CHAPTER8
Lance's POV
Nag-aayos na ako ng gamit ko, yung mga dadalhin ko mamaya sa gala namin ni Laire. Excited nako! Eto na yung moment ko, moment na aayusin ang lahat.
"Anak!", tawag ni Mama.
"Yes ma?", binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sumilip.
"Halika na, hinihintay na tayo dun", sabi naman ni Mama.
"Ha? E Ma. May pupuntahan kasi ako e, kami ni Laire", sabi ko naman,
"Lance, sabihin mo, next time nalang, kailangan kasi nating pumunta dba? Para sa gaganaping reunion"
"Bat kasi kailangang kasama ako?", badtrip na yung mukha ko.
"Haaay nako. Nandun din mga anak ng old friends ko eh, kailangan niyo din mag-usap-usap, magkakakilala naman na kayo dba?"
"Oo na po. Text ko nalang si Laire", nasabi ko nalang. "Geh ma, mag-aayos lang ako", pumasok na ulit ako sa kwarto.
Then, I texted her.
Naku! For sure, magagalit sa'kin yun, di kasi natuloy e. Haaaay :( next time talaga. Kuuuu! Kung di lang talaga ako masunuring anak -___-
Umalis na kami ni Mama, napadaan kami sa subdivision nila Laire. Sayang talaga! Sayang!
"Anak, may next time pa naman e", sabi ni Mama.
"I know ma, kaso sayang talaga", sabi ko naman kay Mama.
Laire's POV
'Yung kanina ka pa naghihintay kasi susunduin ka daw. Haaaay! Kanina pa 'ko nakabihis pero wala pa ring Lance Kristoff Salazar na nadating. Nakakabadtrip naman! >.<
*beep* one new message from: Lance -____-
*"Laire, sorry, di ako makakarating, sorry talaga, next time nalang, badtrip kasi e, may pupuntahan kami ni Mommy, may urgent meeting siya with her old friends, e kailangan din ako dun, sorry talaga :((" -Lance*
Sabi na'y, haaaaay :| Sayang, edi sana si Alex nalang kasama ko. Nasabi ko na kay Mommy na pupunta si Lance e, uuwi pa tuloy si Mommy para daw makasabay kami ni Lance mag-lunch dito sa'min. Tapos wala din pala :(
Kanina pa ako nandito sa labas ng bahay namin, nakaupo sa stairs. Badvibes talaga :(
*"okay lang yun, geh, enjoy nalang :)" - Laire*... reply ko sa kaniya.
Pabalik na ako sa loob ng bahay ng may tumawag sa pangalan ko, "Laire!". Napatingin ako sa lalaking naka-motor, tinatanggal niya na ang nakasuot na helmet. Tsaka ko lang narealize na si Alex pala yun :3
Bumaba siya at pinark ang motor niya sa tapat ng bahay namin. Aba! Ano kaya ginagawa ng lalaking yan dito? HAHA! Shocks! Goodvibes na ulit :))
"Ano ginagawa mo dito?", sabi ni Alex.
"Dapat ako nagtatanong niyan ah! Ano ginagawa mo dito?", sabi ko naman.
"Nilibot ko kasi yung subdivision, tapos nakita kita, kaya tumigil ako". Kunyari pa, ayaw pa sabihing namiss ako't nagbakasakali lang na nandito pa ako. HAHAHA!
"Sus! Namiss mo lang ako e! HAHA! Joke lang :P", biro ko sa kaniya. xD
"Oo nalang! HAHAHA!", tawa niya. Hilig talagang sumakay ng lalaking 'to sa kalokohan ko.xD

BINABASA MO ANG
Begin Again
Genç KurguDapat bang pagbigyang muli ang pagmamahalang pinakawalan? Paano kung tadhana na ang humadlang? May magagawa pa ba? Tadhana rin kaya ang ang gagawa ng paraan para maipagpatuloy ang nakaraang kanyang hinadlangan? Dito sa istoryang ito, may pangyayarin...