Author's Note
Hi guys! Ginawa ko 'tong UD to give tribute na rin sa Daddy Pogi natin. And sa mga nagsusubaybay ng Love On Top hanggang sa Pagbigyan Muli, this happened 2 years ago. Yung bago pa nangyari ang lahat ng kalokohan ni Jose Marie. Haha! So ayun.. Eto na..
----------
"Mommy, father's day tomorrow.. What to do what to do?" pangungulit naman ni Miguel sa mommy niya na nagluluto naman ng kanilang hapunan.. Hindi pa kasi nakauwi si Vice dahil sa nag attend siya ng isang birthday party ng isang kaibigan.
"Well, i'm not really sure what we can do for tomorrow. Can you call your sister first so we can talk about it?"
"Opo opo.." sabay takbo ni Miguel sa kwarto niya.
Naiwan naman si Karylle kasama ang isa pa nilang katulong na si Ate Rose. Matagal na rin niyang kasama ito dahil siya na rin ang nag alaga kay Karylle noong bata pa siya, at talagang malapit na sila sa isa't isa. Kaya naman dahil wala siyang kausap tungkol sa iniisip niya ay napasya niyang kausapin na rin ito.
"Mukhang may binabalak nga talaga ang mga anak mo, Karylle." pabulong na sinabi nito sa alaga nang marinig na nagbukas ang gate ng bahay. Nakarating na nga si Vice.
"Oo nga po eh. Sa totoo lang di ko rin napag-isipan yung tungkol bukas. Paulit-ulit na rin kasi na sinu-surprise namin si Vice through bringing him breakfast or giving him cakes tuwing Father's Day. Gusto ko sana kakaiba naman." sagot ni Karylle.
"I'm hoooome!!" sigaw naman ng isang lalaki sa sala. Nagulat naman si Karylle nang biglang may yumakap sa likod niya. "Good evening po Ate Rose. Good evening sa maganda kong asawa. Missed me?" tanong nito.
"Namiss, kaso amoy alak ka nga lang."
"'to naman. Wine lang yun!" sabay yakap naman ulit nito kay K.
"Ang aga mo ata umuwi?"
"Ayaw mo? Osige babalik nalang ako."
"Nagtatanong lang eh."
Natawa naman si Vice at kinagat niya ang braso ni Karylle sa sobrang gigil. "Afternoon party lang yun ano ka ba. Ikaw naman eh, kung party ba kailangan matapos ng late?" di nalang sumagot si Karylle. Hinalikan nalang siya ni Vice sa pisngi at umakyat na rin ito sa kwarto nila.Dumaan naman si Vice sa kwarto ng mga anak niya at masaya naman siyang sinalubong ng mga ito. They ran infront of him and gave him a big big big hug. Miggy almost went down the stairs to talk to their mom pero narinig niyang dumating ang daddy niya kaya hindi na muna sila tumuloy ni Kiara. After they had a small chit-chat, ay mabilis namang tumakbo ang mga bata pabalik sa kusina para makausap ang mommy nila.
Sakto naman at may naisip na agad si Karylle na gagawin nila bukas sa tulong ng kanyang Ate Rose. The kids listened carefully and agreed sa plano ng mommy nila, pero syempre dumagdag rin sila ng mga ideas para mas maappreciate ito ni Vice.
During dinner, ay tahimik naman silang lahat except for Vice na daldal ng daldal tungkol sa mga random na bagay. Sinasagot nalang siya ng mga ngiti ng kanyang mga anak at asawa. Napapansin niya ito pero binabalewala lang. Iniisip nalang niya na antok na ang mga ito.
Later that night, ay tahimik lang na nakahiga si Karylle sa dibdib ni Vice.
"Ang tahimik mo kanina pa. Nagtatampo ka sakin?" pag-aalala ni Vice.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)
FanfictionA sequel of Vicerylle Love On Top.