindi ko pa kilala si Laire nung mga panahong 'yun. Transferee kasi ako nung 2nd year. Sabi niya pa, ituturo niya daw sa'kin yung Laire na tinutukoy niya kapag natyempuhan.

Nung mga panahon yun, nagkkwento na din ako sa kaniya about dun sa girl na nakabighani sa'kin. Iba kasi siya e, that girl is not maarte. Yung kahit alam niyang gulo gulo na yung buhok niya, hahagudin niya lang ng mga daliri niya. Yung kaunting polbos lang ayus na.

Nangako din ako sa kaniya na ituturo ko din sa kaniya yung babaeng tinutukoy ko, di ko pa kasi alam ang pangalan ng babaeng yun nun eh.

Then one day, nakita ko yung girl na tinutukoy ko. Pinagmamadali ko siyang lumabas ng classroom para makita niya. Pero nauna niyang ituro yung babaeng gusto ko, "Siya si Laire, maganda dba?", nagulat ako sa sinabi niya. Yung babaeng gusto ko at ang babaeng mahal niya ay iisa.

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon