CHAPTER9
Laire's POV
Nakarating kami sa isang parang performance stage dito sa Tagaytay. Taga-dito pala talaga sila Alex, pero nandun kasi sa Manila yung business ng family niya kaya lumipat sila.
Pagbaba namin ng kotse, sinalubong agad kami ng apat na lalaki. Mga may itsura sila.
"Hello, ikaw si Laire dba?", sabi nung isang lalaki.
"Yah", sabi ko naman.
"Anyways, guys, si Laire", sabi ni Alex. Sabay sabay silang nag-hello sa'kin. "Laire, ito si Marc, Dave, Tom, at Carlo, mga pinsan ko", dagdag niya pa.
Ah! Kaya pala may mga itsura din, magkakadugo pala sila :3
"Hello, nice to meet you", nginitian ko lang sila.
May isang babaeng lumapit sa'min. Maganda siya, pang model. Pinapasok niya kami sa loob. May kamukha 'tong babaeng 'to eh... hmmmp.
"Hi Jane, long time no see ah", bati ni Alex dun sa babae. Jane? Sounds familiar.
"Ayos naman!", ngumiti yung babae sa'kania. Parang may chemistry sila. Sino ba 'tong babaeng 'to at familiar siya sa'kin maxado, especially her name.
Lumayo ako sa kanila, parang may nararamdaman ako eh. Umupo na ako dun sa unahan, tinabihan ako ni Tom. "Hi! Kilala mo si Jane?", sabi niya.
"Di eh, pero parang familiar 'yung name", sabi ko naman.
"Kung familiar, edi nakwento na sayo ni Alex ang first love niya", sabi ni Tom. First love? Oo! Si Jane nga yun.
"Ah! Oo! Si Jane nga yun", sabi ko naman.
"Ganda noh? Model yan", sabi naman ni Tom.
"Ah. Kaya pala unang kita ko palang, mukang model na talaga siya", sabi ko.
"Childhood friends sila e, hanggang sa maging sila, HAHAHA!", sabi pa ni Tom. "Laire, teka lang ha, aayusin muna namin yung drums".
"Teka, ano bang meron?", tanong ko kay Tom.
"Practice ng banda", sabi naman niya at tuluyan nang umalis. Mag-isa nalang ako, napatingin na naman ako sa pwesto nila Alex and Jane.
Seeing them laughing, feeling ko mahal pa nila ang isa't-isa. Siya pala, siya pala yung unang sineryoso ni Alex. She's lucky! Sobra! Haaaaay! Nakatingin lang ako sa kanila habang patuloy na nagkkwentuhan habang nagtatawanan. Feeling ko may masaya silang pinagkkwentuhan. Ayos na sila oh, baka magbabalikan na. Haaaay!
Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Munewan! Ayoko ng ganitong feeling. Ayoko! Ayoko! Sa pagkakatanda ko, huli ko 'tong naramdaman 5 months ago. Bakit ganito? Ayoko na ngang tumingin sa kanila. Ang saya nila oh.
Nakatingin pa din ako sa kanila nang sabay silang tumingin sa'kin. O.O
Alex's POV
Nakakatuwang makipagkwentuhan sa babaeng minsan mo nang minahal. Kaso saglit lang naman 'yun kaya nawala rin. She's laughing, halata ngang masaya na siya ngayon. She has a boyfriend, schoolmate niya daw.
"Maganda siya, I think, mas mahal mo siya kaysa sa pagmamahal mo sa'kin noon nuh?", sabi ni Jane. Sabay kaming napatingin kay Laire. Mukhang nagulat siya kasi nahuli namin siyang nakatingin sa'min. HAHAHA!
BINABASA MO ANG
Begin Again
Teen FictionDapat bang pagbigyang muli ang pagmamahalang pinakawalan? Paano kung tadhana na ang humadlang? May magagawa pa ba? Tadhana rin kaya ang ang gagawa ng paraan para maipagpatuloy ang nakaraang kanyang hinadlangan? Dito sa istoryang ito, may pangyayarin...
