This is for all Vicerylle Love On Top readers. Let's rewind time sa panahong inimbita sila sa bahay ni Kuya...
"Vice, gusto ka sana namin maging celebrity houseguest sa bahay ni Kuya."
"Ano?!"
"Just for a few days. Gusto lang sana namin matulungan mo ang housemates how to boost their confidence, lalo na yung para sa weekly task nila. They're going to have a fund-raising concert kasi and kailangan nila magperform by themselves."
"Paano yan? Paano si Karylle? Yung mga anak ko?"
Inakbayan naman siya ni K at pinakalma. "I'll be fine! Ano ka ba. Sige na mageenjoy ka dun i'm sure."
Naiinis naman si Vice na pinag-iisipan parin kung tatanggapin ba niya ang offer na 'to, dahil matagal na rin nung huling beses siyang lumabas sa TV. Ayaw niya kasing iwan ang pamilya niya lalo na't natatakot siya na malayo sa mga ito ulit.
Hanggang sa nakaisip narin ng ideya ang isa pang staff ng PBB.
"Miss Karylle, samahan niyo po kaya si Vice? Pareho naman kayong performers eh."
"YES!!! OO!!! ISAMA NIYO SIYA!" tuwang-tuwa naman si Vice na nakikitang naiinis ang misis niya. "Sige na nga. Kung di lang kita mahal."
Alright then! Kuya and the housemates would be very happy sa pagpasok niyo. We'll contact you next week sa kung kailan namin kayo masusundo at para na rin sa iba pang detalye.
-----
"OMG! We're so excited to watch you on TV again po! Galingan niyo po ah!" patalon-talon pang wika ni Kiara while Miggy was busy playing with his three year old baby brother, Andrew.
"Oo naman! Namiss ko rin naman yung buhay showbiz kaya eto, babawi ako ng very very light." said Vice habang busy naman sa pagiimpake ng gamit niya. "Mommy pakidala nga yung make-up ko." biro pa niya sabay tawa.
Tahimik naman si Karylle na abala din sa paghahanap ng damit na kanyang dadalhin sa loob ng bahay. The twins noticed her kaya nilapitan siya ng mga ito. "Are you okay, mom?"
She smiled sadly and took a glance at her husband. "Mamimiss kasi kayo ni mommy eh. Take care of your baby brother while we're not around ha?" the kids gave their mother a tight hug and assured that they'll be in charge with everything at wala itong dapat alalahanin. Si Vice naman ay nakatingin lang sa kanila at masaya naman siyang nakikitang ganito ang pamilya niya.
It was a Monday when both Vice and Karylle were escorted papunta sa PBB house. Both were blindfolded at magkahawak-kamay pang naglalakad papasok ng bahay. Nang makaupo na sila, ay alam nila pareho na nasa confession room na sila.
"Ang lamig.. hug mo nga ako Mommy."
"Clingy Daddy." yayakap na sana si Karylle nang biglang nagsalita si Big Brother. "Ano ba yan pati ba naman ikaw kuya daot rin." he joked again.
Kuya: Maaari niyo ng tanggalin ang mga blindfolds. Vice.. Karylle. Welcome ulit sa aking bahay.
Vice: KUYAAAA!! Namiss kita kuya!!!!!
K: Behave. Ingay mo.
Vice: Ay sorry na madam.
Kuya: Namiss din kita, Vice. Siguro naman, alam niyo na kung bakit nandito kayo ngayon.
Vice: Makikikain kami? Charot. Opo.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)
FanfictionA sequel of Vicerylle Love On Top.