"Umuwi na sina Ate. She texted me but she told me not to tell anyone. She made sure the kids will see Kuya Vice as soon as possible. Please don't tell him about this yet. Goodnight. "
Nang mabasa ni Anne ang text na ito galing kay Zia, ay agad naman siyang nataranta. Tinawagan niya kaagad si Vhong para ipaalam ang tungkol sa balita. From Vhong, mabilis naman itong kumalat sa buong Showtime family kaya mas nagkaroon sila ng pag-asa na magkikita rin si Vice at Karylle very soon.
Samantala, nasa labas naman si Vice ng bahay niya. Umupo siya sa tabi ng swimming pool nila habang nagmumuni-muni. Iniisip na naman niya ang mga bagay na maaari niyang dapat gawin upang makita niya si Karylle. Kahit gaano kahirap man daw ang mga ito, ay gagawin niya. Mabawi lang ang mag-ina niya.
"Tay, kung pwede sana, tulungan niyo naman ako na mahanap sila. Namimiss ko na sila.." sabi ni Vice habang nakatingala sa mga bitwin.
Pinikit niya ang kanyang mata at hindi niya namalayan, ay dahan-dahan ng pumapatak ang mga luha niya. Napayuko siya. Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang mga masasayang alala nila bilang pamilya. Ang mga bakasyon sa ibang bansa, ang pangungulit ng mg anak nila tuwing nasa set sila ng Showtime.
Natawa naman siya nang naisip niya ang tungkol sa mga oras na niloloko nilang tatlo si Karylle. Kunwari ay nagtatampo silang lahat sa kanya ng sabay. Kaya tuwing nangyayari yun ay napapaiyak si Karylle kaya naman natatawa si Vice dahil ang cute daw nito.
FLASHBACK
"Kids? Give mommy a hug naman. I'm tired from work." said Karylle to her children with a big sad face.
Nagtaka naman siya kung bakit hindi siya pinapansin ng mga ito. Nakatingin parin sa screen ng iPad ang mga anak at hindi sa kanya.
"Mga anak?"
She had that confused look on her face this time. Kaya naman nilapitan niya ang mga ito at tinanong..
"Did Mommy do something bad? Bakit di niyo ako pinapansin?"
Dedma pa rin siya ng mga ito, she decided to kiss them na lang and go ahead sa bedroom nila. Pag-alis naman ni Karylle, ay nag high-five naman ang kambal sabay tawa sa kanilang mga acting skills.
Pagdating naman sa bedroom, ay naroon naman si Vice na busy sa pagnood ng TV.
"Hi love. Sorry I just got home sobrang dami kasing clients lately eh."
Lumapit naman si Karylle sa asawa niya para halikan ito. Poker face naman si Vice kaya nagtaka na naman si Karylle.
"Is something wrong?"
Napailing lang ito.
"Nagtatampo ka ba sakin? Bakit pati mga bata..."
Vice walked out of the room at di naman alam ni K ang dahilan. She sat down sa bed at unti-unti siyang napapaiyak sa mga nangyayari.
Si Vice naman ay dumiretso sa sala kung saan naroon ang mga anak na nagkukulitan.
BINABASA MO ANG
ViceRylle: Pagbigyan Muli (Love On Top Book 2)
FanficA sequel of Vicerylle Love On Top.