BA - Past - Chapter10

35 3 0
                                        

CHAPTER10

Lance's POV

Masaya ako kung makakausap ko na si Laire. Hindi na ako makakapaghintay ng hapon para masabi sa kaniya 'yung gusto kong sabihin. Hindi ko nga alam kung tama pang sabihin sa kaniya ang lahat ng 'yun. Kakapalan ko na talaga 'yung mukha ko para masabi ang lahat ng 'yun.

Ang aga naman niya pumasok, mag-isa palang siya sa corridor ng classroom nila. Dadaan kasi ako sa room nila bago makarating sa room namin. Napatingin siya sa taong paparating, at ako 'yun. Nginitian niya ako. Grabe, eye-to-eye contact with her, nakakamiss 'to. Napatingin ako sa loob ng room nila, baka nandun na 'yung "bestfriend" ko eh.

Kung masira man ang friendship, okay lang 'yun. Kasalanan niya naman eh. Alam niyang mahal ko si Laire tapos mamahalin niya din. Tsk. Kaya pala kung makapagsabi siya na kay Angeli nalang ako eh. Hmmp. Pero nakaka-miss din 'yung bestfriend ko, sobra. Dati kasi lahat lahat nashe-share ko sa kaniya. Kapag malungkot ako, siya 'yung numero unong nandiyan agad kahit hindi ka pa nagsasabi. Kapag masaya ang tropa, mas pinasasaya niya pa. Haaaay :(

Laire caught me habang nakasilip sa room nila.

"Pssst! Hanap mo si Alex?", tanong ni Laire habang nakasandal sa poste at nakaharap sa'kin.

"Ah? Wala pa siya o umalis lang?", tanong ko naman.

"Mamaya pa siguro 'yun, alam mo naman 'yun, medyo late na rin magising", natatawa niyang sabe.

Ayos! Wala pang istorbo, ay! Di nga naman pala ugali ni Alex na mang-istorbo. Don't worry Alex, aasikasuhin ko muna 'yung sa'min ng babaeng pareho nating mahal ah, bago 'yung sinasabi ng utak kong 'friendship' nating dalawa.

"Laire, gusto kong makipag-usap sa'yo", sabi ko sa kaniya. Isa isa na ring dumadating ang mga classmates niya. 6:20 na kasi eh.

"Nag-uusap na nga tayo diba? HAHAHA!", sabi naman niya.

"Seryoso ah"

"Sige, go lang! Umpisahan mo na"

"Hindi ko alam kung paano sisimulan, pero... Laire, naka-move on ka na ba?", seryoso kong tanong. Awkward eh, alam ko. Ang hirap na nakakahiya, tsk.

"Ano ba namang klaseng tanong yan? HAHAHA! Pero sige, seryoso. Ammm. Lance, yeah, sa tingin ko, naka-move on na ko. Masaya na ako ngayon, sobra, parang tulad mo, noong naging kayo ni Angeli", she's smiling. Hindi ko ma-take 'yung ngiting 'yun. She looks so happy. Hindi ko alam kung bakit at paano nangyari? Alam kong mahal na mahal niya ako noon, pero bat nawala na ng tuluyan?

"Wag mo na sanang isingit diyan sa usapan natin 'yung pang-iiwan ko sayo noon, oo, nasaktan kita, sorry ha, ngayon lang ako nagkalakas ng loob pag-usapan at ayusin ang nakaraan"

"Tsk. Matagal na 'yun, kalimutan nalang natin", nakangiti pa rin siya. Hindi ko naman matumbasan ng ngiti 'yung mga ngiting binibigay niya. Nakakasakit sa'kin eh. Sobra!

"Pero Laire, alam kong nasaktan kita noon, promise, babawi ako... kung hahayaan mo ako", seryoso kong sabe.

"Huh? Ano gagawin mo? Paano ka babawi?", tanong naman niya.

"Alam kong mabilis, pero hayaan mo na... hayaan mo akong mahalin ka ulit", sabi ko sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"HAHAHAHA! Baliw! Wag ka mag-joke ngayon, waley e", sabi niya sabay hampas sakin. Eto na naman tayo... Laire‼! Bat kasi ang hirap mong paniwalain? Haaaay!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon